Chapter 64

4.1K 81 1
                                    

Matulin ang pagpapatakbo ni Lester sa kanyang XR motorcycle. Medyo malayo-layo pa naman ang beach house ni Liam at gabi na. Iba pa naman ang pakiramdam niya habang dala ang mga papeles feeling niya kapahamakan ang dala ng envelop na iyon na nasa bag niya. Sa dami ng iniisip ay hindi pa niya namalayan ang papatawid na aso na mabuti na lang ay naiwasan niya pero naslide naman ang motor niya ng magbreak siya bigla kaya natumba siya.

Agad siyang tumayo at itinayo na rin ang natumbang motor. Kinuha din niya ang nahulog na bag at sasakay na sana sa motor niya para paandarin ng biglang may bumangga sa likod ng motor niya. Inis na tiningnan niya ang nasa likod.

''Tarantado nakita ng may motor,'' sigaw niya sa sakay ng kotse.

Ilang sandali pa ay lumabas ang apat na lalaking sakay ng kotse. Out of impulse ay agad niyang binunot ang baril na laging nasa likod niya at agad na tinutok sa papalapit na lalaki. Pero nagsabay lang din sa pagbunot ang apat at itinutok sa kanya. Pawang nakashades ang apat at naka T-shirt at maong na pantalon lang.

"Pare bigay mo na sa amin yang bag mo para pare-pareho na tayong makaalis rito,'' sabi ng isa na siyang nagmamaneho sa kotse.

''Pasensiyahan tayo mga pare hindi para sa inyo ito eh,'' kalmadong sabi ni Lester na pinipilit kapain ang cellphone sa bulsa. Kailangan niyang humingi ng back up sa anumang paraan. Madilim pa naman ang bahaging iyon. Malakas siyang tumakbo pero tiyak mahahabol pa rin siya ng apat, kung sakali baka tuluyan na siya ng mga ito.

"Pare pare-pareho tayong utusan rito kaya para walang gulo ibigay mo na sa amin yan at makakaalis ka ng buhay rito.''

Napangisi lang siya habang pasimpleng tiningnan ang paligid. Talahib ang isang bahagi ng kinalalagyan nila kaya pag tumakbo siya roon maaaring mawala niya ang mga ito at makakatawag pa siya ng back-up. Madali siyang nag-isip.

"Sorry mga pare,'' sabi niya at agad na sunod-sunod na pinutukan ang isa sa apat. Sapul sa tiyan ang isa kaya agad niyang tinakbo ang talahib. Bago siya nakalundag ay napahiyaw pa siya ng tamaan siya sa may balikat. Agad niyang kinuha ang nabitawang baril at tinakbo ang talahib, bahala na kung saan siya makakarating. Naririnig na niya ang pagsunod ng mga lalaki sa kanya.

Agad niyang kinuha ang baril at idinial ang emergency number sa hide-out habang nagkukubli sa isang malaking puno. Ring lang ng ring ang kabilang linya na hinayaan nya muna at pinakiramdaman ang paligid. Hindi na niya alintana ang sakit sa dumudugong balikat. Malakas ang agos ng dugo mula roon pero naisip niyang kailangan niyang makaalis roon. Sunod niyang idinial ang number ni Liam pero ring lang din ng ring iyon. Nagawa pa niyang makapagtext kay Liam ng tulong bago may isang matigas na bagay ang ipinalo sa ulo niya na agad nagpadilim sa paningin niya.

Nabitawan niya ang cellphone na hawak pati ang baril ng umikot ang paningin niya. Pinilit niyang hagilapin ang baril pero sinipa na ito ng isang lalaki pagkatapos ay ang mukha naman niya ang sinipa.

''Tatakbo-takbo ka pa kasi. Sinabi ng ibigay mo na lang sa amin ito para hindi ka na masaktan. Tinamaan mo pa yung kasama namin ha,'' sabi ng lalaki at pinagsusuntok siya sa mukha. Halos hindi na makilala ang mukha ni Lester sa dami ng dugo.

''Para ito sa kasama namin, gago....'' sabi naman ng isa na pinalo siya ng M16 rifle na hawak nito sa ibat-ibang parte ng katawan. "Sa susunod magtanda ka na.''

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon