Ang mga sumunod na araw ay naging tensyonado kay Cassie. Parati na ay may kasama siya sa pag-alis sa opisina, kung hindi man si Homer ay sina Lester o si Joseph. Alam niyang nagtataka na ang iba nilang kasama sa pagiging overprotective ng tatlo sa kanya. Alam niyang naghihintay lang din si Liam sa pasya niyang ilayo na muna ang pamilya.
Matagal na niyang napag-isipan iyon lalo na ng malaman niyang salitan din ang ginagawang pagbabantay ng grupo nila 3D sa mga magulang niya. Nakokonsensiya na nga rin siya dahil alam niyang salitan din kung magbantay ang mga ito sa mga camerang nakakabit sa bahay nila. Pinuntahan niya si Liam sa opisina nito na kakadaan lang sa harapan niya. Nag-angat ito ng ulo mula sa binabasang papel ng buksan niya ang pinto matapos nitong sabihing pumasok siya. Nagtataka ang mukhang napatitig ito sa kanya.
"May problema ba? Did he text again?"
"No, no. Wala. Wala na since last week."
"Since noong hindi na ako lumalapit sayo at hindi na tayo nagsasabay sa mga lakad?"
Hindi siya nakasagot at napatungo na lamang. Tama naman kasi ito. Pagkatapos ng huling pananakot sa kanya at ang pagdistansya ni Liam sa kanya ay hindi na muling nagparamdam ito.
"Take your seat Bianca," pukaw ng binata sa pananahimik niya.
Agad siyang naupo sa harap nito.
"So?"
Napakagat siya sa labi at pinagsalikop ang mga kamay na nasa kandungan.
"Its about your offer."
"What bout my offer?"
"Paano mo maililipat si Papa papuntang Cebu?"
Napasandig ito sa upuan at mataman siyang tinitigan.
"Pumapayag ka na?"
"Wala naman akong choice eh. Baka kasi ngayon lang nanahimik ang kung sino mang nananakot sa akin. What if sa susunod sina Mama at Papa na ang punteryahin."
"I wont let that happen, I assure you. About the transfer, fortunately kaibigan ni Dad ang manager ng bangkong pinagtatrabahuan niya. My Dad used to work in the same bank pero sa branch nila sa Luzon. Doon sila nagkita ng manager ng Papa mo. Mr. Monterola, if Im not mistaken."
"Oo si Mr Monterola nga. Kilala ka ba niya?"
"We've meet when I was in high school. I'll pay him a visit one of this days para masabi ko sa kanya ang tungkol sa Papa mo. Pero sigurado ka na ba talaga?"
Nakagat na naman niya ang labi at napayuko.
"Will you stop that," iritadong sabi ni Liam na nagpa-angat ng mukha ni Cassie.
"Ha? Stop what?"
"That," turo ng binata sa dalaga na clueless pa rin sa ibig nitong sabihin dahil nakaupo lang naman siya doon nakaharap dito. "That habit of yours biting your lips. Huwag mong gawin yan sa harap ko."
Napamulagat siya rito in shock. Magsasalita pa sana siya pero nagyuko na lamang siya ng ulo. Narinig pa niya ang biglang pagbuntong-hininga ng binata.
"So? Sigurado ka na ba talaga?"
"Oo. Mas mapapanatag ang loob ko kung nandoon sila at malayo sa Gary Gang."
"Hindi ka pa naman nakakasigurong si Gary ang kalaban mo. It could be anyone of us Bianca. Huwag kang masyadong madaling magtiwala. Give me one week, aayusin ko ang tungkol sa Papa mo."
"One week? Ganoon ka bilis?"
"Yes one week. What do you expect? One month? The sooner the safer. Sa palagay mo kaya mong kumbinsihin ang Mama mo na sumama ng Cebu sa loob ng isang linggo?"
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
