Nasa labas ng safehouse si Noah ng makarating sila roon na pinagtaka nila. Agad nitong itinapon ang hawak na sigarilyo at sinalubong sila.
"Buti nandito na kayo. Homer is so wasted. Ano bang problem nun?" sabi ni Noah sa kanila.
Napatingin si Cassie kay Liam na halatang balisa pa rin. Waring malalim pa rin ang iniisip nito kaya hindi rin nawala ang kaba sa dibdib niya.
"Hindi ko alam hindi naman kasi napadaan sa akin eh maliban kanina ng sunduin ako sa bahay," sagot ni Cassie kay Noah.
"Bakit ka nandito sa labas?" tanong ni Liam sa lalaki.
"Tumakas na ako baka mapainum din ako ng wala sa oras eh."
"Sino bang kasama niyang uminum," tanong ulit ni Liam habang papasok sila ng bahay.
"Kami. Kaya lang ng makaubos na yata kami ng isang case ng redhorse eh tumigil na kami kaso nagpabili na naman ng isa pa, ayon solo flight siya."
Napailing-iling lang si Liam habang kumakatok sa bahay. Ang nag-aalalang mukha ni 3D ang bumungad sa kanya. Namumula na ang pisngi nito kaya nahinuha nilang nakainum na rin ito.
"Thank God nandito na kayo. Malapit na akong mag pass out," sabi ni 3D na namumungay na ang mga mata. "Ano bang nakain ng isang iyon at ang aga-agang nakipag-inuman."
Inalalayan ito ni Cassie papasok ng bahay at iniupo sa sofa. Nasa may monitor si Ycer na binati rin sila.
"Bakit kasi nakikipag-inuman ka rin?" sita ni Liam sa babae.
"Eh malay ko bang may galit sa alak yang kaibigan mo ngayong araw na ito. Akala naman namin eh may celebration lang."
"Where is he?" tanong ni Liam na nagpalinga-linga sa paligid.
"Nasa likod Liam. Kasama niya si Jayson doon alam mo namang yun lang ang high ang tolerance sa alak sa atin," sagot ni Ycer.
"Pupuntahan ko," deklara ni Liam.
"Ako na Liam," pigil naman ni Cassie sa binata.
"Tama Liam. Hayaan mo muna si Cassie na siyang kumausap sa jowa niya. Akala ko nga binasted kaya naglalasing eh," sabi ni 3D.
"Lasing siya I dont think its a good idea to talk to him," kontra ni Liam.
"Pero ako naman yung hinahanap niya diba? I should talk to him. Or better we should talk to him."
"Tama, you two should go and talk to that man. Sandali makatimpla na nga lang ng kape," sabi ni 3D na tumayo na.
"Ok ka lang 3D?" nag-aalalang tanong ni Cassie na inalalayan pa ang dalaga.
"Of course my dear. Hindi rin naman ako madaling malasing eh. Sige na puntahan na ninyo susunod ako."
Tumango lamang siya at sinundan na si Liam papunta sa likod bahay. Naririnig na niya ang malakas na boses ni Homer habang paparating sila. Sandali siyang natigil sa may pinto habang nakatingin sa binata. Namumula na ang mga mata nito na halos babagsak na yata sa bigat. Napatingala ito kay Liam ng lumapit ang binata rito.
"Liam," bati ni Jayson na mukhang hindi nga natamaan ng alak.
Tinanguan lang ito ni Liam na agad nilapitan si Homer.
"Homer, what are you doing?"
Pinilit ni Homer na idilat ang mga mata at tiningnan ng mabuti ang kaibigan.
"Bok, you're here. You've found me and I've found your cell," sabi ni Homer na itinaas ang cellphone ng kaibigan.
Aabutin na sana ito ni Liam pero madali ng naiwas ni Homer mula rito.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AksiSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
