Chapter 10

6.7K 131 0
                                        

"Captain Morales alam kong alam mo ang ginagawa mo. Pero how can you explain this situation to me. Paano natin matutugis ang lider ng Gary Gang kung ganitong may posibilidad na makalaya ang isang galamay nila," mahinahong sabi ng Director sa kanya ng ipatawag siya nito sa opisina.

Nakatayo lang sa harap ng Director si Liam at hinihintay na pagsalitain siya nito. Alam niyang may kasalanan siya sa nangyari pero handa siyang harapin ang lahat kung trabaho ang pag uusapan.

"Sir huwag po kayong mag-alala. Non bailable po ang kasong isinampa laban sa kanya at tiniyak kung hindi siya makakapiyansa hanggang hindi pa nahahanda ang kaso at sa ngayon ay pinaprocess na namin ang lahat para magtuloy-tuloy na. And I apology for my action Sir I admit I lose control during the interrogation."

Napabuntong hininga ang Director.

"I trust you Captain Morales alam kung hindi ka dadalhin ng higher headquarter dito kung wala silang tiwala sa kakayahan mo."

"Thank you very much Sir at hindi ko kayo bibiguin."

Sumaludo siya sa Director at nagpaalam na agad dito. Hindi pa muna siya pumasok sa opisina at dumiretso siya sa opisina ni Homer. Pupuntahan nila sa kulungan si Samuel para personal na makita ang kalagayan nito. Dumiretso na siya sa loob ng opisina ni Homer. Naabutan niya ang kaibigan na may kausap sa cellphone. Sumenyas ito na maupo siya. Mukhang nagtatalo ito at ang kung sino mang kausap nito.

"Yes, I got it. Hindi mo na dapat ako tinawagan kung hindi rin naman pala kita mapipigilan. Goodluck bye," sabi nito sa kausap. Nilapag nito sa mesa ang cellphone nito.

"Shit, shit... sakit talaga sa ulo ang mga babae," mura ni Homer na napapikit na isinandal ang ulo sa upuan nito.

Napatitig lang si Liam dito habang nilalaro ng daliri ang ballpen na nasa mesa ng kaibigan. Hindi na muna niya inusisa si Homer dahil tiyak na pag nahimasmasan ito ay magsasabi ito sa kanya. Lumipas pa ang ilang minutong katahimikan ng magmulat ito ng mata at tumingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at napangiti ito.

"Pwede ba Liam tigilan mo nga yang habit mo na yan. Babae lang ang nagtataas ng kilay Bok. Tara na," sabi nitong tumayo na at dumiretso sa pintuan. Hindi na ito naka uniform gaya niya.

Nilingon siya nito ng mapansing hindi pa siya tumitinag sa pagkakaupo.

"What? Hindi pa ba tayo aalis?"

"Okey ka na ba?" balik tanong niya rito. "Pwede naman nating ipostpone kung mainit pa ang ulo mo ngayon."

"Come on Bok. You know me. Kelan pa uminit ang ulo ko. Tara na dahil baka totoong uminit ang ulo ko," nakangiti ng sabi ni Homer sa kanya kaya tumayo na rin siya. Nauna na siyang lumabas at nagawa pa niyang tapikin sa balikat si Homer.

Habang nasa daan ay pasipol-sipol lang si Liam sa saliw ng kantang pinatugtog niya. Sasakyan niya ang ginamit nila. Samantalang nanatili lang tahimik sa tabi nya si Homer.

"Pupuntang New York si Tanya. Pinetisyon siya ng tiyahin niya doon at may naghihintay ng trabaho sa kanya pagdating nya roon. " basag ni Homer sa katahimikan.

Napasulyap siya rito.

"Anong problema doon?"

"Ang problema, bukas na ang alis nya at ngayon lang niya sinabi sa akin dahil natatakot siyang pipigilan ko siya. I mean, what the heck. Im his boyfriend for years and bigla-bigla sasabihin nya sa akin na aalis siya," himutok ni Homer.

"Bakit kung sinabi ba niya ng mas maaga sayo pipigilan mo nga ba talaga siya?"

Napatingin sa kanya si Homer.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon