Chapter 22

4.3K 106 0
                                    

Para lang siyang zombie habang papalabas ng airport. Hanggang sa mga oras na yon ay hindi pa rin rumerehistro sa buong sistema niyang tapos na ang tatlong araw na kahibangan niya sa Batangas. Part of her ache for leaving Liam's family that way but Liam left her with no choice kundi umuwi na rin. Nagpapasalamat na lang siya na hindi na masyadong nag usisa ang mga ito sa nangyari. Napalingon siya ng may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

"Cassie, dito," sigaw ni Homer waving his hand towards Cassie. Mukhang masayang-masaya itong makita siya.

She force to smile at lumapit rito at nabigla pa siya ng yakapin siya ng mahigpit ng binata.

"I missed you. Buti na lang tinawagan ako ni Liam na ngayon ang uwi mo. Hindi ka man lang nagtext na uuwi ka," sabi nito sa kanya.

So that answers why Homer is in the airport. Tinawagan ito ng binata para sunduin siya. Siguro nga kahit papaano ay nag-aalala sa kanya ang binata.

"Hindi na rin naman kasi kailangan Homer. Kaya ko namang umuwi at isa pa baka busy ka kaya makakaabala pa ako sayo," sagot niya ritong hindi tinatanggal ang shades.

"Nonsense. Kahit kailan hindi ka abala sa akin. Asan  na ang gamit mo? Come mukhang pagod na pagod ka ah," puna nito sa kanya.

Pinilit niyang ngumiti rito.

"Medyo nga. Sumama lang ang pakiramdam ko ng nasa Pampanga ako. Sorry ha hindi ako nakapamili eh wala akong dalang pasalubong."

Hinawakan nito ang balikat niya. Alam niyang pinipilit ng binatang maaninag ang mata niya pero nunca na tanggalin niya ang shades.

"Okey lang ang mahalaga nandito ka na," nakangiting sagot nito na iginiya na siya palabas ng airport papunta sa sasakyan nito.

Patuloy lang sa bibong pagkukwento ang binata sa kanya habang papunta sila sa bahay niya. Kahit pagod ay pinilit niyang pakinggan ang mga sinasabi nito. Waring hindi nito napapansin ang pagiging matamlay niya. Tipid na sagot lang ang binibigay niya sa binata at mukhang naiintindihan naman nitong pagod siya kaya hindi na ito namilit na sumagot siya.

"Hindi na ako papasok Cas dahil mukhang pagod ka na rin. Give my regards to your mom and dad, okey. Pahinga ka," sabi ng binata sa kanya ng maipark na nito ang sasakyan sa harap ng bahay nila.

"Thanks Homer. Sasabihin ko sa kanila. Ingat ka," sagot ng dalaga rito at bumaba na ng sasakyan. Tinulungan pa siya ng binata na ibaba ang bagahe niya pero hindi na ito tumuloy.

Wala ang mga  magulang ng dumating siya kaya laking pasasalamat niya na walang mang uusisa sa itsura niya. Sumama daw ito sa ama niya sa isang  get together kasama ang mga ka-officemates nito.

Pinadalhan na lang niya ng text ang ina at sinabihan itong nasa bahay na siya. Hindi muna niya inayos ang mga gamit at nahiga lang siya buong maghapon. Mukhang nadrain yata lahat ng energy niya sa mga pangyayari sa buhay niya. Bukas panibagong araw, papasok siya ng opisina at haharapin si Liam, si Captain Liam Brian Morales, ang boss niya.

*****

Pagod ang katawan ng dumating sa resthouse si Liam. Pagkatapos niyang iwan si Bianca sa Batangas at masigurong masusundo ito ni Homer sa airport ay dumiretso na siya doon. Pwede naman siyang pumunta sa condo pero mukhang mas lalo lang yata niyang maaalala ang dalaga roon kaya magtatago na lang muna siya. After what happen hindi niya alam kung paano pa haharapin ang dalaga. Pero isa lang ang alam niya, kailangan niyang lumayo mula rito.

Nasabi na ni Homer sa kanya na nasa Legaspi na ang nirequest niyang tropa. Mga tropa pa niya noon pa man sa Maynila. Most of them are experts in different technique, mapa gadget man o skills. Sinabihan na niya ang kaibigan na sa susunod na araw na niya kakausapin ang mga ito pero sa ngayon kailangan muna niyang magpahinga at ayusin ang sarili. He needs to sleep, and sleep tight.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon