Chapter 1

14.3K 221 7
                                    

''Pugay kamay...... ta....''

At sabay-sabay sumaludo ang mga kapulisan ng Camp Benigno habang sumasabay sa pagkanta ng Lupang Hinirang. It's the traditional Monday flag raising. Nakangiti pa siya habang sumasabay sa pagkanta. She is always proud to give salute to the flag dahil nafe-feel niyang in her 25 years of existence ay nagkaroon din ng silbi ang buhay niya. That is to protect and serve the Filipino people.

You can call me Cassie, na madalas itawag sa kin, but my name is PO1 Cassie Bianca Espanyol, yes, I'm a proud police officer kahit pa madami akong naririnig na masasama laban sa amin these days. Bakit ako hindi magiging proud kung halos isa at kalahating taon kung hinarap ang nakakapagod, laging kulang sa tulog at kain na training makasurvive lang ako. I never dream to be a part of this organization in the first place coz I graduated as a teacher, a high school teacher to be exact. Pero dahil sa mabagal na proseso ng paghihire ng mga teachers sa buong Pilipinas ay nakaisip ako ng ibang raket.

I was looking at a newspaper ad one day ng dumalaw sa bahay namin ang kumare ng Mama ko, by the way only child and only precious daughter lang ako. May anak itong pulis at binida sa amin kung gaano kalaki ang natatanggap ng anak niya buwan-buwan. Bigla akong nainggit sa narinig ko at lalo pang napukaw nito ang interes ko ng sabihin niya sa aking may hiring ang PNP.

Alam kung ni sa hinagap ay hindi akalain ni Mama na papasukin ko ang ganitong trabaho, you know I was the modest, feeling Maria Clara type of girl during college. Kaya napaiyak pa ang Mama ng sabihin ko sa kanyang mag tatake-oath na ako. Yes, dahil hindi ko ipinaalam sa kanila na ang pag-alis-alis ko sa bahay ay sumasabak na pala ako sa kabi-kabilang screening para lang makapasok. I never thought na tatanggapin nila ako kahit Education graduate ako at nakapasa sa board.

But that was 3 years ago. And here I'am habang binibigkas ang mga panunumpa at iba pa kasama sa sinumpaan kung tungkulin. After ng training at pwede na akong madalaw for almost 6 months na walang contact sa outside world..... hahaha... dahil bawal ang lahat ng gadgets sa loob, ay napaiyak ang Mama at Papa ko ng makita nilang ang maganda nilang anak ay naging baluga pagkakita nila sa kaitiman ko at muntik pa akong kaladkarin pauwi ng Papa ko ng makita nitong pinagulong-gulong ako right infront of their eyes. But that was then, dahil in fairness madali lang nakarecover ang maputi at dating ng flawless kung balat... Joke..

Nagulat pa ako ng bumulong si Ate Sam sa tabi ko, she's a Police Officer 3 at kasama ko sa office.

''Cas, makinig ka kaya. Nagsasalita na si Director pangiti-ngiti ka pa dyan.''

Bigla akong napatuwid ng tayo at napalis ang ngiti sa labi na hindi ko alam na nandoon pala. So much for reminiscing. But I focus my attention to our own Director De Castro.

''Good morning men and women in uniform in this Provincial Office. I know this has been a tough week for all of us lalo na sa ating Intelligence Division. I'm afraid I'll be sending one of my best man away to other unit because of a failed mission na alam kung hindi niya ginusto. But rest assured ladies and gentlemen na hindi mawawalan ng saysay ang pag-alis na ito ni Major Gonzales sa ating hanay. This is not a demotion in his part but it's a way of growing and taking a much tougher job. Sana sa mga nasa Intelligence Division, patuloy kayo sa inyong mabuting ginagawa dahil we all know that justice will prevail. And hope bibigyan ninyo ng kaparehong pagtanggap ang bago ninyong chief. God's speed and good day to all..''

Pumalakpak na rin ako gaya ng iba at narinig ko pa ang singhot ni Ate Sam sa tabi ko. Bakit naman kasi hindi eh kasali lang naman kami sa Intelligence Division na sinasabi ng Director. Major Gonzales was such a nice Chief, wala na yata kaming mairereklamo sa husay nito sa magdadala ng tao at sa mga operation nila. But last week , he was relive from the position at nilipat sa ibang province nang may sumabotahe sa drug operation nila. May mga nasugatang sibilyan ng magkabarilan sa isang buy-bust operation. Hindi nahuli ang mastermind ng grupong nagbebenta ng bawal na gamot, hence, standard operating procedure na ang relieving sa kanila.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon