Late ng nagising si Cassie at dali-dali na siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Maingat niyang tinupi muli ang sulat at ibinalik sa box. Masaya siyang sa kanya ibinigay ng tropa ang alaalang iyon ni Cathy. Gusto man niyang iwasan si Liam ay wala siyang magagawa kundi harapin ito.
Pababa na siya ng hagdan nila ng magvibrate ang cellphone niya. Napakunot ang noo niya ng may unregistered number na nagmissed call sa kanya. Pagkatapos ay namutla siya bigla ng buksan niya ang ilang text sa cellphone.
I told you to stay away from Capt.Morales. Ayaw mung makinig puwes sigurado akong makikinig ka ngayon.
Watch out. Guard your love ones well
"Anak? Anong nangyari sayo?"
Ang nagtatakang tawag ng ama ang nagpabalik sa kanyang isip. Pilit siyang ngumiti rito kahit kinakabahan na siya.
"Ok lang ako Pa. May report lang daw na kailangan ayusin ng maaga ngayon, "alibi niya rito habang iniiwasan ang tingin ng ama. Agad siyang dumiretso sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso at mabilis na ininum.
"Tubig agad? Baka naman mabusog ka na nyan ha," puna ng mama niya sa kanya.
"Ok lang Ma. Kunti lang din naman ang kakainin ko eh. Bigla lang akong nauhaw Ma."
"Siya, siya sabayan mo na ang Papa mung kumain para sabay na kayong pumunta ng opisina."
Pinilit niyang kumain para mapagtakpan ang panginginig ng mga kamay. Ilang araw na rin namang hindi nagtetext sa kanya ang nagbibigay ng threat kaya muntik na niya itong makalimutan. Nasa daan na sila papunta sa opisina ng magvibrate na naman ang cellphone niya. Kinakabahan man ay kinuha niya ito mula sa bulsa ng pantalon at nakahinga siya ng maluwag ng makita ang pangalan ni Sam sa screen. Agad niya itong sinagot.
"Ate Sam napatawag ka?"
"Cas can you come over? Nasa Legaspi Medical Center ako. May nakabundol ng sinasakyan kung taxi eh."
Nanglamig ang buong katawan niya sa narinig at parang nag-echo sa isip niya ang huling banta ng anonymous texter niya.
"Sige, sige ate pupunta ako dyan. Ingat ka," paalam niya rito at agad na hinarap ang ama. "Pa, sa Legaspi Hospital mo na lang muna ako ihatid. Naaksidente si Ate Sam eh."
"Ano daw nangyari? Paanong naaksidente?" nagtatakang tanong ng ama.
"Hindi ko din po alam. May bumundol daw sa sinasakyan niyang taxi ng papunta na siya ng opisina eh."
Nanahimik na siya habang papunta sila ng hospital. Lumilipad ang isip niya pero pinipilit niyang kumbinsehin ang sariling aksidente ang nangyari kay Sam at walang kinalaman sa banta sa kanya. Pagka park ng sasakyan ng ama ay agad siyang bumaba at dumiretso sa emergency room. Agad niyang nakita si Sam na nakabenda ang kanang braso at may mga sugat ang mukha at ang paa.
"Ate, anong nangyari?"
"Hi. Buti nandito ka na. Tarantado kasing driver kung saan-saan nag oover-take. Eh nagkasabay sila sa pagliko noong nakabundol sa amin eh napalakas yung tilapon ng taxi namin kaya naipit kami sa gilid ng kalsada. Sabi pa ng driver na kasama ko parang sinadya daw eh kaso tumakas na ang nakabangga at walang plate number ang kotse nya."
"Walang plate number? Sigurado ka ate?"
"Oo sigurado. Kunti lang din naman ito eh. Naipit lang itong braso ko. Pero kelangan ko muna ng kasama ngayon dito. Buti nga nandiyan sina Nanay sa bahay kaya may bantay si baby."
"Walang problema Ate. Teka tatawag ako ng office para malaman nila ang nangyari sayo. Dito ka lang muna."
"Tito Carlito," tawag ni Sam sa ama niyang nasa may pintuan pa pala. Muntik na tuloy niyang makalimutan ang ama. "Pasensiya na po kayo sa abala."
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
