"Gago ka Morales. Naghahanap ka talaga ng mapaglalagyan mo," sabi ni Gary habang tinutusok ang newspaper kung saan nakaheadline ang nangyari sa conference.
"Oo nga bossing masyado ng pumapapel ngayon si Captain. Mukhang hindi na nga alam ng kuya mo ang mga kinikilos nila sa Kampo. Baka naman kasi natunugan na siya." sabat ni Daniel na isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Gary.
"Hindi pa kailanman pumalpak si kuya sa mga ganito. At kayo bakit hindi kayo gumawa ng paraan para masundan ninyo kung saan nila tinatago si Cathy, ha," galit na sabi nito sa mga kasama na nagsiyuko na lang.
"Bossing ang titinik ng gwardiya eh. Hindi nga namin napansin na nakaalis na pala ng campo. Pero boss may alam na ako kung sino ang susundan natin para makita natin si Cathy."
"At sino naman?"
Lumapit ito kay Gary at may itinuro sa newspaper.
"Siya boss. Siya ang susi natin para makita natin si Cathy. Mukhang kaibigan na ng jowa mo itong chicks na to eh," nakangising sabi ni Tisoy.
Tinitigan nito ang larawan at ngumisi sa mga kasama.
"Mukhang maganda ah. Tawagan mo si kuya sabihin mo gusto ko siyang makausap."
Agad na tumalima ang inutusan ni Gary at napatitig si Gary sa litratong nasa newspaper at napahimas sa baba.
*****
"Nababaliw ka na ba kasama ko sa opisina yan kaya huwag mong isasali sa kalokohan mo Gary."
"Pero kuya siya lang ang nakakalapit kay Cathy. Nakikita mo ba ang mga picture na ito? Mukhang matagal na silang magkasama ni Cathy."
"Ginawa lang siyang escort ni Cathy ng araw na iyon Gary. Ilalabas ko si Cathy huwag kang mag-alala."
"Ilalabas? Eh kelan pa? At ano kung kasama mo ang babaeng ito? Wala naman tayong gagawin sa kanya mamanmanan lang natin siya para malaman natin ang hideout ni Cathy."
"Kilala na kita Gary alam ko yang mga hilig mo sa babae. Mabait na bata yan si Cassie kaya huwag ka ng mag-isip na isama siya dyan sa mga plano mo. Nasubaybayan ko ang batang yan mula ng pumasok sa departamento ko. At kung hindi lang dahil kay Morales hindi naman masasali sa operasyon yan eh."
"Baka naman kasi type mo rin kuya kaya mo pinoprotektahan," nang-uuyam na sabi ni Gary na agad kinuwelyuhan ng kuya nito.
"Gago ka magdahan-dahan ka sa sinasabi mo Gary. Pag sinabi kung hindi mo pakikialaman, huwag mong pakikialaman. Nagkakaganyan ka dahil sa Cathy na yun eh kumakampi na nga sa mga awtoridad diba. Bakit hindi ko na lang kaya tuluyang patahimikin yun ha."
Agad namang inalis ni Gary ang kamay ng kapatid.
"Kuya huwag kang magbiro. Alam mong kahit kapatid kita hindi kita sasantuhin pag may nangyaring masama kay Cathy. Baka pati itong mga iniingatan mong tao eh madamay. Ni hindi mo nga alam kung sino ang mga kakampi ni Morales eh."
"Tumigil ka Gary. Isang linggo. Matatahimik din tayong lahat hindi pa man natatapos ang isang linggo Gary kaya kumalma ka. Masyado ng kinakain ni Cathy yang utak mo."
Galit na nilisan nito si Gary at ang mga kasama nito. Sinenyasan naman nito si Daniel na lumapit rito.
"Bakit bossing?"
"Hanapin mo kung saan nakatira ang Cassie na yun. Sundan mo saan man magpunta at huwag kang pahahalata kay kuya kung ayaw mong mapatay ka."
"Akong bahala bossing."
*****
Ginising si Cathy ng isang masamang panaginip. Habol pa niya ang hininga ng maupo siya sa kama. Nilibot niya ang paningin at naalalang nasa bagong safehouse nga pala siya. Muli niyang dinukot ang papel na kanina ay may naglagay sa bulsa ng jacket niya. Hindi na niya matandaan ang mukha ng lumapit ng biglang mamatay ang ilaw sa conference.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
