Nasa safehouse sila ng araw na yon sa loob ng kwarto ni Cathy. Pumayag na ito na makipag-usap sa kanila kaya nandoon sila lahat para pag-usapan ang magiging plano. Ang gusto ng Director ay magkaroon ng press conference si Cathy at isiwalat sa publiko ang tungkol kay Gary na mahigpit na tinutulan ni Cassie at 3D.
"Liam naman alam mong kapahamakan lang ang magiging resulta ng gustong mangyari ni Director. Naghihintay lang ng pagkakataon si Gary para makalapit kay Cathy, alam natin lahat yan," salungat ni 3D matapos sabihin ni Liam ang plano.
"Yan nga mismo ang gusto nating mangyari eh ang lumapit si Gary oras na makita niya si Cathy. Alam kung hanggang hindi niya nakikitang buhay si Cathy hindi siya kikilos," sagot ng binata.
"Eh, paano naman kung wala na talaga siyang balak na iligtas ako mula sa inyo?" biglang sabi ni Cathy at natigilan na silang lahat. "Wala naman kasing kasiguraduhan na may balak pa si Gary na iligtas ako. Paano nga kung hindi talaga ako mahalaga sa kanya o baka naman ipapatay na rin niya ako ng tuluyan para wala na siyang problema?"
Nilapitan ito ni Cassie at agad hinawakan ang dalawang kamay ni Cathy.
"Hindi ka mapapahamak Cathy dahil magkakaroon ka pa ng bagong buhay pang nawala na si Gary. Mabubuhay ka ng payapa at hindi sa takot. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sayo."
Tumawa ito pero tawang puno ng pag-aalinlangan.
"Nang maging asawa ako ni Gary at ng makita kung patayin ang mga magulang ko, alam ko ng hindi ko na makakamit yang kapayapaan na sinasabi mo Bea. Pinagpasa-Diyos ko na lang lahat," malungkot na sabi ni Cathy.
"Pagsisikapan naming mabuhay ka ng payapa Cathy as long as makikipag cooperate ka sa amin. At hindi ko rin mapapayagang mapahamak ka sa anumang paraan. So, pumapayag ka na ba sa conference?" seryosong tanong ni Liam.
Napatingin si Cathy kay Cassie.
"Hindi ako aalis sa tabi mo Cathy. Nandito lang ako," pangako ng dalaga rito.
Ilang sandali pa silang pinagmasdan ni Cathy pagkatapos ay napayuko ito waring nag-iisip.
"Papayag na ako basta nasa tabi ko si Cassie," sabi nito sa kanilang lahat.
Iba-iba ang naging reaksyon ng mga kasama niya. Blangko ang mukha ni Liam na nakatitig sa kanya. Niyakap naman niya ang dalaga at nagpa-iwan pa siya sa loob ng kwarto nito para samahan ito.
*****
"I don't think that’s a good idea. Hindi pwedeng malaman ng lahat na kasali si Cassie sa operasyon," sabi ni Liam kay 3D na nasa likod ng safehouse. Palakad-lakad ang binata sa harap ng dalaga.
"Anong magagawa mo kung si Cassie ang pinagkakatiwalaan ni Cathy and what do you expect? She's part of the operative natural kasali siya."
"And after this? Isa na rin siya sa hahabulin ni Gary."
"Ano ba talaga ang concern mo Liam? Kaya nga eh kelangan nating mahuli si Gary para matigil na ito at wala ng dapat mapahamak."
"I dont know. I honestly don’t know 3D," frustrated na sabi ni Liam.
"You don’t know dahil hanggang ngayon wala ka pa ring tiwala sa akin," sabi ni Cassie na nagpalingon sa kanilang dalawa.
Bigla namang tumayo si 3D at ngumiti sa kanya.
"Good that you are here Cassie. You should talk with your boss. Alis muna ako," paalam ni 3D na tinapik pa ang mga balikat nila. Naiwan silang dalawa.
"Bakit ka ba nakikinig sa usapan ng iba?" tanong ni Liam na nagsalubong ang kilay.
"Bakit hindi ako makikinig eh narinig ko yung pangalan ko," sagot niya rito. "Alam mong hindi lalabas si Cathy ng wala ako diba? Malinaw niyang sinabi kanina yun diba?"
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
ActionSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
