Mag aalas syete pa lang ay nasa daan na sila. Ganoon kaaga silang umalis matapos makapag agahan na maagang hinanda ng ina na hindi naman niya alam kung paanong nalaman na maaga silang bibiyahe. Ayaw daw kasi ni Liam na maabutan sila ng traffic sa daan kaya maaga pa lang ay nasa kalsada na sila.
Tahimik lang sila habang nasa biyahe. Napansin na lang ni Cassie na palabas na sila ng sentro at nakadaan na sila sa coastal area at natatanaw na niya ang mga bundok sa kabilang panig ng dagat.
"Mag ma-mountain climbing ba tayo?" hindi niya napigilang magtanong sa binata.
"Be patient Bianca. Just enjoy the view habang wala ka pa sa training okey," sabi nitong kinindatan pa siya.
Hindi na lamang siya kumibo hanggang sa makarating sila sa isang saradong gate. Napatingin siya sa sign na nasa itaas ng mahabang gate. Yin/Yang Temple. Chinese Temple??? Anong gagawin nila sa isang chinese temple? Naitanong ni Bianca sa sarili habang papasok na sila sa loob. May mga nakita siyang mga mongha sa loob na agad nag bow sa kanila ng madaanan nila. Nakababa kasi ang salamin ng sasakyan ni Liam.
"Retreat ba to?" tanong niya ulit kay Liam na pinisil lang ang ilong niya.
"Ang kulit mo rin ano?"
"Nagtatanong lang naman eh," mahina niyang sagot.
"Halika na para masagot na yang mga tanong mo," yaya nito sa kanya ng maipark na nito ang sasakyan.
Agad niyang inabot ang maliit na knapsack sa likod niya at agad na sumunod sa binata. Malawak ang area na tinatahak nila at halos malula siya sa ganda ng paligid na puno ng magagandang bulaklak ang malawak na hardin sa magkabilang panig ng nilalakaran nila ni Liam. Hindi niya tuloy maiwasang maisip na kinakasal sila ni Liam at naglalakad sila sa gitna ng aisle.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" siko ni Liam sa kanya.
"Wala. Sino bang hindi mapapangiti kung ganito kaganda ang paligid."
"Okey," sabi nitong napatango-tango na lamang habang nililibot ang tingin sa paligid.
Nakarating sila sa isang templo kung saan may sumalubong sa kanilang monghe na umalalay sa kanila sa isang opisina. Napakatahimik ng lugar kaya hindi na siya nag usisa. Pinapasok na sila sa loob ng opisina at agad namang tumayo ang isang lalaking may kahabaan ang buhok na medyo ikinagulat niya dahil ito pa lang ang nakita niyang may buhok sa loob ng templo.
"Brian, good morning. Glad nakarating kayo ng maayos," bati nito kay Liam na agad inabot ang kamay sa binata at nag handshake. Napasulyap naman ito sa kanya at nginitian siya. "I believe siya ang magiging estudyante ko?"
"Good morning Rudy. And yes, she is," sabi ni Liam at hinarap siya. "Rudy, this is Cassie Bianca Espanyol, you can call her Cassie and this is Mr Rudy Chua, martial arts expert. Name any techniques marunong siya."
Agad namang inabot ni Mr Chua ang kamay nito na tinanggap naman ni Cassie agad.
"It’s good to finally meet you. Hope you enjoy your stay here in the temple and your training," nakangiting sabi nito sa kanya. Mukhang matanda lang ito ng ilang taon kay Liam pero sino ang mag-aakalang martial arts expert ito gayong payat ito.
"Nice to meet you too Mr Chua. Tiyak magugustuhan ko ang stay ko sa magandang lugar na ito pero hindi ako siguradong magugustuhan ko ang training na sinasabi ninyo."
Agad siyang inakbayan ni Liam at pinisil ang mukha.
"Pasensiya ka na Rud may pagka joker kasi talaga itong si Cassie eh."
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
