Nasa labas ng dorm sila Cassie at Katya ng gabing iyon. Nasa harap sila ng fountain na nasa harap ng monasteryo. Maliwanag ang full moon na buwan at maraming bituin sa langit. May mga ilaw din namang nakasabit sa mga puno na nakapalibot sa paligid kaya hindi pa rin mukhang nakakatakot ang lugar. Manonood sana sila ng TV pero mukhang marami sa kanila ay doon tumambay matapos ang ginawa nilang rosary kaya naglakad-lakad na lang silang dalawa at ng mapagod ay naupo sa may fountain. Mag-iisang linggo na rin siya roon at mukhang nasanay na talaga siya sa lugar.
"Hindi mo ba namimiss ang mga magulang mo Bea?" tanong bigla ni Katya sa kanya.
"Namimiss din, minsan nga nag-aalala ako sa kanila eh na baka binalikan sila noong recruiter. Pero parang ayoko ng bumalik muna sa amin," sagot ni Cassie na nakatingin lang sa agos ng tubig sa fountain.
"Buti ka nga eh may magulang ka pang uuwian kung sakaling magbago ang isip mo," biglang sabi nito na nagpabaling ng tingin niya. Naaaninag niya ang lungkot sa mga mata nito.
"Sana hindi mo masamain pero may mga magulang ka naman diba?" nananantiya niyang tanong rito.
Mahinang tumawa ito.
"Matagal ng patay ang mga magulang ko. Minasaker ang buong pamilya ko tatlong taon na ang nakararaan. Hindi ko alam kung masasabi kung maswerte ba ako na nakaligtas ako noong araw na yun. Inutusan ako ni inay na ako na raw ang mamalengke. Pag-uwi ko malayo pa lang ako ay dinig ko na ang sunod-sunod na putukan kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa amin. Hindi pa man ako nakalapit sa bahay namin ay may pumigil sa pagsigaw ko. Kasama siya sa mga bumaril sa pamilya ko. Niligtas niya ako para pagsamantalahan. Dinala niya ako sa hideout nila at pinakilalang asawa. Ang gusto ko lang gawin noon eh patayin silang lahat kaya tumakas ako pero nahuhuli pa rin niya ako, binubugbog pero pagkatapos umiiyak siya sa harap ko nagmamakaawang huwag akong aalis," nagpahid ng luha si Katya.
Pinagmasdan niya kung paanong ang galit sa mukha nito ay napalitan ng pagkalito at ng tawa. For a moment akala niya ay nabaliw ito pero nagpatuloy lang sa pagkukuwento.
"Kaya hindi na ako nagpumilit na tumakas. Naisip ko na lang dapat kung malaman kung bakit pinatay ang mga magulang ko, kung bakit pa niya ako niligtas. Nagmakaawa ako sa kanyang gagawin ang gusto niya sabihin lang niya sa akin ng totoo. Pero noong minsan, napagtripan ako noong isa niyang kasama, muntik na akong gahasain pero pinatay niya mismo sa harap ko. Akala ko mababaliw na ako noon, sigaw ako ng sigaw at iyak ng iyak. Tapos isang araw inilayo na lang niya ako sa hideout na yun. Nanirahan kami sa isang bukid. Binigyan niya ako ng panibagong buhay dahil mahal na daw niya ako," tumawa na naman ito. "Naniniwala ka ba doon? Isang mamamatay tao marunong magmahal."
Hinawakan ko ang likod niya at hinimas-himas. Alam ko hindi madali para kay Katya ang magbukas ng nakaraan pero nagpapasalamat na rin ako dahil mukhang malapit ko ng makuha ang sagot sa mga tanong ko.
"Pero ako naniwala. Ang tanga-tanga ko. Magiging choosy pa ako eh kasali din naman pala sa sindikato ang pamilya ko. Tumiwalag na raw ang tatay ko kaya bago pa makapagsumbong sa pulis ay pinapatay na ng pinuno nila. Matagal na nila kaming minamanmanan. Halos isang taon din kaming matiwasay na nagsama ni Gary, pero hindi kami nagkaanak. Akala ko tuluyan na niyang tinalikuran ang pagiging sindikato pero hindi pala dahil hindi daw talaga niya iyon pwedeng iwan. Yon daw ang tumulong sa pamilya niya. Pero nagmakaawa ako sa kanyang kalimutan na niya ang tungkol doon. Pag uwi ko na lang galing ng bukid bigla wala na siya. Nag iwan siya ng sulat at sinabi sa aking umalis ako magpakalayo dahil pag naayos na daw niya ang lahat ay hahanapin niya ako. Isang linggo akong nanatili sa bahay sa pag asang babalik siya pero isang gabi may nagpasunog noon mabuti nakatakas ako. Kaya nagpakalayo-layo ako at napadpad rito."
Nakita kung yumugyog ang balikat nito tanda ng pag-iyak. Mabilis na lumapit si Cassie sa dalaga at niyakap ng mahigpit. Hinayaan niyang umiyak ng umiyak ang babae.

BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.