A/n:
As promise para sa mga nagfollow sakin I dedicate every part of this story to you...
Para ito kay 143615_Me..
Thanks sa follow...
<3<3<3<3<3<3<3
Two months… Two months na pala naming boss si Captain Liam Brian Morales, 31 years old but still a bachelor. Parang gusto ko na tuloy maniwala sa pinagsasabi ng mga ka officemates ko. Well, kung pagdating sa trabaho ay okey ito. Wala silang reklamo doon.
Pero isa lang ang nakakabadtrip sa kanila. Parang namake-over ang opisina nila. Pinapalitan lahat ng kurtina, pinalagyan ng bulaklak ang bawat corners para daw hindi masyadong maalikabok sa loob. At as usual wala yatang araw na walang napapagalitan sa kanila lalo pa kung naabutan nitong marumi ang office nila. But most of the time siya ang target ng pag’’tataray’’ nito dahil siya lang naman ang secretary nito.
Just like that morning. Maaga na siyang pumapasok dahil natatakot na siyang maunahan ni Liam sa office. Ilang beses ng nangyari yun at ilang beses na rin siyang sinisigawan nito which is pinalalampas lang niya.
Tapos na siyang maglinis sa opisina ni Liam at sandali siyang naupo sa sariling mesa habang sinusuklay ang buhok ng biglang pumasok ito. Nagulat siya ng makita ito at nabitiwan niya ang suklay.
‘’Good morning Sir.’’
Nilagpasan lang siya nito at dire-diretso ng pumasok sa opisina nito. Akala niya ay masama lang ang gising nito kaya nagtaka siya ng mag aalas nuwebe ay pinatawag silang lahat sa conference room.
‘’Lets discuss about uniform… Ano ba dapat ang uniform ninyo pagpasok ng opisina?’’
Tumayo si Sgt Jerry.
‘’Sir any civilian clothing will do as long as no shorts, sleeveless shirts and slippers.’’
‘’Okey, but how about the ladies?’’
Nagkatinginan kami ni Ate Sam.
‘’The same sir,’’ sagot ulit ni Jerry.
‘’The same. But I want to impose something in here. Kahit gusto kung pag suotin kayo ng uniform as office personnel ay hindi ko gagawin provided na hindi ko makita yang buhok ninyo na nakalugay at kung saan-saang sahig lumilipad,’’ seryosong sabi nito na nakatingin sakin.
Napayuko ako. Paano naman kasi eh ako lang naman ang nakalugay ang buhok dahil naka pony tail ang buhok ni Ate Sam.
‘’Is that clear Ms Espanyol?’’
Kahit gusto ko na siyang bulyawan ay nag yes sir pa rin ako.
‘’I don’t want to see you hair falling down my office again or I will require you to cut that hair short just like Joseph’s hair.’’
‘’Copy Sir.’’
‘’Sgt Jerry lalabas na muna kami nina Vince at Luis. Dito pa rin kami mag la-lunch.’’
At bago pa kami nakapagreact ay nakalabas na ito ng opisina. Napatili na lang ako sa sobrang inis ng kami na lang habang tatawa-tawa ang mga kasama ko.
‘’Cassie bakit ba ang init ng dugo sayo ni Sir? Hindi pa rin ba siya nakakaget over doon sa naging first meeting ninyo?’’ nakatawang sabi ni Sam.
‘’Ewan ko sa kanya ate. Ang laki ng problema ng lalaking yun. Naiinggit siguro sa buhok ko kaya gustong icut short,’’ sabi ko sa kanya na nakasimangot.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.