"H-hello?"
"Buti naman at nakapag-isip ka na."
"G-gary tumigil ka na. Tigilan mo na ito."
"Tigilan? Kakampi ka na rin ba nila ngayon? Kaya ka ba sumama kay Morales?"
"Nagkakamali ka. Kahit kailan wala akong kinakampihan sa inyo. Gusto ko lang ng tahimik na buhay Gary."
"Titigil lang ako kung wala ka na sa poder ni Morales. Itatakas kita sabihin mo lang sa akin kung nasaan ka."
"Ipangako mo muna sa aking wala ka ng papatayin sa mga awtoridad. Mababait sila Gary. Bakit mo ba ito ginagawa?"
"Para sa kinabukasan natin ito alam mo yan. Hindi ba sabi ko sayo lumayo ka dahil ako ang maghahanap sayo."
"Pero pagod na pagod na akong magtago. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?"
"Sumama ka na sakin. Aayusin natin ang buhay natin. Sabihin mo sa akin kung nasaan ka."
"Hintayin mo ang text ko. Aalis ako ng bahay na ito pero oras na malaman kung may nangyaring masama kina Liam at Cassie hinding-hindi mo na ako makikita."
"Cathy, cathy.... hello, hello...."
Napamura na lamang ito sa kabilang linya ng putulin ni Cathy ang tawag.
Agad niyang itinago sa ilalim ng bag ang cellphone. Nakapagdesisyon na siya na lalayo na lamang kina Liam at Cassie para hindi ito pagbuntunan ng galit ni Gary. Hindi siya ang makakatulong sa mga itong mahuli si Gary dahil mukhang mas lalo lang itong gumagawa ng masama ngayong alam nitong nasa kamay siya ng awtoridad.
Ngayon ang huling lamay ni Vince. Ibinalita na sa kanya ni Cassie na pumayag na si Liam na dumalaw ito. Ngayong gabi ay sina Jayson at Yzer lang ang bantay niya. Madali na niyang malulusutan ang mga ito sigurado siya, malaki na ang tiwala ng mga ito sa kanya. Nang pumasok si Cassie para magpaalam sa kanya ay nakabihis na siya. Nakapantalon at T-shirt lang naman siya kaya hindi masyadong nagduda si Cassie. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil baka hindi na sila magkita ng dalaga pagkatapos ng gabing iyon.
"Cathy ano ba naman yan para namang hindi na ako babalik. Dadalaw lang naman ako sa lamay eh," natatawang sabi ni Cassie ng bitawan ni Cathy.
"Alam ko namang babalik ka eh. Pero mag-iingat ka ha. Huwag kang lalayo kay Liam at Noah dahil baka pag nakuha ka ni Gary hindi ka na nila marescue."
"Huwag kang mag-alala mahuli man ako lalaban pa rin ako hanggang sa huling hininga ko. Alis na kami ha, matulog ka ng maaga."
"Salamat Cassie. Sa lahat-lahat...," sabi ni Cathy na hinawakan pa ng mahigpit ang kamay ng dalaga.
"Ano ba yan akoy natatakot sa pinagsasabi mo Cathy? Hindi na lang kaya ako umalis?"
Tumawa na lamang si Cathy. "Ito naman nagpapasalamat lang nga ako. Sige na umalis na kayo."
Malungkot na tinanaw ni Cathy palayo si Cassie at Liam na palabas na ng bahay. Maya-maya ay kinuha nito ang cellphone at may itinxt sa nag-iisang number na naroon. Nasa bag na rin niya ang mga dadalhing gamit. Maliit na bag lamang iyon. At nasa ilalim ng unan niya ang mga sulat na iniwan niya para sa mga naging kasama sa bahay na iyon. Nagpalakad-lakad siya sa kwarto hanggang sa maisipang lumabas at makipagkwentuhan kina Yzer at Jayson na nanonood ng NBA games.
*****
Tahimik lang si Cassie habang nasa sasakyan. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan ang sarili dahil siguro ito ang unang beses na lumabas siya simula ng nangyari sa conference room sa kampo at naging parang preso na rin siya na nagtatago.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AksiSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
