Chapter 36

4.2K 91 2
                                        

Tahimik lang nilang pinagmamasdan ang sinindihan nilang scented candles sa puntod ni Cathy.

"Ano ng mangyayari sa kaso ni Gary ngayong wala na si Cathy?" basag ni Cassie sa katahimikan.

Napalingon si Liam sa kanya.

"Marami ng myembro ni Gary ang nahuli ng tropa natin. Alam kung hindi madali and we are expecting the worst from the group lalo at namatay si Cathy."

"Sa palagay mo gaganti lalo si Gary sa atin?"

"I dont really know Bianca. Sana lang wala ng mapahamak ni isa man sa atin."

Namayani na naman ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Sister Fatima and Mother Superior Anna give their regards to you. Nasabi ko na sa kanila ang ipinunta mo sa monasteryo."

Agad na napalingon si Cassie sa sinabi ng binata.

"Nagalit ba sila sa akin? Alalang-alala ako eh na baka ako ang sinisisi nila kung bakit nangyari kay Cathy ito. Tahimik na ang buhay niya sa monasteryo pero ginulo ko pa."

Liam taps her shoulder.

"I told you hindi mo kasalanan diba. Wala kang kasalanan. Ilang beses ko bang sasabihin sayo yan," sabi ni Liam na tinitigan siya ng mabuti.

Napalunok ng wala sa oras si Cassie. How she love those black eyes of him. Kung sana ay pareho sila ng nararamdaman ng lalaking ito hindi sana ganito ang nararamdaman niyang lungkot.

"Hey! Okey ka lang?" pukaw ng binata sa kanya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin rito dahil sa pagkaasiwa.

"M-may iniisip lang ako."

"Mabuti pa umalis na tayo. We should find somewhere we could eat. Maraming pinadala si Tita," sabi ng binata na nauna ng tumayo at inilahad ang kamay para alalayan siya sa pagtayo.

Nag-aatubili man ay inabot niya ang kamay ng binata. Sudden electricity flowed through it. Napabitaw tuloy siya sa kamay ng binata ng makatayo na. Pareho pa silang nabigla sa reaction nila sa isat-isa.

"Pasensiya ka na ha kung kinukulit ka ni Mama," pag-iiba niya sa usapan para matakpan ang pagkailang.

Nauna na siyang maglakad pagkatapos magpaalam sa puntod ni Cathy. Nakasunod lang sa kanya si Liam.

"Okey lang. Hindi na rin naman ako nakadalaw sayo simula ng makalabas ka eh."

"Hindi mo naman obligasyon na dalawin ako. Alam kung marami pang trabaho sa opisina."

"Nakakamiss ka din kasing asarin kaya dinalaw kita."

Marahas na nilingon niya ang binata at pinagtaasan ng kilay.

"Hindi ako asar noh."

Nakita niyang tumawa ang binata.

"Hindi ka asar eh tingnan mo yang kilay mo dinaig mo pa ako."

"Hahaha…. Nakakatawa. Huwag mo na akong ihatid mamamasyal pa ako. At ikaw na rin ang kumain noong lahat ng pinadala ni Mama for sure mauubos mo rin naman yun eh," sabi ni Cassie na agad tinalikuran ang binatang tatawa-tawa pa rin.

Naglakad na siya palayo rito pero muntik pa siyang maout of balance ng biglang hawakan ni Liam ang braso niya. Pilit nitong sinusupil ang ngiti sa mga labi nito.

"Ito naman joke lang. Pinapatawa nga lang kita eh. Halika na hanap tayo ng park doon tayo kumain."

"Park? Bakit sa park? Baka may makakita sa atin doon akalain nagdadate tayo."

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon