Halos palubog na ang araw ng matapos sila Ycer sa ginagawa. May van pala itong dala kung saan nakalagay ang mga screen sa mga CCTV na nasa bahay nila. Sabi nito sa kanya ay ibabalik naman nito sa safehouse ang mga monitor na dala ng mga ito. Pinaghanda na rin ng ina ng hapunan sina Ycer na hindi naman tinanggihan ng binata. As usual hindi na naman nakaligtas sa question and answer portion ng ina ang tatlo.
"Matagal na ba kayong magkasama nitong si Bianca? Ngayon ko pa kayo nakitang tatlo eh," pagsisimula ng ina habang nasa harap sila ng hapag.
"Ma, si Ycer ay isang NBI agent. May trabaho lang siyang inaasikaso ngayon dito pero aalis din agad siya. Pati din silang dalawa," siya na ang sumagot sa tanong ng ina. Hindi pa rin niya makuha ang pangalan ng dalawa maliban sa ‘’choy’’ ang tawag ni Ycer sa mga ito.
"Ganoon ba. Naku, mas astig pa pala itong si Ycer kaysa kina Homer at Liam."
"No Tita. Mas astig pa po yun sila kasi mga boss namin ang dalawang yun. Mga taga NBI man kami pero mas mataas pa rin ang katungkulan ng dalawa kaysa sa amin," magiliw namang sagot ni Ycer.
"Pasensiya ka na sa asawa ko iho. Eh, naghahanap kasi ito ng prospect para maging asawa nitong anak niya," sabi naman ng ama na nagpatawa sa lahat pero pinandilatan naman ng mata ng asawang nasa tabi nito.
"Bata pa naman po itong si Cassie, Tito for sure hindi mahihirapang makahanap ng mapapangasawa ito. Eh ngayon nga pinag-aagawan na ito," nakangiti pa ring sabi ni Ycer na nagpamulagat sa kanya.
"Pinag-aagawan ka dyan Ycer. Baka maniwala na itong dalawang kasama mo dyan sa pinagsasabi mo. Wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon ngayon."
Napatango-tango lang ang dalawang kasama ni Ycer samantalang nangingiti lang si Ycer na nakipagbiruan pa sa mga magulang. Pagkatapos ng hapunan ay kinausap muna siya ni Ycer sa labas na malayo sa pandinig ng mga magulang niya.
"Nasa safehouse ang monitor ng mga ito. Yang nasa loob kasi ng van ay ililipat ang set-up doon. Palitan kami ng nakabantay sa monitor for any suspicious movements sa loob at labas ng bahay ninyo."
"You mean to say makikita ninyo ang ginagawa ko sa loob ng sarili kong bahay?" gulat na sabi ni Cassie na tinanguan lang ni Ycer.
"But sa buong sala lang naman at kusina ang sakop ng cam eh. Liam decided not to include your room kahit may pakiramdam akong gustong-gusto niya."
"Ycer, what are you saying?"
"It’s obvious. Gustong masiguro ni Liam na 24/7 ang pagbabantay sayo. He even volunteer to watch the monitor kapag bakante siya."
"What? Oh no, hindi pwede yun. Hindi niya pwedeng gawin yun."
Natawa si Ycer sa sinabi niya kaya natahimik siya.
"Alam mo Cassie, ang laki ng problema ninyo ni Liam ano? Mukha naman kasing may pagtingin kayo sa isat-isa pero pinipilit pa rin ninyong labanan. Loosen up a bit, you two. Baka naman kasi in order to solve this problem ay dapat magkasundo na muna kayo. Two heads is better than one, diba."
"You don’t understand Ycer. Ang gulo-gulo pa ng lahat para isali ko pa ang personal kung problema. Staying away from Liam means my family will be safe as well as keeping me safe."
"Pero yun nga ba talaga ang gusto mo? Kasi kung ako, mas mabuti ng kasama kung lumaban sa panganib ang taong mahal ko. It’s better to say what you feel kesa mahuli na ang lahat. Just saying," kibit-balikat na sabi ni Ycer na tinapik pa siya sa balikat. "Mauuna na rin siguro kami. Ihahatid ko pa ang dalawang kasama ko eh."
Pinilit niyang ngumiti kahit napaisip siya sa sinabi ni Ycer. Ganoon na ba talaga ka halata ang pagtingin niya kay Liam na kahit ang isang Ycer ay nakakahalata na. Pero imposible naman atang ganoon din ang pagtingin ni Liam sa kanya. Sinundan na niya si Ycer papasok ng bahay. Pinasalamatan niya ulit ito at pinadalhan pa isa-isa ng ina ng chocolate cake na madali na nitong naluto mula pa kanina.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AçãoSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
