Chapter 49

3.7K 80 0
                                    

Nasa loob ng opisina ni Homer si Liam ng araw na iyon. May bago na naman kasing sighting sa Gary Gang at pinakita niya sa kaibigan ang report na nakuha nila. They are discussing over a box of pizza and canned drinks.

"May dalawang babaeng nakita sa Sitio Felisa. According sa report ng SOCO, brutally abused daw ang mga babae. May substance din ng sex drugs na nakuha sa katawan ng mga ito. Mukhang makailang ulit na hinalay ang mga babae. Namatay sa sakal ang mga ito bago itinapon sa may sapa," kwento ni Homer sa kaibigan. Inabot nito sa kaibigan ang mg larawan ng mga biktima.

Napahilot sa ulo si Liam habang nakatingin sa pictures. Hindi yata niya makakayang isipin na isa sa mga pinsan niya ang magiging biktima gaya ng nasa larawan. Baka mapatay na niya ng tuluyan kung sino mang walang puso na gagawan nun.

"Hey, natulala ka na diyan," pukaw ni Homer sa kanya.

Ibinalik niya ang litrato sa mesa at napailing-iling na tumingin sa kaibigan.

"Naisip ko lang na kung sa mga pinsan ko nangyari ito hindi ko talaga titigilan si Gary hanggang hindi ko nakikita."

"Exactly, kaya huwag na nating hintayin na sa mga kamag-anak natin mangyari ang katulad nito. Maiba nga tayo Bok, have you read the background check of your personnel?"

Napatingin siya kay Homer at napasandal sa upuan. Sa dami ng nangyari nakalimutan na niya ang tungkol roon. Wala naman kasi siyang nakikita at napapansing kahina-hinala sa mga kasama. At ang kaalamang mas nauna pa ang mga ito sa kanya sa intelligence department ay sapat na para mawala ang pagdududa niya sa isa sa mga ito.

"I havent read it Bok. As a matter of fact, muntik ko ng makalimutan kung hindi mo pinaalala."

"You should find time to read that Liam baka naman makakuha tayo ng clue or some pieces to solve this puzzle."

"I will Bok. Salamat."

Bumalik na sila sa pagdidiscuss tungkol sa mga biktimang nakita sa may sapa. Naputol lang ang usapan nila ng dumating si Joseph. Pinapatawag daw siya ni Director for an emergency meeting. Kanina pa kasi daw ito tumatawag sa phone niya pero hindi sumasagot ang binata.

"My phone? Damn, nasaan na nga ba ang phone ko?" sabi ni Liam sa sarili.

"Hindi ko napansing may dala kang phone pagpasok mo rito Bok."

"I can't remember. Baka nasa office ko naiwan. Please keep it kung nakita mo. Imposible naman atang makalimutan kung dalhin yun dito."

"Sige na hahanapin ko baka naiwan mo kung saan. Nagiging ulyanin ka na Bok," natatawang sabi ni Homer na tiningnan lang ng masama ni Liam.

Nagpaalam na rin ang dalawa at sabay ng lumabas ng opisina niya. Pinatawag naman niya ang isa niyang tauhan para iligpit ang pinagkainan nila at balik trabaho na naman siya. Pagkatapos ayusin ang report ay isinandal muna ni Homer ang likod sa kanyang swivel chair at napapikit. Nakarinig siya ng mahihinang katok sa pinto n agad niyang pinapasok.

"Sir,excuse me lang po pero mukhang kay Capt. Morales po ata ng cell na ito. Naiwan niya sa kusina."

Napatuwid ng upo si Homer at napailing-iling na inabot ang cellphone mula sa kasama.

"Salamat Mitch. Napaka-ulyanin talaga nitong kaibigan ko. Kanina pa niya hinahanap ito ah. Thanks again sasabihin kung ikaw ang nakakita para ayain kang magdate nun."

Bahagyang nagblush ang babae, alam kasi niyang crush nito si Liam.

"Si Sir naman huwag naman po nakakahiya naman. Labas na po ako Sir."

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon