Chapter 46

4.3K 91 0
                                        

His such an asshole. Yan ang laging sinasabi ng utak ni Liam habang nasa harap siya ng TV at umiinum ng brandy sa condo unit niya. Hindi maalis-alis sa isip niya ang mukha ni Bianca kanina habang sinasabihan niyang huwag pakialaman ang personal niyang buhay. Hindi siya makapaniwalang matagal na nitong alam ang tungkol kay Corrine. Kung nasa malapit lang sana sina Gracy ay baka nasakal na niya ang mga ito.

Nagdesisyon siyang umuwi na muna roon. Halos sa safehouse na siya umuuwi dahil ayaw niyang laging naiisip ang dalaga lalo na kung mag-isa lang siya. Lalo lang kasing lumalala ang pinipigilan niyang damdamin para rito.

Tumayo siya ng tumunog ang doorbell ng condo niya. Kanina pa nagtext si Homer sa kanya na dadaanan siya pag-uwi nito. Bitbit ang baril sa kamay ay sinilip niya ang pephole bago binuksan ang pinto.

Napatakip ng ilong si Homer ng lampasan siya at dumiretso sa sala.

"Brandy? Ang aga pa umiinum ka."

"Nagpapaantok lang. Ano yan?" tanong niya rito na itinuro ang plastic na dala nito.

"Dinalhan kita ng pizza sabi mo nandito ka diba. For sure wala kang pagkain rito."

"Thanks man. Gutom na nga rin ako. Wala ako sa mood lumabas." sabi niyang nilabas ang laman ng supot na dala ni Homer.

"Eh kelan ka ba nasa mood? Lagi namang wala diba?"

Hinampas niya ito ng napulot na throw pillow.

"Gago. Ano nga palang kailangan mo?"

"Dumaan ako kina Cassie. Sabi niya ayaw daw pumayag ng Mama niya na lumipat ng Cebu ang Papa niya kung hindi siya kasama."

Gustong-gusto na niyang sabihin sa binatang nakausap na niya si Bianca pero nanatili siyang tahimik sa isang tabi habang kumakain ng pizza.

"So? Anong gagawin natin?"

"I'll talk to Tita."

Napatingin siya sa binata.

"At anong sasabihin mo sa kanya? Na may threat ang anak niya at kailangan nilang umalis mag-asawa para hindi sila madamay? I dont think so makikinig sayo si Tita, magkasing tigas ang ulo nila ni Bianca."

"Bok, bakit ba hindi ka na yata nasanay na Cassie ang itawag kay Cassie? Ikaw lang ata ang tumatawag ng Bianca sa kanya eh."

"Bok, her parents called her Bianca at home," walang anumang sagot niya sa kaibigan na natigilan at napatitig sa kanya habang kumakin ng pizza. Nilingon niya ang kaibigan.

"Natahimik ka na dyan."

"Wala. May iniisip lang ako."

"You want to help her Homer? Bakit hindi mo ipakilaka ang sarili mo bilang boyfriend ni Bianca ng sa gayon hindi mag-alala si Tita na iwan ang anak niyang mag-isa rito sa Legaspi."

"You know I would love to do that. Pero mukhang wala namang gusto si Cassie sa akin. Sa palagay mo may gustong iba si Cassie, Bok?"

Hindi niya inaasahan ang tanong ni Homer kaya natungga niya ng mabilis ang brandy na nasa baso niya. Napaubo siya ng gumuhit sa lalamunan ang alak. Pizza with brandy is not a good combination after all. Good luck na lang sa tiyan niya dahil mukhang hindi siya matutunawan sa ginawa niya. Nakikita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Homer. Kung alam lang nito na sa kanya may gusto ang dalaga.

"I don't know Homer. Baka naman kasi magulo pa lang ang isip niya ngayon. Just give her sometime Homer."

"But I have this gut feeling that she likes someone else. Sana nga lang sabihin na niya sa akin para hindi na ako umasa. Minsan nga naiisip kung baka ikaw ang gusto niya Liam."

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon