Maaga pa ay nasa office na si Cassie sinadya niya talaga dahil hindi naman siya masyadong nakatulog kagabi. Ang problema nga lamang eh ng nananaginip na siyang kasama si Homer ay bigla namang pumalit sa eksena ang malungkot na mukha ng binata. Nagising tuloy siya ng alas tres ng madaling araw at hindi na nakatulog ulit. Pinilig niya ang ulo para alisin ang binata sa isipan. Naabutan niya si Johnny, ang working student nila na naglilinis.
"Good morning po Ma'am. Maaga po ata kayo ngayon."
Nginitian niya ito at pasimpleng sinulyapan ang wallclock. Mag aalas syete pa nga pala.
"Nasira kasi ang relo ko ang advance ng oras eh 7:30 na rito eh mag aalas syete pa pala. Sige ako ng bahalang maglinis sa office ni bossing ha."
Nilagay lang niya ang gamit sa mesa niya, kumuha ng basahan sa kusina at diretsong pumunta sa opisina ni Liam. Nabigla pa siya ng sabay silang nagbukas ng pinto ng binata. Napatitig ito sa kanya at ganun din siya sa binata. She dream exactly of those eyes, those sad eyes of him. Una itong nagbaba ng tingin at napakunot ang noong humarap ulit sa kanya. Pareho pa rin silang mahigpit ang hawak sa seradura ng pinto ng opisina nito.
"Ang aga mo yata ngayon Bianca," sabi nito sa kanya na nagpabalik sa kanyang isip.
Napailing tuloy siya para kalmahin ang sariling biglang kinabahan sa presensiya ni Liam.
"Ah-akala ko kasi wala pa po kayo. E-eh wala kayo kahapon eh," nauutal niyang sabi rito na hindi masalubong ang tingin ng binata.
"May importante lang akong nilakad. Ikaw? Napaaga ka ata ah,"
Mabilis siya nag isip ng idadahilan rito. " M-may hindi po kasi akong natapos na report kahapon eh kelangan yun before lunch kaya tatapusin ko agad."
"Ganun ba. Okey," sabi nitong binitawan ang pinto at lumapit sa kanya. Napatingala tuloy siya rito at napatulala. Tinaasan siya ng kilay nito.
"Pwede na ba akong dumaan Bianca," bulong ni Liam sa ganyan ng pinagpantay nito ang mga mukha nila. Napakurap-kurap tuloy siya hindi pa rin rumerehistro sa utak ang sinasabi ng binata.
"Ho?" tanging nasabi niya.
"I said your blocking my way."
Agad siyang umalis sa pintuan ng marealize na nakaharang pala siya doon. Nakita niyang napailing-iling ito na natatawa sa kanya habang papuntang kusina. Napahawak naman siya sa mukha sa pagkapahiya. Feeling nya pulang-pula na ang mga ito.
Pumasok na agad siya sa opisina at inabala ang sarili sa pagpupunas at pagwawalis. Nagpapasalamat na rin siya at hindi pa bumabalik si Liam sa loob, mukhang nag kakape pa din siguro ito. Inaayos na lamang niya ang mga papeles sa mesa nito ng pumasok ulit ito na may dalang kape. Sinigurado niyang hindi na siya nakaharang sa daraanan nito. Magpapaalam na sana siya ng maalala niyang kakausapin nga pala sana niya ito tungkol kay Sam. Bumalik siya sa harap ng mesa nito at napaangat ang tingin nito sa kanya mula sa binabasang dokumento.
"May kailangan ka ba?" tanong nito sa kanya.
Napalunok siya at inalis sa mga mata nito ang tingin.
"Gusto ko sana kayong kausapin tungkol kay PO3 Elosa," mahinahon niyang sabi.
Sumandal ito sa upuan nito at tiningnan siya ng mataman.
"And what about her?"
"Ililipat daw po ninyo siya sa ibang departamento. Totoo po ba yun Sir?"
Nakita niyang natigilan ito.
"Did she told you about it? Hindi pa naman siya pumapayag sa alok ko since noong nag-usap kami. So I presume tatanggapin niya ang alok ko kung ganun."
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AçãoSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
