Pagkatapos ng sunod-sunod na nangyari at sunod-sunod na natatanggap na text ni Cassie ay parang parati na lang lutang ang isip niya. Unti-unti ng kinakain ng takot ang buong sistema niya, takot para sa sarili, para sa mga magulang at sa mga kasamang alam niyang isa-isa ng pinapahamak ng kung sino mang nagtetext sa kanya. Nagdadalawang-isip pa rin kasi siyang ipaalam sa mga kasama ang tungkol sa threat. Noong una ay inakala lamang niyang prank text lamang iyon ng mga walang magawa pero ng makita niya ng dalawang beses ang lalaking nakabullcap ay hindi na nawala ang takot sa dibdib.
Walang tao sa opisina ng dumating siya pero sinabihan na siya ng tagalinis nila na nasa loob ng opisina nito si Liam. Napasulyap siya sa pangbisig na relo. Masyado yatang maaga ang pagdating ni Liam ngayong araw na ito. Wala pa naman siya sa mood makipag-usap at makipagbangayan rito. Nagpunta na lamang siya sa kusina at pinagtimpla ang sarili ng kape.
Nagiging clumsy na kasi siya lately pero mas lalo yata siyang nenerbiyosin kung hindi siya iinum ng kape. Inabala na niya ang sarili sa pag-aayos ng kanyang mesa. Nag open din siya ng mga emails na galing sa higher headquarters. Mostly mga compliances nila para sa susunod na linggo. Hindi pa man nag-iinit ang puwit niya sa upuan ay pumasok ang lobby guard nila na may dalang isang kahon ng regalo.
"Goodmorning Cassie. May LBC ka," bati nito sa kanya.
"Goodmorning din Sgt. Salamat sa paghahatid. Kape, gusto mo?"
"Hindi na tapos na ako. Wala kasing maghahatid dito eh, kailangan ko na rin bumaba wala pa ang karelyebo ko."
"Sige Sgt salamat ulit."
Nakakunot ang noong napatitig si Cassie sa box. Galing sa isang John Doe ang regalo kaya bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba. Binalot sa isang birthday wrapper ang box. Hindi naman niya birthday kaya bakit siya padadalhan. Nanginginig ang kamay na dahan-dahan niyang sinira ang wrapper ng box. Mukhang pinag-abalahan talaga ni John Doe ang regalo na iyon.
Napatigil siya sa pagbubukas ng maalala ang John Doe, ito ang ipinapangalan nila sa mga suspects na hindi nila maidentify. Kahit abot-abot ang kaba ay mas mabilis pa niyang binuksan ang kahon. Ganoon na lamang ang tili niya ng makita ang patay na pusa sa loob ng box. Dilat na dilat pa ang mga mata nito. Sa pag-atras niya ay natabig pa niya ang vase sa likod niya na bumagsak sa sahig. Napatakip siya sa bibig at namalayan na lamang niyang tumutulo ang luha niya.
"Anong nangyayari rito?" tanong ni Liam sa may likod niya.
Ni hindi niya magawang lingunin ito. Hindi niya maalis ang tingin sa box kahit nanglalabo na ang mga mata niya sa luha.
Naramdaman na lamang niya ang kamay ni Liam sa balikat niya.
"What happen to you?" nag-aalalang tanong nito ng makita ang namumutla niyang mukha na hilam sa luha. "Bakit ka umiiyak? Bakit ka sumigaw? Answer me Bianca."
Pero natulala na lamang siya habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Liam at sa box sa likod nito na siyang nagpalingon sa binata. Lumapit ito sa may mesa pero napigilan ni Cassie.
"Huwag," sigaw ni Cassie na hawak ang braso ni Liam. "Huwag mong titingnan please."
Pero tiningnan lang nito si Cassie at nagpatuloy lang sa pagsilip sa loob ng box. Nagitla ito sa nakita at napatakip sa bibig.
"F*ck. Sino ang nagpadala nito? A dead cat? Kilala mo ba ang nagpadala nito?"
"I-I don’t know. I-inakyat lang yan ng duty guard sa baba. Naka LBC."
"May hindi ka ba sinasabi sa amin Bianca?" nagsususpetsang tanong nito kay Bianca na naginginig pa rin sa takot sa isang tabi. Nakaramdam ng habag ang puso niya kaya inilang hakbang lang niya ang pagitan nila at ikinulong niya ito sa mga bisig. Tuluyan namang napahagulhol sa dibdib niya ang dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/24032180-288-k395499.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.