Kinabukasan ay mas lalo pang naging rigid ang pagsasanay niya. Nasa tabi lang si Liam nakamasid sa kanya na sa tuwing break ay nagtatanong kung okey lang ba siya at kumusta ang pasa niya. Salamat sa gamot na binili nito at naibsan kahit papaano ang pananakit ng katawan niya.
Lalo naman siyang nagpursigi ng makitang mas lalong pinapakita ni Princess na gusto nito si Liam at ang Liam naman ay nagpapaka friendly sa dalaga much to her dismay. Kaya ang inis at yamot ay sa ginagawa na lamang niya ibinubunton. Kung kahapon ay maikalimang beses ata siyang naibabagsak ni Princess, ngayon naman ay isa o dalawang beses na lang sa mga pagsasanay.
Nagsabay na silang kumain ng lunch at ang talimpantas na babae ay tumabi talaga kay Liam kaya wala siyang nagawa kundi ituon na lamang ang pansin kay Rudy na ikinuwento ang history ng Yin/Yan Temple. Nagpahinga lamang sila sandali matapos ang tanghalian kaya nagawa pa niyang magpalit ng damit.
Isang sleeveless shirt ang isinuot niya at medyo lumitaw ang cleavage sa dibdib niya kahit hindi naman niya intensyon. Wala na siyang pakialam kung ano mang sabihin ni Liam at nilagyan na lamang niya ng band aid ang mga maga-magang bahagi ng balikat. Pagbalik niya sa dungeon ay sina Princess at Liam lang ang naroon. Nakalutos position ang babae sa harap ni Liam at kitang-kita niya ang mapuputing hita nito dahil naka sports shorts lang ito. Ang loko namang si Liam ay mukhang enjoy na enjoy sa view ni hindi napansin ang paglapit niya.
"Namaga pala ang mga balikat mo?" puna ni Princess ng makalapit siya.
Agad niyang tinabunan ng palad ang mga balikat. "Medyo, madali kasi talaga akong magkaganito.''
"Sana sinabi mo sa akin. Mukhang mas lalong namaga eh. Si Rudy pa naman ang makakasparing mo ngayon."
"Okey lang. Uminum na rin ako ng gamot."
Aalis na sana siya para ilapag ang bag sa bench ng tumayo si Liam at lapitan siya.
"Patingin nga," sabi nitong pinaharap siya. Inespeksyon nito ang balikat niya na natatabunan ng band-aid. "Kahit ilang band-aid pa ang ilagay mo dyan halatang-halata naman ang maga. Sasabihan ko si Rudy na huwag na kayong magsparing."
"Ano ka ba huwag na, maga lang naman ito eh hindi na masakit. Last day na rin naman ng training ngayon eh tatapusin ko na,'' sabi niya sa binata.
''Hindi na masakit sigurado ka?" paninuguro nito.
''Hindi na nga.''
Nakagat na lamang niya ang mga labi ng biglang hawakan nito ang magkabilang balikat niya. Kung hindi pa siya nakapagpigil ay baka napahiyaw pa siya sa sakit. Hindi siya makatingin sa binata dahil alam niyang kitang-kita sa mata niya ang sakit.
"Look at me Bianca,'' utos nito sa kanyang niyugyog ng kunti ang balikat niya. Napapikit na lang siya pagkatapos ay pilit na sinalubong ang tingin ng binata. Pinilit niyang pablangkuhin ang mukha. "Ang tigas talaga ng ulo mo."
Agad siyang binitawan nito na siya namang pagdating ni Rudy na mukhang natuwa ng makita ang outfit niya. Nagsimula ang sparring nila ni Rudy. Noon una ay nag dahan-dahan pa ito lalo at napansin nito ang mga pasa niya. Pero siniguro niya sa lalaking okey lang siya ay naging agresibo na ulit ito.
Naitutumba pa naman niya si Rudy gamit ang natitira niyang lakas. Pero ng akmang ibabagsak na siya ni Rudy sa sahig habang hawak ang magkabila niyang braso ay hindi na talaga niya napigilan ang hiyaw at pagguhit ng sakit sa mukha na nakita ni Liam. Agad nitong hininto ang laban bago pa siya maibagsak muli ni Rudy.
Kagat-kagat pa niya ang labi pinipigilan ang maiyak habang mahahaba ang lakad ni Liam papunta sa kanya.
"Bakit Liam?" naguguluhang tanong ni Rudy na mukhang hindi narinig ang hiyaw niya.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
