Chapter 28

5.1K 103 1
                                        

Hindi siya nakagalaw sa lakas ng sampal ni Cassie hindi dahil sa sakit nito kundi sa sakit na dulot  ng sinabi ng dalaga. Namalayan na lang niya ang tapik ni 3D sa kanya.

"We need to go. And you deserve it," sabi ni 3D sa kanya na nauna ng lumabas.

Wala na rin siyang nagawa kundi sumunod rito yuko ang ulo. Napa-angat ang tingin niya ng marinig ang malakas na boses ni 3D.

"Anong ginawa mo Noah?" galit ito habang nakapamaywang na hinarap si Noah na papunta na sa van karga-karga si Cassie. Agad siyang lumapit sa mga ito.

"What happen?" tanong niya rito.

"Pasensiya na ayaw kasing tumigil eh kesa naman tumakbo ng tumakbo pinatulog ko na muna. Maya-maya magigising din ito," sabi ni Noah na mukhang nababahala sa reaction nilang dalawa. May mga alam kasing tricks si Noah kung saan patutulugin ang isang tao sa oras ng kagipitan pero wala namang pinsalang nangyayari sa katawan nito.

"What the..... ," napamurang sabi ni Liam na matalim ang tingin kay Noah. "Kailangan ba talaga ng ganito," sabi niya sa lalaki at kinuha mula rito ang dalaga.

Parang piniga ang puso niya ng makita ang luhang hindi pa natutuyo sa mga mata nito. Sinenyasan niya si Noah na buksan ang pinto at sinakay na niya ang dalaga sa backseat. Uupo na sana siya sa tabi nito ng pigilan siya ni 3D.

"Ako na Liam. Baka kasi maghysterical yan oras na magising at ikaw ang nasa tabi," seryoso pa rin ito.

Tumango na lamang siya at naupo na sa frontseat katabi si Noah na nagsisilbi nilang driver. Nilisan na nila ang monasteryo na walang kamalay-malay sa nangyayari. Nang makarating sa main highway ay pinindot ni Liam ang cellphone na may contact sa cellphone ni Cassie na nasa monasteryo pa. May self detonator ito kaya isang pindot lang ay sasabok iyon sa loob, sasabok pero hindi naman makakagambala sa lahat. Naidesign yon ni Yzer sa tulong ni Jayson. Isang paraan yun para walang makaalam na galing doon si Cassie.

Nasa isang safehouse si Cathy, sabi ni Lester ay tulog pa rin daw ito. Dinala naman nila sa resthouse niya si Cassie na sa sasakyan pa lang ay nagkamalay na pero hindi man lang nagsasalita. Wala silang kibuan hanggang makarating doon.

"3D gusto kung makita si Katya," sabi ni Cassie kay 3D ng huminto sila.

Napasulyap ito kay Liam na nasa harap.

"You should rest Bianca. Hindi pa nagigising si Cathy kaya dapat magpahinga ka rin muna," sagot ng binata sa kanya.

"At sa palagay mo makakapagpahinga pa ako sa sitwasyong ito. Gusto kung magpaliwanag sa kanya. Gusto kung sabihin sa kanyang hindi ko siya niloko na mapagkakatiwalaan pa rin niya ako. God, what have I done?" umiiyak na naman si Cassie na sinapo ang sariling mukha.

"Liam ako na ang bahala sa kanya. Mauna na kayo sa loob," sabi ni 3D sa binata.

Paglabas ni Liam ay niyakap siya ni 3D ng mahigpit.

"Cassie please tama na. Hindi makakatulong kung hindi mo pakikinggan ang ibang panig. Oo alam kung mali ang desisyon ni Liam pero marami lang talagang nangyari dito sa labas kaya kailangan niyang gawin yun. Hope you find it in your heart to be open about this. This is the life of an operative Cassie. This is who we are. Minsan kailangang may masaktan para sa ikabubuti ng lahat," sabi ni 3D sa kanya.

Napahikbi na lamang siya lalo at hinayaan lang siya ng dalaga. This is who we are, kasali siya sa sinasabi nitong "we" kaya dapat siyang magpakatatag. Nagpunas siya ng luha at lumayo kay 3D.

"I'm sorry. I'm really sorry," tangi niyang nasabi. Hinawakan ni 3D ang kamay niya.

"Its okey Cas, I know how you feel. Pinagdaanan ko rin yan. Kaya nga sinabi ko na sayong no emotional attachment diba. Dahil masakit talaga yung kaalamang pinagkatiwalaan tayo at tayo rin ang sisira ng tiwalang iyon. But I know Cathy will understand."

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon