Pagdating sa hospital ay hinarap agad siya ng doktor ng hospital.
"Doc, Captain Liam Morales po," pakilala niya sa doktor. "Alam na ba ninyo kung anong klaseng lason ang ininum ng pasyente."
"I’m afraid hindi pa namin tukoy. Masyado kasing madali ang pagkalat ng lason sa katawan ng biktima. Alam kung nasa kulungan ang lalaking ito kaya I’m sure naguguluhan kayo kung saan nanggaling ang lason. Its some kind of drugs na hindi naman common na ginagamit. Kung hindi ito directly ininject sa biktima I don’t see any other way para madali ang pagkamatay niya."
Pag-alis ng doktor ay napasuntok siya sa dingding ng hospital. Paanong namatay ang isang suspect sa isang maximum security prison na 24 hours ang bantay.
"Elgen I want everything about this in my table sa araw na ito. Lahat ng pangalan na nakatalaga sa maximum security prison ni Samuel at lahat ng pangalan ng lumabas at pumasok sa loob for the past days," galit na sabi niya kay Elgen na sinamahan ni Luis. Naiwan silang dalawa ni Cassie na nagmamasid lang sa kanya. He try to calm himself.
Sinagot niya ang tawag ng mag ring ang cellphone niya. Si Noah ang tumawag sa kanya. Tango lang siya ng tango rito.
"Let’s go Bianca," tawag niya sa dalagang sumunod naman sa kanya na hindi naman kumikibo. Nainis tuloy siya rito ng makasakay ito sa sasakyan.
"Will you talk Bianca? Mukha kasing wala akong kasama eh," inis na asik nya sa babae.
Gulat ang mukha nitong tumingin sa kanya.
"Anong gusto mong sabihin ko. You look really pissed-off ayokong dagdagan ang init ng ulo mo. And please hindi ako ang kaaway mo so huwag mo akong pagagalitan."
Nasuntok lang niya ang manibela sa inis. "I’m sorry. Hindi ko lang alam kung anong gagawin ko. Bakit nangyari yun kay Samuel? I’m gonna get that man kung sino man ang traydor sa organisasyong ito," galit pa rin na sabi ni Liam.
Hindi niya napigilang abutin ang braso ng binata. Alam niyang ibinigay na nito ang buong atensyon nya sa kaso ng Gary Gang at sa pagkawala ni Samuel ay back to zero na naman sila.
"Tama na Liam. Alam ko mahirap pero hindi natin malulutas ang lahat ng ito kung puro init ng ulo ang paiiralin natin. Mahahanap din natin ang puno't dulo ng lahat ng ito but you need to calm down," mahina niyang sabi rito na bahagyang pinisil ang braso ng binata.
Tumitig siya sa mukha ng dalaga at milagrong nakaramdam siya ng kapayapaan. Hinawakan niya ang kamay nito na nasa braso niya. Naramdaman niyang napapitlag ito pero hindi naman inilayo sa kanya ang kamay. He sigh. Kung nag iba lang ang sitwasyon hinding-hindi siya papayag na malayo sa kanya ang babaeng ito.
"Thank you Bianca kahit minsan I’m a total jerk."
Nakita niyang napangiti ang dalaga kaya lalo siyang kumalma. Wala na silang kibuan habang papunta sa hideout nila. Naghihintay ang tropa nila 3D doon.
"Any updates guys?" bungad ni Liam sa mga ito.
"Wala talaga Liam. Patay ang CCTV for almost a week at matagal ng nireport ng mga guwardiya iyon pero hanggang ngayon ay wala pang ipinalit sa mga camera and worst sira ang generator kaya kung magblock out man wala silang extra power unfortunately biglang nagblock out sa buong detention kagabi mukhang may sumabotahe talaga. Tinanggal na sa pwesto ang lahat ng duty ng araw na iyon," imporma ni Lester sa kanya.
"What? Bakit tinanggal? Paano pa maiimbestigahan ang mga iyon kung wala na sila dito. God, what is happening?" Liam sigh in frustration.
"Dont worry Liam, Jayson is trying to hack the whole system hindi man natin makuha ang CCTV footage dahil wala namang nakarecord doon ay baka may masilip tayong kakaiba this past few days or months," alo sa kanya ni 3D.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
