"Encode that. I want that before two this afternoon," malamig na sabi nito sa kanya na nagpapalis ng ngiti niya.
Itinabi niya sa gilid ang bulaklak at kinuha ang folder na nilapag nito. Sa tantiya niya ang 20 pages ata iyon at kahit mabilis siyang magtype ay hindi yata niya matatapos iyon ng 2PM gayong 1:30 na.
"P-pero baka hindi ko matapos ng……."
"Well if you start typing that now baka matapos mo. Pero kung makikipagtitigan ka pa sa mga bulaklak ng ilang minuto tiyak hindi mo talaga matatapos," sagot nito bago siya tinalikuran.
Nasundan na lamang niya ito ng tingin. Napabuga siya sa hangin bago ibinalik ang tingin sa folder na hawak. Nagulat pa siya ng makita niya si Jerry sa harap ng mesa niya. Mukhang narinig ata nito ang pagsusuplado ni Liam.
"Ikaw na naman ang pinag-iinitan ng ulo ni Liam. Mukhang nainis ata sa mga bulaklak," seryosong sabi nito.
"Hindi naman siguro Kuya. Baka mainit lang talaga ang ulo."
"Marami ba yan? Bigyan mo ako para matulungan kita."
"Okey lang po. Kaya ko na ito."
"Hayaan mo na lang at baka may dalaw yan ngayon," biro ni Jerry na nagpatawa sa kanya.
"Kuya baka marinig kayo," saway niya rito at iniwan na siya nito na tumatawa. Sinimulan na niya ang pagtatype. Hindi na niya namalayan ang oras at nasa last page na siya ng bigla na namang sumulpot si Liam sa harap niya.
"Huwag mo ng tapusin nakita ko na ang files nyan."
Marahas na napatingin siya rito.
"Ano?"
"I have found the file."
"Minadali mo ako tapos sasabihin mo lang sa akin na huwag ko ng tapusin? Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin na hanapin ko ang files na ito eh alam mo naman palang meron," medyo tumaas na ang boses niyang sabi rito na mukhang hindi naman apektado. Sumasakit na ang likod niya sa kakatype tapos sasabihin lang nitong may files na ito.
"Sorry. Nakalimutan ko eh."
Tinalikuran niya ito at pinagpatuloy pa rin ang pagtatype. Tutal nasa last page na rin naman siya eh mas mabuti ng tapusin niya. Sa keyboard niya nilabas ang inis niya sa lalaki na alam niyang nakatingin lang sa kanya. Pakialam ba niya kung masira niya ang keyboard.
"Pag yan nasira papalitan mo talaga yan," komento nito pero hindi siya nagreact.
Alam niyang mali-mali na ang natatype niya pero wala siyang pakialam. Napamura na lang siya ng biglang mamatay ang monitor sa harap niya. Napatayo siya at pagharap niya rito ay hawak nito ang plug ng UPS ng computer.
"Ano bang problema mo?" frustrated na sabi niya rito.
"Wala akong problema. Mukhang ikaw ang may problema. I said stop encoding but you won’t stop at gusto mo pang sirain ang government property."
"Hindi ako ang may problema. Ikaw ang may problema sa utak. Hindi kita maintindihan. Minsan ang bait-bait mo tapos bigla napaka.... Napaka.....," napapikit siya sa inis rito. Kinuha niya ang bulaklak at isinaksak sa dibdib nito. "Naiinis ka dyan diba? So sayo na."
Iniwan niya itong nakatayo sa mesa niya at kinuha niya ang cellphone at lumabas ng opisina. Oo, boss niya ito pero kung minsan sumusobra na talaga ito. Hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya dumiretso na lamang siya sa cafeteria at umorder ng kape. Mukhang kailangan mainitan ang kalamnan niya para marelax siya. Naupo siya sa isang sulok. Alas kwatro na pala kaya tahimik na ang cafeteria. Nagulat pa siya ng umupo sa harap niya ang nakangiting mukhang ni Homer dala ang kape niya.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
