Chapter 68

4.7K 90 2
                                        

Nakailang tungga na siya ng brandy pero hindi pa rin niya malasahan ang pait niyon, nasa beach house si Liam. Buong araw na siyang nakatunganga roon, matapos makatanggap ng text kay Tita Beatrice na nagising na ulit si Bianca ay natakot siyang puntahan ang dalaga. Alam niyang nangako siya ritong paggising nito ay naroon lang siya. Pero hindi, gusto niyang lunurin ang sarili at ng makatulog siya sa kalasingan at paggising niya ay balik na sa normal ang lahat.

Matapos niyang kargahin si Bianca papunta sa ambulansya na naghihintay sa baba ng bodega ay agad niyang hinabilin ang dalaga kay Sam na naroroon na ng mga sandaling iyon. Sinabihan niya si Sam na tawagan ang mga magulang ng dalaga kung maaari. Matapos masigurong daplis lang ang tama ng dalaga ay binalikan niya sa itaas ang kaibigan.

Halos maluha na siya sa habag habang pilit tinatanggal ng mga medics ang semento sa paa ng kaibigan. Agad siyang lumapit roon at pinulsuhan ito pero mahina na. Muntik pa niyang masuntok ang nurse ng sabihin nitong kailangan ng putulin ang dalawang binti ni Homer para mas mapadali ang pagdadala rito sa hospital.

Bago ito nawalan ng buhay ay nagawa pa nitong magising at kausapin siya na habang buhay niyang hindi makakalimutan.

''L-liam,'' mahinang anas ng binata na nakahilig sa balikat niya habang nilalagyan ng temporary oxygen ang ilong pero tinanggal lang nito.

 

''Bok, just hang on. Dadalhin ka namin sa hospital. Malapit na ito.''

 

''No, hindi na ako aabot. Just cut it c-cut my legs.''

 

''No, no... Hindi pwede paano ka pa makakalakad kung mapuputol ang paa mo. Isasalvage natin yan kukuha tayo ng best doctors. Huwag ka ng magsalita please,'' nag uumpisa ng gumaralgal ang boses ni Liam.

But in the next second, umuubo na ng dugo si Homer na nagpaiyak kay 3D na nasa tabi ng dalawa. Namumutla ng lalo ito kaya nagdesisyon na siyang ipaputol ang paa ng kaibigan para madala ito sa hospital. Napatingin siya rito ng hawakan nito ang kwelyo niya at inilapit ang mukha niya sa bibig nito.

''I'm s -sorry Bok. T-take care of h-her,'' anas nito at pagkatapos ay lumuwang ang pagkakahawak ng kamay nito sa damit niya.

 

''Homer, Homer, Bok.....'' natatarantang tawag ni Liam sa kaibigan habang pinipikpik ang mukha nito pero lumagaygay lang ito sa mga bisig niya. Tuluyan na siyang hindi nakapagpigil at mahigpit niyang niyakap ang kaibigan habang umiiyak...

 

''Homer, no Homer... No, no man... You cannot do this to me. Wake up man.....'' umiiyak na sigaw ni Liam habang yakap-yakap ang kaibigan. ''Homer.....''

Agad niyang naramdaman ang yakap ni 3D sa likod niya na umiiyak na rin.

 

''Liam tama na. Tama na. Wala na siya. Wala na si Homer,'' sabi ng dalaga sa kanya.

Hindi siya umalis sa pagkakayakap sa kaibigan hanggang sa matanggal na ang paa nito sa pagkakasemento. Kinailangan pa siyang piliting ilayo nina Noah sa katawan ng kaibigan na dadalhin na sa morgue. Lutang pa rin ang isip niya at ni hindi niya alintana ang kambal na sampal na natanggap niya sa ina ni Homer matapos nitong malaman na napatay ang anak at puntahan ng mga ito sa morgue.

Tahimik na tinanggap niya ang lahat ng sampal, kamot at mura ng ina ng binata na sa huli ay niyakap na lamang niya ng mahigpit at humingi siya ng kapatawaran na hindi niya nailigtas ang kaibigan. Umalis na rin siya roon matapos sabihin ng ina ni Homer na ipapacremate nito agad ang anak matapos malamang pinutol ang dalawang paa nito. Galit ang mga magulang ni Homer sa kanila at ni hindi na sila hinayaang masilayan ang kaibigan bago ito ipinacremate na naiintindihan naman nila.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon