Naalimpungatan si Bianca ng marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Nagmulat siya ng mata at napatitig sa kisame. Bigla siyang nag-isip kung nasaan siya saka naman bumalik sa isip niyang nasa resort siya nila Liam. Dali-dali siyang bumangon at hindi man lang inayos ang sarili at binuksan ang pinto. Napafreeze ang kamay ni Liam ng bigla niya itong buksan. Sandali itong napatitig sa kanya kaya bigla siyang naconscious at palihim na inayos ang magulong buhok.
"Hi, did I wake you up?" tanong nito sa kanya.
"Sorry nakatulog pala ako," hinging paumanhin niya.
"Yah, mukha nga. Past one na kasi kaya ginising na kita. Would you like to join me for late lunch? Hindi rin kasi ako nakasabay sa kanilang kumain kanina."
Bigla siyang nagpanic sa sinabi nito.
"Naku, nakakahiya naman sa Mama mo na hindi tayo nakasabay."
"Its okey alam naman non na galing tayo sa biyahe eh. So ano? Fix yourself at katukin mo na lang ako pag ready ka na."
"Sige, sige mag-aayos lang ako sandali."
Pinagsarhan na niya ito ng pinto at dali-dali siyang pumasok sa banyo, nagsepilyo sabay hilamos ng mukha. Mamaya na lang siya maliligo pagkatapos nilang kumain. Pagkatapos ayusin ang sarili ay nagdalawang isip pa siyana katukin ang kabilang kwarto kaya nagtext na lamang siya sa binata. Nakashorts lang siya dahil yun halos ang dala niyang damit. Ilang sandali lang ay kumakatok na sa pinto niya si Liam. Agad niyang binuksan ang pinto at hinagod siya ng tingin nito. Napatingin tuloy siya sa suot niya.
"Okey lang ba na naka shorts ako?" nag-aalalang tanong niya rito.
Ngumiti ang binata sa kanya. "Oo naman. Okey na yan basta komportable ka. Ready?"
Tumango siya at magkasabay na silang bumaba ng binata. Nasa labas yata ang mga kamag-anak nito kaya dumiretso sila ng kusina. Mga unipormadong kasambahay lang ang nandoon na pinagsilbihan agad sila ng pagkain. Tahimik lang silang kumain ng biglang dumating ang isang morenang babae. Mukhang kasing edad lang ito ni Liam. It reminds her of Alessandra de Rossi. Umaliwalas agad ang mukha ni Liam at sinalubong nito ang dumating at hinalikan sa pisngi.
"So you're also here ha," sabi nito sa babaeng napatingin sa kanya. Napansin naman ito ni Liam kaya hinila ito ng binata sa kanya.
"Leslie this is Bianca, Biancs meet my supermodel cousin Leslie," pakilala ng binata sa kanya.
Inabot niya ang kamay rito na tinanggap naman nito at alanganin siyang ngumiti. Mukhang pinag-aaralan kasi siya ng babae. "Hi, nice to meet you," tanging nasabi niya.
Nakahinga naman siya ng ngumiti ito. "Nice to meet you too Bianca. I thought its Cassie," nagpalipat-lipat ang tingin na sabi nito sa kanila.
"Actually her full name is Cassie Bianca. But I prefer calling her Bianca." paliwanag ng binata.
"Ah... thats why. So is she the one Brian?" prangkang tanong nito sa binata. Napayuko tuloy siya sa plato niya. " No, Im just joking. Officemates kayo I know that." nakangiting bawi nito. Napailing-iling lang si Brian..
"Isa ka pa. Will you let us finish eating first bago mo kami kulitin?" sabi nito kay Leslie.
"Its your fault bakit kasi hindi totoong girlfriend ang dinala mo," sagot nito sa binata at hinarap siya. "Sorry for being rude Bianca. Alam mo kasi itong poging pinsan ko na to eh matagal ng walang girlfriend kaya inakala na ng lahat eh kasali na siya sa pederasyon ng alam mo na. His brokenhearted ever since......"
"Leslie....." may pagbabanta ang boses nitong tumingin sa pinsan nito.
Nagtaas naman ng dalawang kamay ang dalaga. "Okey sorry. Kumain ka ng marami Biancs, see you mamaya marami akong ikukwento sayo tungkol sa boss mo," sabi nito sa kanya na sinasadyang pinarinig kay Liam. Hahampasin na sana ito ng table napkin ng binata pero nakaiwas ito at binelatan lang ang binata at lumabas na ng kusina. Natawa na lang siya sa pagkukulitan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
