Chapter 63

4.6K 83 1
                                        

"Thank God sinagot mo na rin. Busy ka ba?,'' bungad sa kanya ni 3D.

''Yup, medyo. May nangyari ba?"

''You need to come back here immediately. May pagsabog sa kampo kaninang alas dyes ng gabi. Ang operation building ang tinira ng isang improvise explosives."

"What the???? Bakit nakapasok ang isang IED sa camp. Sa gate pa lang grabe na ang checkpoint ah. May mga suspects na ba?"

"Kaya nga kailangan mong bumalik rito. Liam huwag kang mabibigla pero....."

"Pero? Say it Drimson."

"Isa ka sa suspect Liam. May mga nakitang paraphernalia sa paggawa ng bomba sa quarters mo. Hinihinala nilang doon daw ginawa ang bomba. Dinadawit nila ang pangalan mo."

Napakapit siya bigla sa railings ng balkonahe.

"What? Bakit ako? Hindi ko naman ginamit ang quarters ko sa camp simula ng dumating ako sa Legaspi. Someone is framing me up," sabi niya kay 3D.

"Yun nga rin ang sinasabi namin dito. You need to be back in town first thing in the morning Liam. Kailangan mong kausapin si Director bago mahuli ang lahat."

"Then book me the first flight tomorrow for Legaspi. This is insane."

"May nakuha na ako. Five- thirty ngayong umaga ang flight. Is Cassie coming?"

"No, hindi na muna. I'll let her stay for another day. Salamat sa balita 3D.''

''Its okey malalaman din natin kung sino ang nasa likod nito. Ingat ka sa byahe. Give my regards to Cassie.''

Pagkatapos kausapin ang dalaga ay agad niyang kinuha ang damit at nagpunta sa kwarto niya at inayos ang gamit. Bago mag ala singko ay nasa daan na siya papuntang airport. Siniguro na muna niyang magiging maayos ang lahat paggising ng dalaga. Dumaan na rin siya sa mga magulang nito at sinabi ang sitwasyon at tinawagan si Allan para sunduin ang dalaga sa hotel before 12 ng tanghali. May ipinahanda na siyang agahan sa dalaga at isang sulat para rito.

Baka kasi akalain nitong tinakbuhan na niya ito pagkatapos ng lahat. Ilang beses niyang gustong gisingin ito pero tuwing naalala niyang pinagod niya ito ng husto ay tumitigil siya. He kiss her goodbye at gustuhin man niyang manatili sa tabi nito ay wala siyang magagawa. Kailangan niya munang harapin naman ang mga kalaban niya.

******

Paggising ni Cassie ay kumikirot ang maselang bahagi ng katawan niya. Wala na sa tabi niya si Liam at maayos na nakatupi sa side table ang mga damit niya. Dahan-dahan siyang bumangon at sinalubong siya ng ilang dosenang yellow chrysanthemum na nakahilera sa mesa. May green pa na lubo kung saan may nakataling nakarolyong sulat.

Napangiti siya ng wala sa oras. Agad niyang nilapitan ang mga bulaklak at kinuha ang sulat at muling bumalik sa kama. Hindi na muna siya nagsuot ng damit. Napangiti ulit siya ng makita ang sulat kamay ng binata.

'I have to leave, something came up in Legaspi. Pero huwag kang mag-alala aayusin ko. Huwag mong isipin na umalis ako dahil tinatakbuhan ko ang obligasyon ko sa nangyari. Im taking full responsibility for what happen yesterday. Thats the best night of my life Bianca. And when you come back in Legaspi we will talk.  About us. Thank you. For not giving up. For being stubborn. And thank you for opening my heart. For letting me feel this feeling again, the feeling of being alive. Enjoy your stay with your parents and I'll see you soon. Take care... <3..

 

Liam..

Napangiti siya matapos mabasa ang sulat at dinala pa ito sa dibdib agad hindi pa naman nagsasabi ang binata na mahal na siya nito ay sapat na sa kanyang nakapasok na siya sa buhay nito. Hindi naman niya naiwasang hindi mag-alala sa sinabi nitong emergency sa Legaspi lalo pa at wala naman siyang balita sa mga kasama roon.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon