Naglalakad ngayon si Cassie papasok sa isang mahabang pasilyo, kinakabahan man ay pinagpatuloy niya ang paglalakad. Napatingin siya sa paligid, may mga man-made cherry blossom tree ang paligid na kumikinang sa ilaw na nakakabit rito pati ang sahig na nilalakaran niya ay may mga yellow petals. Paggising niya ay nabasa niya ang sulat na iniwan ng mga magulang, susunod na lang daw ang mga ito sa dinner venue na sinabi ni Liam at siya naman ay susunduin ni Allan.
Kahit iba ang pakiramdam niya sa nangyayari ay wala na siyang nagawa kundi magbihis at mag-ayos ng sarili. Ala syete daw siya susunduin ni Allan kaya nagkapanahon pa siya para icurl ang dulo ng kanyang buhok na nilugay lang niya. Nag apply na din siya ng manipis na make-up at isinuot ang damit na pinadala ng binata. Nawalan na siya ng panahong mag-isip ng biglang dumating ang sundo niya dala ang isang bouquet ng yellow tulips. Kahit ang pinsan ay wala namang masabi sa kanya dahil hindi naman daw ito sasabay sa dinner dahil pamilya lang ni Liam at pamilya niya ang pupunta.
Ni hindi na siya hinatid ng pinsan sa loob at matapos iguide sa daan ay iniwan na siya. Kanina pa niya pinadalhan ng text ang nobyo na hindi niya kasama ang mga magulang baka kasi magtaka sina Tita Mina at Tito Rafael na wala ang mga ito pero tanging okey, see u later at I love u lang ang reply nito. Kaya kahit inis ay pinilit niyang magconcentrate. Napabuntong-hininga siya ng makita ang kabuuan ng resto kung saan may maliwanag na ilaw. Napakunot ang noo niya ng mapansin ang isang grand piano sa gitna noon.
Malapit na siya sa may hagdan ng mapansin niyang may nakaupo sa may piano. Natatabingan kasi ito ng takip ng piano. Napatigil siya sa paglalakad ng mapansing wala namang katao-tao sa lugar ng magpalinga-linga siya. Nafreeze siya sa kinatatayuan ng pumailanlang sa ere ang intro ng kantang "Grow Old with you'' ni Adam Sandler. Muling bumalik ang tingin niya sa may-ari ng paa na marinig niya ang boses ni Liam.
I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you
I'll get you medicine when your tummy aches
Build you a fire when the furnace breaks
It would be so nice growing old with you...
I'll miss you, kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you, feed you
Even let you hold the remote control
So let me do dishes in your kitchen sink
Put you to bed when you have to much to drink
I could be the man who grows old with you...
Let me be the man who grows old with you...
Pinahid niya ang mga luhang nagsimulang pumatak sa mga mata ng tumayo mula sa piano si Liam at nakangiting nakatingin sa kanya. Nagpout na muna siya bago nginitian ang binata. At napatakip siya sa bibig ng makitang lumabas mula sa gilid ang mga magulang nito kasama si Luis Brent at si Gracy na kumaway pa sa kanya.
Kinawayan din niya ang mga ito at napatingin siya sa likod niya ng maramdaman ang kamay sa likod niya. Nakita niya ang mga magulang na nakangiting nakatingin sa kanya at nakita niyang medyo namumula ang mata ng ina kaya hinawakan niya ang kamay nito.
''Ma? Ano to? Alam nyo ba to?" naguguluhan niyang tanong sa ina at ama.
''Actually anak hindi namin alam ng Papa mo na ganito ang gagawin ni Liam sinundo lang niya kami kanina ng natutulog ka. At ewan ko ba, kinakabahan ako sa mga ganito Carlito,'' bulong ng mama niya sa kanila ng ama na ngumiti lang at inakbayan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Loving You MR HITMAN
AçãoSaan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading this one.
