Chapter 40

4.4K 88 1
                                    

Tahimik lang sina Liam at Cassie habang kasalo nila ang nanay ni Sam sa tanghalian. Ito lang at si Liam ang nagpapalitan ng usapan at sumasagot naman siya kung tinatanong siya. Nagpaalam na rin sila pagkatapos kumain.

"Didiretso ka na rin ba sa opisina?" tanong ni Liam ng makapasok sa kotse nito.

"Oo sa office na lang din ako."

Tahimik lang sila habang nagbibiyahe. Narinig niyang nagring ang cellphone nito at isinaksak nito sa tainga ang headseat bluetooth nito.

"Yes Homer," sabi ni Liam na sumulyap pa sa dalaga.

"Saan ka?"

"I’m on my way to Camp. Bakit?"

"Joana is in town and gusto niyang gumimik mamaya so I'm inviting you over."

"I can't Bok. Marami akong gagawin sa opisina."

"Come on Liam. I'm inviting Cassie too kaya sumama ka na. Ayokong ma out of place si Joana. Close kayo ng pinsan ko remember.”

Napasulyap si Liam sa katabi.

"Bakit kailangan mo pa siyang isama, bakit kasi hindi na lang kayo ni Joana ang mamasyal."

"Bok naman makisama ka naman minsan ko na nga lang makadate si Cassie eh kaya sumama ka na rin. "

"You’re  impossible Homer. Huwag mo akong sisisihin if I’m going to hook up with her."

"I know you won’t. I promise it will be fun kaya pumayag ka na. 7PM. Dinner at Savory. My treat.  Have you seen Cassie?"

Napasulyap na naman ang binata sa dalaga bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Nope. Maybe nasa office na siya. Bakit sa akin mo hinahanap?"

"I’m just asking. Nakausap ko na rin naman siya kanina eh. Sabi niya magkasama daw kayo. Ito naman ang init ng ulo. Kaya mas dapat mag unwind ka eh."

“Nope, nauna na ako sa kanya. Okey, okey titingnan ko kung pwede ako bukas.’’

‘’Susunduin ka namin ni Joana para wala ka ng takas.’’

‘’Darating ako Homer. No need.’’

‘’Okey see you soon. Tatawagan ko muna si Cassie kung nasaan na siya.’’

Agad nitong tinanggal ang headseat at itinutok ang mata sa daan.

‘’Sinabi mo pala kay Homer na magkasama tayo?’’ basag nito sa katahimikan na nagpalingon kay Cassie.

“Oo bakit?’’

“Nothing. Sinabi ko kasi sa kanyang hindi kita kasama.’’

‘’Pwede ko namang bawiin ang sinabi ko eh. Sasabihin ko na lang sa kanyang nauna ka na sa akin at hindi tayo nagkasabay. Bakit nga ba hindi mo na lang ako idrop sa tabi at magtataxi na lang ako papunta sa Camp? Baka kasi makita niya tayo,’’ inis na sabi niya sa binata.

“Galit ka ba?’’

“Bakit naman ako magagalit?’’

‘’Napakasarcastic mo kasing magsalita eh.’’

‘’Because you’re a pain in the ass sometimes.’’

Hindi ito makapaniwalang napatingin sa kanya.

“What did I do this time?’’

“I’m sorry. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko.’’

‘’Okey, okey. Ayoko lang kasing bigyan ng alalahanin si Homer.’’

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon