Maaga pa ay pinagluto na agad ni Cassie ang mga kasama katulong si manang na kasama na niyang natulog sa hide-out sa kagustuhan na rin ni Liam. Ngayon ang araw ng alis nila na hindi naman niya alam kung saan. Ang tanging alam niya ay kasama niya si Liam sa pag-alis at uuwi naman sa Cebu si manang para makasama ang pamilya. Kung naiba lang ang sitwasyon nila ni Liam ay pinakiusapan na sana niya itong sa Cebu na lang rin siya magbakasyon para makasama ang mga magulang pero dahil nagkakahiyaan pa sila ng binata ay nanahimik na lamang siya.
Kahit papaano ay magaan ang pakiramdam niya habang nagluluto. Kagabi pa naghihimutok si 3D na mamimiss siya nito pati ang luto niya at pagtitiyagaan na naman daw muna ng mga ito ang luto ni Noah. Kaya naisip niyang gawing espesyal ang agahan para hindi naman madepress ito.
Wala pang gising sa mga kasama niya sa bahay maliban kay Lester na siyang nagmomonitor sa mga computer na pinadalhan na niya ng gatas kay manang. Nagtataka nga siya kung bakit kailangan pang bantayan ang bahay nila gayong wala na rin namang tao roon. Pero ng makita niya ang computer room ay hindi lang naman pala ang bahay niya ang may CCTV, meron din pala sa labas ng hide-out pati na rin sa opisina.
"Ang aga mo yatang nagising."
Napaigtad siya ng marinig ang boses ni Liam. Pawisan ito na mukhang galing sa pag jojogging. Nilampasan lang siya at kumuha ng tubig sa ref.
"Gusto ko lang ipagluto sina 3D ng special na agahan. Alam mo na, aalis tayo mamaya kaya para hindi naman malungkot masyado si 3D heto nagluto ako."
"Sabi ko naman sayo eh huwag mo silang sanayin. Hayan tuloy mamimili na ng kakainin ang mga yan lalo na si 3D."
"Hayaan mo na masama din naman sa katawan yung puro fastfoods eh. "
"Hep, hep... Narinig ko ang pangalan ko," biglang putol ni 3D sa usapan nila. "Good morning."
"Good morning 3D. Nagluto ako," nakangiti niyang bati sa dalaga na agad napasimangot.
"Despidida mo na ba ito? Ano ba yan? Sama mo na lang kaya ako Liam matagal na akong walang bakasyon," nakapout na sabi nito sa binatang nakasandig sa tabi ng ref.
"Tumigil ka. May pinapatrabaho pa ako sayo diba at isa pa isang linggo lang namang mawawala si Bianca dito ah."
"Kahit na ang haba na kaya non. Pag nahuli ko talaga yang stalker na yan kakatayin ko talaga ng buhay ang gagong yan."
"Babalik naman ako 3D huwag kang mag-alala. Pagtutulungan nating hanapin ang lalaking yun. Sige na maupo na kayo sa mesa inihanda na ni manang yun. Hindi pa ba gising sina Noah?"
"Gising na. Nasa gym lang nagpapapawis," sagot naman ni 3D na tikim ng tikim sa niluto niyang pancakes. "Tara na, nagutom akong bigla eh."
Nakaupo na sila ng dumating naman sa hapag ang mga lalaki. Mababakas ang lungkot sa mga mukha ng mga ito kahit nakikipagbiruan sa kanya habang nanatili namang seryoso si Liam na maya-maya ang pagtingin sa pangbisig na relo. Alas diyes pa naman ang flight nila kaya nasisiguro niyang hindi sila malalate.
Sina Jayson na ang nagprisintang magligpit ng pinagkainan nila at hinayaan silang makapaghanda sa pag-alis. Hanggang sa kwarto niya ay nakasunod pa rin si 3D sa kanya.
"Okey lang ba sayo na magkasama kayo ni Liam," biglang tanong ni 3D na nagpatigil sa kanya sa pagsusuklay. "I mean, magkasama kayong aalis so ibig sabihin iisa lang ang destinasyon ninyo."
"Uuwi naman siya agad pag nahatid na niya ako eh," sagot niya sa dalaga.
"Cassie, Cassie, Cassie, alam ko na yang look na yan. Siguro naman mabibigyan nyo na ng chance ang isat-isa nyan diba?"
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AksiSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
