Nasabunutan na ni Homer ang sariling ulo ng out of coverage area pa rin si Cassie for the 20th times na tinawagan niya ito. Nakabalik na si 3D mula sa pagsunod sa dalaga ngunit isang suntok lang sa balikat ang natanggap niya matapos nitong sabihin na hindi nito naabutan si Cassie at hindi na nito alam kung saan nagpunta ang dalaga.
Muli siyang bumalik sa tabi ni Ycer na nasa harap ng monitor.
"Umuwi na ba siya?" groggy pa rin ang pakiramdam na tanong niya sa binata.
"Hindi pa rin eh. Its almost midnight mukhang hindi na siya uuwi sa kanila Homer. Kung nasaan man siya ngayon palagay ko hayaan na muna natin siyang mag-isa. Masyado naman kasing nakakabigla ang ginawa ninyo ni Liam sa kanya."
Napabuntong-hininga siya at napasandal sa upuan.
"You can’t blame me," mahina niyang sagot kay Ycer.
"Alam ko. Pero palagay mo magagawa ni Liam sayo ang traydurin ka? Masyado ka lang kinain ng selos Homer. At tinakot mo si Cassie in return. Dapat nakinig ka muna kay Liam before jumping into conclusion."
"You think Liam dont have any feelings for Cassie?"
Nag-iwas ng tingin si Ycer kay Homer at inabala ang sarili sa pagtingin sa monitor.
"Wala ako sa posisyon para magbigay ng opinyon Homer. Pero isa lang ang ipapakiusap ko. Matagal ko na kayong kaibigan ni Liam at napamahal na rin sa akin si Cassie Bianca bilang isang kapamilya kaya sana kung ano man at sino man ang mamahalin niya eh tanggapin mo sana ng buong puso Homer."
"Pero hindi ko yata matatanggap kung si Liam ang mamahalin niya. She hates the guy simula pa lang ng dumating si Liam rito."
Tinapik ni Ycer ang balikat ni Homer.
"Magpahinga ka na muna Homer. Kailangan mo pang hanapin si Cassie bukas. Hindi pa rin natin nakikita ang nagbibigay ng threat sa kanya baka mapahamak siya."
"Thanks pare. Pasensiya na kayo sa gulo I've lose control at mukhang pati si 3D ay kailangan ko pang suyuin. Ang sakit ng suntok buti sa braso lang. Mauuna na ako. Please call me kung nasa bahay na siya."
"Mukhang kailangan nga ng mahaba-habang suyuan kay 3D alam mo naman yun pusong bato. Sige ako na ang bahala rito I'll call you."
"Mauuna na ako."
"Kaya mo na ba? Pwede ka namang ihatid ni Jayson eh."
"No problem kaya ko na."
******
"Mga gago kayo away kayo ng away hindi man lang ninyo iniisip na may threat si Cassie. I can't find her. Kasalanan ninyong dalawa kung may nangyaring masama sa kanya."
Ilang ulit ng binasa ni Liam ang text na iyon mula kay 3D. He tried to call Cassie pero unattended ito at hindi pa din siguro panahon para kausapin niya ang dalaga. Ni hindi mawala sa isip niya ang mga luhang pumatak sa mata ng dalaga ng ipagsigawan niyang hindi niya ito mahal. Napamura siya sa sarili at sunod-sunod na tinungga ang beer na nasa tabi niya.
Matapos lisanin ang safehouse ay natagpuan niya ang sarili sa resthouse, hinakot niya ang hardbeer na nasa ref at dinala sa tabing dagat. Doon siya nagpakalunod sa alak at ng hindi pa rin mawala sa isip niya ang mukha ni Cassie ay tinapon niya ng malakas sa dagat ang bote ng alak.
He tried to call Bianca's number pero unattended pa rin. Sabi ni Ycer ay hindi pa nakakauwi ang dalaga sa kanila. Nag-aalala man ay hindi na niya tinawagan si 3D dahil tiyak sermon ang aabutin niya. He dialed Lester's number at ilang sandali lang ay kausap na niya ito.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.