Chapter 55

3.9K 83 0
                                    

Nabigla pa siya ng ihinto ni Homer sa gilid ng parke ang sasakyan nito. Napasandal ito sa upuan at pumikit.

"Basted na ba ako Cassie?" nahihirapang sabi nito sa dalaga nakapikit pa rin.

"Homer, I'm sorry. Pinilit ko namang mahalin ka eh. Ang totoo niyan hindi ko alam kung paanong biglang nawala yung crush ko sayo. Pinilit kung ibalik yung noon pero hindi ko talaga kaya eh. I'm sorry dahil pinaasa kita, I'm sorry dahil sinaktan kita. I've lead you on. And I'm sorry dahil hindi talaga kita magawang mahalin," tumutulo na ang pinipigilang luha ni Cassie pero wala pa rin siyang narinig na salita mula sa nakapikit na si Homer.

"Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin?" mapait na sabi nito nakatingin na ngayon sa harap. "Kaya siguro iniiwan ako ng mga taong mahal ko because there is something wrong with me."

Napailing-iling si Cassie at hinarap ang lalaki. "You know that's not true Homer. Mabuti kang tao at kung iniwan ka man ng mga taong mahal mo kasalanan na nila iyon at alam kung pagsisisihan din nila iyon balang araw."

Nagpakawala ito ng pagak na tawa at mapait na humarap sa kanya.

"So ibig sabihin pagsisisihan mo rin balang araw na binasted mo ako ngayon?"

Napatitig siya sa mukha ni Homer, tinatantiya niya kung seryoso ba ito or nagbibiro pero alam niyang nasaktan niya ito pero pilit nitong nilalabanan ang sakit. Napaiyak siya lalo sa isiping nasaktan niya ito, napahagulhol siya sa palad.

"Hey, stop crying. It's just a joke," alo sa kanya ni Homer habang hinahagod ang likod ng dalaga. "It hurts, it really hurts pero naiintindihan ko Cassie. Alam ko namang sinubukan mo eh."

Inalis niya ang kamay sa mukha at hinarap ang binata. Nakita niya ang sakit sa mga mata nito.

"Sinubukan ko naman eh. Hindi ka naman mahirap mahalin....."

"Pero hindi mo pa rin ako natutunang mahalin. I get it. I get it Cassie. And thank you for being so honest."

"Homer..." sinubukan niyang hawakan ang kamay ng binata pero pinigilan siya nito.

"No, don't Cassie. Kaya ko to. It will take awhile pero kaya ko. Just remember na nandito lang ako para sayo. Nandito lang ako maghihintay sa pagmamahal mo."

Napailing-iling siya, nagbabanta na namang pumatak ang mga luha sa mata niya.

"Hindi Homer. I don't deserve you kaya kalimutan mo na ako. Hindi ako ang karapat-dapat para sayo."

"I don't know Cassie. Its just that hindi ko alam kung paano ka bibitawan."

"Then hayaan mong ako ang lumayo sayo Homer. Maraming salamat sa pagmamahal tatanawin kong malaking utang na loob ang pagmamahal mo sa akin. Salamat Homer. Mag-iingat ka."

Agad siyang bumaba ng sasakyan ni Homer. Hahabulin pa sana siya ng binata na nakababa na sa sasakyan nito pero agad niyang pinara ang tricycle na dumaan at sumakay roon. Kahit hilam pa rin ng luha ang mga mata ay nakaramdam ng ginhawa ang kalooban ni Cassie.

Pumara siya sa may cathedral at naglagi muna roon ng ilang sandali. Kahit papaano ay nawala ang bigat ng dibdib niya ngayong nasabi na niya kay Homer ang dapat sanay matagal na niyang sinabi sa binata. Paglabas ng simbahan ay dumiretso na siya pauwi ng bahay. Agad niyang tinawagan si 3D para mapamonitor si Homer dahil kahit papaano ay nag-aalala rin naman siya sa binata.

"3D, pwede mo bang tawagan si Homer. Alamin mo naman, o, kung nasaan siya ngayon."

"May nangyari ba girl? May lakad kayo kanina diba?"

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon