Chapter 59

4.1K 96 5
                                        

Kinabukasan gaya ng sabi ni Liam ay nagpunta sa kanila si Agnes. Ito na mismo ang nagpaalam sa mga magulang niya na mamamasyal muna sila sa buong Cebu. At kahit ayaw niyang makasama si Liam ay wala siyang nagawa ng excited na inimbita ito ng dalaga.

Una nilang pinuntahan ang Fort San Pedro. May dalang sasakyan si Agnes at ang nakababatang kapatid nitong si Allan ang driver nila. Dalawang taon lang ang agwat ng edad ni Agnes at ni Allan. Dahil na rin sa kahilingan ni Agnes ay magkatabi sila sa likod habang nasa harap si Liam na ikinatuwa naman ni Allan na mukhang interesadong pumasok sa pulis.

Sa buong umaga ay napuntahan na nila ang Cebu Zoo at ang Magellans Cross. Nagpunta sila sa SM Cebu para magtanghalian. Sa pagkakataong iyon ay si Liam na mismo ang naupo sa tabi niya ng makaupo sila sa isang chinese restaurant doon.

"Pagod ka na ba?" tanong nito sa kanya.

"Hindi naman. Nag eenjoy nga ako eh matagal na kasi akong hindi nakakapunta rito."

"Ate, angayan silang duha noh?" biglang sabi ni Allan sa salitang bisaya na lengguwahe sa Cebu. Kahit papaano ay nakakaintindi siya dahil tinuturuan siya ng mga magulang para hindi raw niya makalimutan ang Bisaya. Pinandilatan niya ito ng mata dahil ang ibig nitong sabihin ay bagay sila ng binata.

Natawa na lang siya ng makita ang pagkunot ng noo ni Liam. He even mouthed ano daw sa kanya.

"Wala. Gutom na raw siya," sagot niya na ikinatawa ng magkapatid.

To the rescue naman ang ever helpful pinsan niyang si Agnes.

"Sabi ni Allan bagay daw kayo ni insan," sabi ni Agnes. "Pero binata ka pa ba Liam?"

"Oo naman. Binatang-binata at very much available," bibo namang sagot ng binata.

"Eh hindi mo ba type si Cassing?" sabat naman ni Allan.

"Cassie, Allan, Cassie," pagtatama niya sa pinsan.

"Hayaan mo na. Cute naman ang Cassing eh," sansala naman ni Liam na hindi niya napigilang kurutin.

"Isa ka pa. Kahapon ka pa sa Cassing na yan."

Natigil lang sila sa kulitan ng dumating ang order nila. Hindi naman maawat sa pagkukwento si Liam tungkol sa experiences niya sa training dahil na rin sa kakatanong ni Allan. Napuno ng tawanan at kulitan ang tanghalian nila. Napagkasunduan nilang puntahan ang pamosong Taoist at Chinese Temple ng Cebu.

Si Allan naman ay taga kuha nila ng litrato. At dahil pareho sila ni Liam na unang beses pa lang nakapunta roon ay mas marami silang pictures na magkasama. Game na game naman ang binata sa pagpose tuwing kukunan sila ng litrato. Hindi rin naman nagpahuli si Agnes at nagpakuha rin ng picture na sila lang ni Liam. Papalubog na ang araw ng magyaya si Agnes na pumunta sila sa tinatawag nilang TOP kung saan makikita ang buong Cebu. Tamang-tama dahil maaabutan nila ang paglubog ng araw. Maraming nagtitinda ng pagkain rito at mga nag cacamping pagdating nila. Naupo sila sa isang bench na may mesa sa gitna.

Napawow siya ng makita ang ganda ng Cebu. Sandaling nagpaalam sina Agnes at Allan na bibili ng makakain at maiinum. Naiwan sila ni Liam habang nakatingin sa papalubog na araw. Bigla niyang naalala ang sunrise na nakita nila sa Batangas na siyang dahilan ng pag aaway nina Homer at Liam.

"Bakit mo sinabi kay Mama na may seminar tayo rito?" tanong niya sa binata.

"Wala na kasi akong maisip na sasabihin sa kanila eh. Hindi naman kasi pwedeng bigla-bigla na lang tayong darating dito diba. Sabi ko naman sa kanila eh two days lang ang seminar kaya may three days kang kasama sila."

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon