Nag-aalala ang mga mukha nina 3D ng pumasok sila sa loob ng safehouse. Agad siyang niyakap ng dalaga at inassure na magiging okey ang lahat at tumango lang siya at nagpasalamat rito. Inalalayan naman siya ni Homer paupo sa may sofa kung saan tinitingnan nina Ycer at Jayson ang laman ng box.
"Guys pwede bang itabi na muna ninyo yan at sa kwarto na ninyo iexamine ha," sita ni 3D sa dalawa na naupo sa tabi niya.
Napatingin sa kanya ang dalawa at nagsorry pa si Ycer saka tumayo dala ang box at nilagay sa loob ng kwarto nito.
"Bianca, ibigay mo yung number ng nagtetext sayo para mahack ni Jayson kung saan ang source ng mga messages na yan," sabi sa kanya ni Liam.
Agad niyang kinuha ang cellphone sa loob ng bag at ibinigay kay Jayson na nasa harap ng laptop nito.
"Can I read the messages muna Bok?" sabi ni Homer at inabot ang cellphone mula sa kamay ni Jayson. Hindi lang ata iisang beses na kumunot ang noo ni Homer habang binabasa ang mga text. Pagkatapos ay agad naman nitong ibinalik kay Jayson na inabala na ang sarili.
"So, ano sa palagay mo?" tanong ni 3D kay Homer.
"Kung text ang pagbabasehan, mukhang gusto ka niyang lumayo kay Liam dahil alam nitong mapapahamak ka kung lagi kang kasama ni Liam. But I can’t see the connection between what happen to Sam, to that dead cat and to the messages. Parang hindi sila connected," sabi ni Homer sa kanila.
"Exactly my point. So ibig sabihin dalawa ang nagbibigay ng threat kay Bianca. Though masasabi nating hindi naman threat yung messages dahil its more like warning for her to stay away from me. But why stay away from me?" sabi naman ni Liam.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Homer sa kanila ni Liam. Hindi naman nakatiis si Cassie kaya nagsalita na siya.
"Sandali lang. Kung totoo mang may threat ako at dalawang magkaibang tao sila, paano ang mga magulang ko. Baka sa susunod sila naman ang mapahamak dahil sa akin," tensiyonadong sabi niya na pinaglipat-lipat ang tingin sa tropang nasa harap niya.
"Tama si Cassie. Hindi lang dapat siya ang sinisecure natin kundi dapat kasali ang parents niya. Lalo na at hindi pa natin alam kung ano ang gusto ng stalker na ito," pagsang-ayon naman ni 3D.
"Mas mabuti sigurong lagyan ng surveillance cameras ang buong perimeter ng bahay ninyo Cassie," suggestion ni Ycer.
"Pero paano naman kung wala sila sa bahay. Paano kung papasok sa trabaho ang Papa niya? What are our precussionary measures for that?" tanong naman ni Noah na sinang-ayunan ng lahat.
"Mas mabuti sigurong umalis na muna ng Legaspi ang mga magulang mo Cassie," deklara ni Liam.
"What?" gulat na tanong ni Cassie rito. "At saan naman pupunta ang mga magulang ko. Oo, may mga kamag-anak kami sa Cebu at may bahay doon si Mama pero nandito sa Legaspi ang trabaho ni Papa. Hindi papayag yun lalo na pag nalaman nila ang tungkol rito."
"Hindi na dapat nila malaman itong lahat para hindi sila mag-alala sayo. Kung ang pinoproblema mo ay ang trabaho ng Papa mo, I can talk to his manager, pwede ko siyang ipalipat ng Cebu kung papayag ka. You decide Cassie. Hindi ka naman kasi basta-basta maisasama ng magulang mo kung sakaling malipat ang Papa mo dahil sa klase ng trabaho mo. Madali na nating makukumbinse si Tita na sumama ng Cebu," ani Liam.
Napailing-iling siya at napatakip ng mukha. Mas nag-aalala kasi siya sa mga magulang kaysa sa sarili dahil alam niyang marami ang puprotekta sa kanya kaysa mga magulang. Naramdaman niya ang akbay ni Homer sa balikat niya na nagpaangat ng mukha niya.
"Cassie, I think Liam is right. Sa ngayon we don’t have any option but to get them away from Legaspi. Nang sa ganoong paraan mafofocus tayo sayo at maiwasan ding madamay sina Tito at Tita. Think about it. Madali na lang ang pagpapalipat kay Tito if you will just agree with it."
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
