MARCH 8.....
Araw ng kasal nila Cassie at Liam. Lahat halos ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak ay dumalo sa kasal nila. Pati ang lolo ni Liam na pinaalala pa sa kanya ang trip to Hongkong niya na hindi pa raw nag eexpire kahit tatlong taon na iyong hindi niya nagamit. Nangako naman siya sa matandang gagamitin din niya iyon.
Dahil addict siya sa korean drama at pangarap niyang makakita ng cherry blossom kaya gaya noong proposal ni Liam ay may mga man-made cherry blossom din na mas marami nga lang. Ibat-ibang klase ng bulaklak ang nasa paligid na para kang nasa isang fairy tale lalo pa at nagmukhang fairies ang mga flower girls niya na nakangiti niyang pinagmasdan habang naglalakad sa aisle.
Huminga siya ng malalim ng makitang naglalakad na si Samantha sa gitna. Ito talaga kasi ang pinakamalapit sa puso niya na kahit nasa Cebu na siya ay hindi pa rin nakakalimot na tawagan siya lagi kaya pati si Cinde ay isa na rin sa mga flower girls niya na bibang-biba sa paglalakad kanina.
Huminga siya ng malalim at napahawak sa kamay ng ina ng lalabas na ito ng bridal car.
''Smile baby, ikakasal ka na talaga. Mag-aasawa na ang anak ko,'' naluluhang sabi ng ina.
''Beatrice, huwag mo ngang paiyakin yang anak mo. Masisira ang make-up nyan eh,'' saway naman ng ama niya na nakasilip lang sa labas ng sasakyan niya.
Niyakap na lang niya ang ina na lumabas na ng sasakyan matapos tawagin ng wedding coordinator na ang mga ito na ang lalakad sa aisle.
''Hihintayin ka namin sa altar okey,'' sabi ng mama niya na tinanguan lang niya at yumakap na siya rito bago siya iniwan.
Isang cream wedding dress ang napili niya. Tube ito sa itaas na hapit sa baywang at princess cut naman sa baba. She always dream to be a princess kaya iyon ang napili niya. Pinalabas na siya ng coordinator at dahil may makeshift door ay hindi pa rin siya makikita ng mga tao na nasa garden. She inhale, exhale. Excited siya na kinakabahan pero mas nangibabaw pa rin ang sayang nararamdaman niya. Hawak ng dalawang kamay ang all yellow tulips na bouquet ay tinanguan niya ang coordinator ng tinanong siya kung ready na siya.
Pumailanlang sa ere ang intro ng kantang "All of Me'' na naging theme song na nila ng nobyo simula ng kantahin ito ni Liam sa Batangas noon. Paglabas niya ng garden ay napasinghap ang lahat pagkakita sa kanya. Agad nagtagpo ang mga mata nila ng nobyo na gwapong-gwapo sa suot na tuxedo. Tinapik pa ito ng nakangiting si Luis Brent na best man nito. Habang naglalakad sa aisle na puno ng ibat-ibang petals ay hindi niya inaalis ang tingin sa nobyong nakangiti sa kanya. Sinong mag-aakalang nandito siya ngayon patungo sa forever after niya. Nagflashback sa kanya ang lahat at hindi niya napigilang mapangiti lalo. Ang boss niya na super suplado at laging mainit ang ulo pero handa pa ring iligtas siya sa kahit anong kapahamakan ay magiging asawa na niya.
Sinalubong siya ng mga magulang kung saan hinatid siya ng mga ito sa naghihintay na kamay ng nobyo. Natapos ang seremonya ng kasal kung saan naghiyawan pa ang mga bisita ng hindi na siya bitawan ng asawa matapos sabihing pwede na siyang halikan nito matapos ideklarang Mr and Mrs Morales na sila.
Kinabukasan ay bumiyahe sila ni Liam papuntang Rome para sa kanilang honeymoon. Regalo ito ng mga magulang ng binata at binigay naman ng mga magulang ni Cassie ang bahay nila sa Legaspi at sila na daw ang bahala kung anong plano nilang baguhin doon. Ang trip to Hongkong naman na galing sa Lolo ni Liam ay binigay niya kina Mother Anna. At dahil dalawa lang naman iyon ay dinagdagan na rin nila para makasama sina Baby, Sophia at Marco.
Matapos maayos ang mga gamit sa isang penthouse doon na pinarendahan ng isang buwan sa kanila ng kaibigan ng ama ng asawa ay dinala siya ng asawa sa isang restaurant kung saan may pinareserve itong table para sa kanila.

BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AksiSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.