Chapter 67

4.6K 89 1
                                        

Agad na nagising si Homer ng buhusan siya ng malamig na tubig. Nakatali ang mga kamay niya sa silya at pati mga paa niya. Nasa loob siya ng isang kahoy na ipinorma na isang kahon. Hanggang sa may kalahati ng binti niya ang lapad ng kahoy na ipinalibot sa kanya. Pagtingin niya sa harap ay nakita niya ang umiiyak na mukha ni Cassie Bianca, putok ang gilid ng labi nito kaya tuluyan na siyang nagising.

''Cassie,'' tawag niya kay Cassie na lalo lang napaiyak. ''Mga hayop kayo anong ginawa ninyo sa kanya,'' galit na galit niyang sigaw na pilit tinatanggal ang pagkakatali ng kamay sa likod ng silya.

''Homer bakit ka pa nagpunta dito?  Hindi na sana ninyo ako pinuntahan mapapahamak lang tayong lahat,'' ganting sigaw ni Cassie sa kanya. ''Si, si kuya Jerry. Kapatid siya ni Gary.''

''Alam na namin Cas, ang hayop na yun ang siyang traydor sa organisasyon. Pagbabayaran niya ito.''

Pumalakpak namang pumasok si Gary kasunod ang apat na kasama. May mga dala itong balde na hindi niya alam kung ano ang laman.

''Well, well, well, nice to see you Captain Ferrer. Hindi ka tumupad sa napagkasunduan natin. Kung sanay sumunod ka makakasama mo na sana ang yung precious Cassie,'' sabi ni Gary na lumapit kay Cassie at inangat ang mukha ng dalaga bago tumingin sa galit na galit na si Homer.

''Hayop ka papatayin kita,'' mura ni Homer na tinawanan lang ni Gary.

''Paano mo ako mapapatay kung hindi ka na makakaalis sa lugar na yan. See that box? Gagawa tayo ng monumento para sayo, sa pagiging ulirang kaibigan mo. Imagine kung gaano ka kagago at katanga Captain, niloloko ka ng kaibigan mong si Morales na inagaw sayo ang mahal mo tapos itong mahal mo ililigtas mo kahit hindi ka naman mahal dahil si Morales ang gusto. Wow, kailangan ka talaga naming pagawan ng monumento.''

Agad nitong sinenyasan ang isang kasama na kinuha ang isang balde at lumapit kay Homer. Namilog ang mata ng binata ng makitang semento ang laman niyon at mukhang ibubuhos ata sa may binti niya kaya siya nilagay sa loob ng kahon na iyon.

''Huwag!!!!!'' sigaw ni Cassie ng mahinuha kung ano ang gagawin ni Gary kay Homer. ''Please nakikiusap ako sayo wala siyang kasalanan please huwag maawa ka.''

''Hahahaha,'' nakakalokong tawa ni Gary. ''Gusto niyang ialay ang buhay niya para sayo Cassie ayaw mo ba non? Wow, pag-ibig nga naman.''

''Please Gary, please tigilan mo na ito. Ano ba ang gusto mo?" umiiyak na sabi ni Cassie sa lalaking sinenyasan ang kasama na agad ibinuhos ang sementong laman ng balde sa paa ni Homer.

''Hayop ka Gary, pag nakalaya ako rito ako mismo ang papatay sayo hayop ka,'' sigaw ni Homer na pilit itinataas ang paa na ngayon ay nakalubog na sa semento.

''Kung hindi lang naging matigas ang ulo mo Captain hindi sana mangyayari ito. Si Morales lang naman ang kailangan ko hindi mo pa maibigay,'' sigaw ni Gary na muling sumenyas sa isa na agad tumalima at binuhasan ulit ng semento ang paa ni Homer.

''Hayop ka, kahit anong gawin mo hindi mo makukuha si Morales,'' ganting sigaw ni Homer na sinampal ni Gary ng hawak na baril.

Nagulat na lang sila lahat ng matumba sa harap nila ang isang kasama ni Gary. Agad na nilapitan ni Gary si Cassie at itinutok rito ang baril sa ulo ng dalaga.

''Morales, magpakita ka na. Huwag kang magtago kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo ng babaeng ito. Isa, dalawa, tatlo.....'' sigaw ni Gary na naglilikot ang mata. Ang tatlong kasama naman nito ay nagkanya-kanyang kubli.

Sandaling natahimik ang paligid nagpapakiramdaman, naglilikot ang mga mata. Si Homer naman ay pilit na kinikiskis sa gilid ng upuan ang tali sa kamay nito. Kailangan niyang matanggal ang tali sa kamay kung ayaw niyang tuluyang masemento ang mga paa ng tuluyan. Pinilit niyang igalaw-galaw ang mga paa na nakalubog sa semento.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon