Chapter 69

5K 91 2
                                        

THREE YEARS AFTER.......

''Cassing, muadto naka sa skwelahan?" tawag sa kanya ni manang na itinatanong kung pupunta na siya sa skwelahan. Napapikit na muna siya bago hinarap ang matanda.

''Manang ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na huwag ninyo akong tatawaging Cassing baka marinig kayo ng mga bata eh gayahin kayo.''

''Kuh, hayaan mo na eh yan naman ang palayaw mo eh. Ito na ang mga meryenda ng mga bata. Ilalagay ko na sa likod ng kotse mo ha.''

Napailing-iling na lamang siya habang sinusundan ng tingin si manang na nilalagay ang isang basket ng mga ibat-ibang cookies at cakes na ipapakain niya sa kanyang mga estudyante. Oo, estudyante dahil matapos ang tatlong taon ay nagtuturo na siya sa preschool sa kanilang lugar kasama ang pinsang si Agnes na naging sandalan niya sa panahong hinahanap pa niya ang sarili.

Sa kakapilit ng pinsan na isama siya sa pagtuturo nito sa mga bata ay unti-unti niyang binuksan ang puso niya sa mga bata. Ang nakuha niyang benipisyo mula sa PNP ay ginawa niyang puhunan upang makapagpatayo ng isang preschool. Kasosyo niya roon si Agnes at ilang pinsan nila at malaki rin ang naitulong ng ama niya na may malaking naipon na pala mula sa buwan-buwan niyang binibigay sa mga magulang noong pulis pa siya.

Pinangalanan niya itong C & H Angelic Preschool na inalay niya para kina Cathy at Homer. Sa ngayon ay mga toodler at nursery pa lamang ang ini-offer nila ni Agnes at may sampung estudyante na siya sa toodler at labing lima sa nursery. Kahit papaano ay napapangiti na siya sa kabibuhan ng mga batang iyon. Kumuha na rin siya ng ilang units sa Education at subjects tungkol sa pagtuturo sa mga bata. Sobra naman ang suportang binigay ng mga kaanak at mga magulang sa kanya.

May munting programa na gaganapin sa skwelahan ng araw na iyon kaya nagpaluto siya ng marami sa ina para ipakain sa mga bata. May apat na teachers siyang kinuha dahil minsan lang naman siya kung makapagturo sa mga bata. Sa ngayon walo ang staff niya sa skwelahan at pangsampu na sila ni Agnes.

Pagdating sa skwelahan ay abala na sina Agnes sa pag-aayos ng stage sa maliit na function hall nila. Agad niyang nilapag ang dalang pizza na para kina Agnes at nilapitan ang mga ito.

''Ang ganda ng arrangements ah,''sabi niya sa mga staff niya na napalingon sa kanya at sabay na nag ‘’hi’’ sa kanya. ''May dala akong pizza at nasa loob ng kotse ang pagkain para sa mga bata mamaya. Jun, kunin mo na lang please heto ang susi,'' sabi niya sa utility man nila.

Lumapit naman si Agnes sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

''Bakit andito ka pa? Diba pupunta ka ng monasteryo ngayon?"

''Nangako ako sa mga bata eh na papanoorin ko muna ang performance nila. Pagkatapos ng program bibyahe na rin ako.''

''Ano ba kasing meron sa monasteryo at kailangan mong bumalik doon?"

''May pupunta kasi daw doon na benefactors ng mga bata galing Maynila. Alam mo naman sina Sister Fatima hindi masyadong bihasa sa pag eentertain ng bisita. Galing kasi daw ng Australia ang mga iyon. Syempre maliban sa kailangan nila ng entertainer at host kailangan din nila ng cook.''

Napaismid si Agnes sa sinabi niya. ''Buti sana kung may sahod ka doon, eh wala naman.''

''Agnes naman, masaya akong kahit papaano eh may isang lugar pa rin na nakapagbibigay sa akin ng peace of mind. Masaya akong makatulong kina sister. Alam mo naman kung ano ang parte ng monasteryo sa buhay ko diba?"

''Oo na wala na akong sinabi. Ano bang magagawa ko kung imbes na pumunta tayo sa bar o kaya sa beach eh mas gusto mong magmukmok sa monasteryo. Paano ka makakahanap ng lalaki nyan kung ganyan na lang lagi? Dyos mio hindi ka na bumabata Cassing.''

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon