Naging sobrang busy ng Intelligence sa mga sumunod na araw. Hindi na nga nakikita ni Cassie si Liam ng matagal dahil minsan pagdating nya sa opisina ay siya namang pag-alis nito. As usual ay constant textmate pa rin niya si Homer pero ni minsan ay hindi na ulit siya nito inihatid dahil busy din ito. Mukhang may mga ginagawa ang mga ito na sila lang ang nakakaalam.
Gaya ng napag-usapan nila ni Liam ay may dumating na order sa kanya para sa 3 days seminar niya sa Pampanga. Inusisa agad siya ni Sam na siyang nakatanggap ng order.
"Alam mo ba tong seminar nato ha Cas?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
Kinuha niya ang sulat mula rito at binasa. Mukhang sa Pampanga nga talaga ang punta niya para sa magiging training niya.
"Nasabihan na ako ni Sir Liam ng tungkol dito Ate pero hindi ko akalaing totoo pala talagang may seminar."
"Wow bongga makakapunta ka na ng Pampanga Iha," excited nitong sabi sa kanya.
"Ate seminar ang pupuntahan ko at hindi bakasyon," natatawa niyang saway dito.
"Kahit na, hindi naman siguro buong araw kang mag se-seminar diba syempre may time ka pang mamasyal. Siguraduhin mong makakahanap ka ng boyfriend doon ha."
Kinulit pa siya ng kinulit ni Sam. Natahimik lang sila ng biglang pumasok ang tropa kasama si Liam. Sabay pa silang nag goodmorning Sir dito. Tumigil ito sa harap ng mesa niya kaya napatayo na rin siya gaya ni Sam.
"Natanggap mo na ba ang memo? Yung seminar sa Pampanga?" seryosong tanong nito sa kanya.
"Kakatanggap lang namin ngayong umaga Sir. Heto po," sagot niya sabay abot ng sulat rito.
"Good. So I guess alam mo na ang gagawin mo. That’s on wednesday kaya huwag ka ng pumasok starting Monday para makapaghanda ka. "
Napatango na lang siya at pumasok na ito sa opisina nito. Hinablot naman ni Vince ang memo mula sa kanya at binasa ng malakas.
"Wow seminar for three days tapos simula Monday hindi na papapasukin. Mukhang biglang naging good mood si Liam ah. Mainit ang ulo nyan kanina eh."
"Bakit naman? Saan na naman ba kayo galing?" tanong ni Sam.
"Paano kasi eh umalis na doon sa kabilang bayan yung hinihinalang syota nong Gary lumipat na raw. Mukhang nakatunog," sagot ni Elgen na naupo sa ibabaw ng mesa niya hawak ang tasa ng kape nito.
"Paano namang nakatunog eh matagal na ninyong minamanmanan yung tao ah?" tanong niya sa mga ito.
"Kaya nga uminit ang ulo ni Sir kanina eh pinagsisipa nga yung gulong doon sa warehouse natin. Sino bang hindi magagalit eh yun na ang pinakaclose lead natin kay Gary," paliwanag naman ni Lester.
"Ganyan talaga yan. Eh tayo lang ba ang may bantay syempre meron din yan sila. Kung tayo matinik lalo naman ang mga yan," mahinahong sabi ni Jerry na nakikinig lang pala sa kanila.
Napatingin tuloy siya rito habang napatango-tango ang iba na sumasang-ayon sa sinabi nito. She look closely at Jerry. Matagal na ito sa serbisyo kaya hindi niya lubos maisip na hindi ito pagkatiwalaan. He is bound to retire as a dignified operative gaya ng sinasabi nito.
But lately parang lagi itong balisa pero ngayon naman ay kalmado gayong nawawala ang isa sa susi patungo sa target nila.
Nag iwas siya ng tingin ng makitang nakatingin ito sa kanya. Naguilty tuloy siya na pinagdududahan niya ito. Nilibot niya ang tingin sa mga kasamang masayang nagkukwentuhan. Lahat ng mga iyon ay mas nauna pa sa kanya sa departamentong iyon kaya hindi niya lubos maisip na isa sa mga ito ay magiging kalaban niya.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
