Makaraan lang ang isang linggo ay nai-file na ng tuluyan ang kaso para kay Samuel. Sinuguro niyang hindi ito makakapiyansa at mananatili sa loob ng detention cell sa provincial jail. Nasa maximum security prison ito at bawal ang kung sino-sinong bisita na dadalaw rito. So far ay wala pang kamag-anak na napadpad para dalawin ito. May inilagay na rin siyang tao doon na lingid sa kaalaman ng mga kasama.
Malaki rin ang pinagpasalamat niya at napostpone ang reunion nilang mag papamilya sa Batangas. Itataon na lang daw ito sa birthday ng Lolo niya sa mother side na schedule na sa susunod na linggo.
Dahil na rin sa pinag-usapan nila ni Homer ay balak niyang ilipat sa ibang departamento si Sam at kukuha siya ng isang operatiba na babae. Kaya ng araw na iyon ay pinatawag niya ito at kinausap ng masinsinan.
"Pinapatawag nyo daw po ako Sir," bungad ni Sam ng makapasok sa opisina niya.
"Maupo ka Samantha."
Mataman niyang tiningnan si Samantha. Base na rin sa lifestyle check na ginawa niya sa mga ito ay nalaman niyang malinis ang record nito. Unang lumabas ang result nila ni Cassie kaya alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang mga ito.
"Hindi na ako magpapaligoy pa Sam. Kelangan ko ng mga babaeng operatives para sa pagtugis natin sa Gary Gang. But honestly, I know marami ka ng experience pagdating sa operation pero iniisip ko ring may pamilya ka na at may anak pa kaya iniisip ko rin ang kaligtasan mo."
"Anong pong ibig ninyong sabihin doon Sir?" mahinahong tanong nito.
"Gusto ko sanang ilipat ka sa ibang departamento Sam," walang paligoy-ligoy na sabi nya rito.
Halatang nabigla ito sa sinabi niya. "But Sir ilang taon na po akong nandito sa Intelligence at hindi naman po nakasagabal sa akin ang pagkakaroon ko ng anak Sir."
He tap the table with his finger and look directly at Sam.
"Alam ko and I really appreciate your efforts Sam but Im doing this for your own good. I really need someone who can do the job without hesitation Sam. I hope you understand it. Pag-isipan mong mabuti. Hindi ko pwedeng isabak si Bianca sa operasyon knowing hindi pa siya sanay. I need an expert on this."
Nakita niyang yumuko si Samantha kaya nag-alala siya. Pero makaraan ang ilang sandali ay nag angat ito ng tingin sa kanya.
"I understand Sir. Pasensiya na kayo at naging emosyonal ako matagal na po ako rito at napamahal na halos ang mga tao rito sa akin. But I really appreciate your care for us Sir."
Nginitian niya ito.
"Ayoko lang mapahamak ang kahit sino sa inyo Sam. More than anything else mas gugustuhin kung unahin ninyo ang mga sarili ninyo kaysa sa trabaho."
Napatango-tango ito. "Naiintindihan ko po. Kayo na po sana ang bahala kay Cassie. Alam kung anytime soon ay sasabak na siya sa totoong laban pero sana po ihanda ninyo siya ng mabuti."
"Huwag kang mag-alala Sam ako ang bahala sa kanya. Wala ka bang request kung saan mo gustong malipat?"
Napangiti ito sa kanya. "Kahit po saan Sir wala pong problema sa akin."
Nagpaalam na agad si Samantha pagkatapos nilang mag-usap. Sinabi niya ritong bibigyan niya ng isang linggo pahinga ito bago niya ilabas ang order ng lilipatan nitong departamento. Alam niyang naiintindihan ni Sam ang punto niya. Buti nga sana kung wala pa itong anak na binubuhay at hindi siya magdadalawang isip na isabak ito sa malakihang operasyon.
***********
Sumabay ng uwi kay Sam si Cassie ng hapon na yon. Kanina pa niya napansing parang nanamlay si Sam matapos ipatawag ni Liam. Kaya ng magyaya itong mamasyal sila sa mall ay hindi siya tumanggi dahil mukhang kailangan nito ng kausap.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AcciónSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
