Kabadong-kabado siya ng papunta siya ng opisina kinabukasan. Ibang sasakyan na muna ang ginamit niya para hindi masyadong makilala ang kotse niya. Napatigil siya sa harap ng pinto at nagdadalawang isip na pumasok. Bigla itong bumukas at ang gulat na mukha ni Sam ang bumungad sa kanya.
"G-goodmorning Sir. Welcome back," bati sa kanya nito na tumabi para makadaan siya.
He manage to smile at her and greeted goodmorning bago dire-diretsong pumasok.
Natigilan siya ng makita ang nakatalikod na pigura sa harap niya. May kausap ito sa telepono kaya mukhang hindi siya pansin nito. Napakunot ang noo niya ng marinig ang tawa nito. Mukhang enjoy na enjoy ito sa kausap. Napansin ata nito na may nakatitig rito kaya lumingon ito. Nakita niya ang pamimilog ng mata nito at nafreeze ang ngiti sa mga labi. Sandaling nagtagpo ang paningin nila pero agad itong nagbaba ng tingin at tumalikod ulit.
"Sir Liam, welcome back po," ang bating iyon ang nagpabalik sa kanya sa katinuan.
Si Jerry na may dalang tasa ng kape na mukhang galing sa kusina ang bumati sa kanya. Kasunod nito ang iba pa at ngayon ay nagkumpulan na sa harap niya covering her in the background.
"Thanks Sgt Jerry. Kumusta naman kayo dito?" tanong niya sa mga kasama.
"Ok lang naman. May mga bago kaming leads patungkol kay Gary na mukhang makakatulong sa atin," sagot ni Elgen sa kanya. "Gusto nyo po ba ng kape Sir?" alok ni Luis na tinanguan lng niya. "Cassie baby pakitimplahan naman si Sir."
Tumaas ang kilay niya sa narinig at nagyuko siya ng ulo para hindi mahalata ng mga ito ang pag asim ng mukha niya. Nasundan niya ng tingin ang dalagang papunta ng kusina.
"Kahapon lang pumasok si Cassie, Sir magmula ng pumunta siya ng Pampanga," pagbibigay alam ni Elgen sa kanya.
Napabaling ang tingin niya sa mga ito.
"Any info of drug activities in the area so far?"
"May mga files akong nilagay sa table mo for your reference Sir. Mga bagong info yon. Mukhang active na naman kasi sila Gary simula noong isang linggo," imporma ni Vince sa kanya.
"Sige titingnan ko ang mga papeles. I'll be at my office," paalam niya sa mga ito.
Nakita pa niya ng ibigay ni Cassie kay Joseph ang tasa ng kape na sigurado siyang para sa kanya. Mukhang pinakiusapan nito ang binata na siyang maghatid ng kape sa opisina niya. Mukhang iniiwasan talaga siya ng dalaga. Dumiretso siya ng opisina at hindi sinasadyang naibagsak niya ang pagsasara ng pinto niya. Pumasok naman si Joseph dala ang kape niya.
"Nasaan si Bianca?" hindi niya napigilang itanong sa binata.
"May importanteng dokumento siyang hinatid sa operation Sir kailangan daw nila iyon. Tinawag na daw ni Capt Ferrer sa kanya kanina."
He dismiss Joseph na halatang nagtataka sa inasal niya. So ibig sabihin si Homer ang kausap nito sa telepono kanina. Naikuyom niya ang mga palad sa inis hindi para kay Homer kundi para sa sarili. He sip the coffee instantly nakalimutang mainit pala iyon. Napamura siya ng dumiretso sa lalamunan ang init noon.
Napaso pa tuloy pati ang dila niya dahil doon. He calm himself at nagsimula ng basahin ang mga files na nasa mesa niya. Napapakunot ang noo niya sa mga nababasa. Imposibleng hindi pa rin natitigil ang bentahan ng drugs sa lugar nila. Mukhang kailangan na nilang imbestigahan ito ng maigi. Wala na si Samuel sa labas kaya nagtataka siya kung sino ang protektor ng mga nagbebentang nasa listahan na nasa kamay niya.
He texted Lester and Vince na aalis sila pagkatapos ng tanghalian. Nang minsang puntahan niya si Major Gonzales ay sinabi nito na si Lester at Vince ang pwede niyang pagkatiwalaan. Tao ito ni Major at mga agent din daw ito ng NBI na pwede niyang magamit ang koneksyon. Pina lifestyle check na rin niya ang dalawa at nakakasiguro siyang pwede itong isali sa ginagawa nilang grupo ni Homer.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
