Habang papalabas sila ng condo ni Liam ay wala pa ring kibo si Cassie. Mukhang nahalata naman agad ito ni Homer.
"You okey Cas?"
Napatingin siya rito.
"Ha? Ah oo naman. May iniisip lang ako," sabi niya ritong nginitian ito.
"May ginawa na naman ba sayo si Liam habang nasa taas ka?"
"No. Wala. Mukhang hinang-hina nga si Liam ng maabutan ko siya kanina. May iniisip lang ako, tungkol sa seminar."
"You can back out if you want pwede kong kausapin si Liam," offer nito.
"No need Homer. Gusto ko din sumali sa seminar para may matutunan din naman ako."
Nginitian lang siya nito at pinaandar na ang sasakyan. Hindi niya maintindihan ang sarili. Dati pinapangarap niyang mahatid-sundo at mapansin ni Homer pero ngayon nandito na ito sa harap niya at abot kamay lang niya ay parang nag-iba na ang pakiramdam niya para rito. And hindi niya maintindihan kung bakit. A part of her is concern about Liam na iniwan lamang nilang mag-isa sa taas.
"Cas saan mo gustong kumain? Its past seven na pala," tanong sa kanya ni Homer na bahagya lang siyang sinulyapan.
"Ahm, Homer honestly busog pa talaga ako. So pwede bang ihatid mo na lang ako sa bahay? Alam kung pagod ka rin," mahina niyang sabi rito.
Napatingin ito sa kanya, alam niyang naguguluhan na ito sa inaasal niya pero wala na siyang pakialam roon. Gusto lang niyang umuwi muna, at mag-isip mag-isa.
"Are you sure?" nahimigan niya ang pag-aalala sa boses nito. "Pasensiya ka na kung napilit pa kitang asikasuhin si Liam napagod ka tuloy."
"No, Im okey Homer. Boss ko si Liam kaya obligasyon kung tulungan siya lalo na at wala siyang pamilya rito. Pasensiya ka na talaga parang bigla lang sumama ang pakiramdam ko."
Sandaling natigilan ito at nakangiti ng humarap sa kanya.
"Okey but promise me you gonna come with me for lunch tomorrow. I won’t take No for an answer Cassie. Aalis ka na the day after tomorrow at 3 days kang wala."
Wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon sa kakulitan ni Homer. Kung dati kinikilig siya sa pagpapacute nito ay milagro namang wala na siyang maramdamang excitement rito. Hindi na ito bumaba ng maihatid siya sa bahay na pinagpasalamat na rin niya. Hindi pa siya handang ipakilala ito sa mga magulang niya. Nagbilin pa itong magpahinga siya at kumain.
Pagpasok sa loob ay naabutan niyang naghahapunan ang mga magulang. Sumalo na rin siya sa mga ito dahil hindi din naman siya naghapunan. Napansin yata ng ama ang pananamlay niya.
"May sakit ka ba Bianca? Saan ka ba galing wala ka namang pasok diba?"
"Pinuntahan ko lang po si Liam Pa nagkasakit kasi," sagot niya sa ama.
"Bakit doktor ka na rin ba ngayon," pilosopong tanong ng ama na hinampas ng ina sa balikat.
"Ano ka ba Carlito eh boss kaya yun ng anak mo. Bakit anong nangyari kay Liam?" concern na tanong ng ina niya. Sinabi na lang niya ritong mukhang naimpatso ito at gaya ng naunang hinala niya akala din ng ina nya na dahil sa cake kaya naimpatso ang binata.
"Huwag kayong mag-alala Ma hindi yun dahil sa gawa ninyong cake. Nagpunta kasi kay Major Gonzales yung pinalitan niya, eh pinakain daw siya ng aso kaya ayon sumakit ang tiyan."
Nakahinga naman ng maluwag ang Mama niya at nagkomento na naman ang Papa niya.
"Ang takaw-takaw kasi sa cake ng lalaking yun kaya hindi na nakapagtatakang maimpatso."
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AksiSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.