Chapter 70

5.8K 113 4
                                    

Kahit nahihirapang harapin ang mga bisita ay pinangatawanan na niya ang pagiging host sa mga bisita. Wala rin naman kasing alam si Mother Anna sa sitwasyon niya at sa tuwina ay lagi siyang kinukumusta ni Sister Fatima. Kahit nasasaktan ay okey na rin na malamig ang pagtrato ng binata sa kanya, waring iniiwasan nito ang makasalubong siya at lagi na ay nasa tabi nito si Corrine. Si Gracy naman ang laging bumubuntot sa kanya na naikwento na yata ang mga nangyayari sa binata sa loob ng tatlong taon.

Naghihinayang man ay masaya na rin siyang malaman na nag bunga ang ginawa nitong trabaho sa Legaspi noon. Wala na ito sa Intelligence sa Crame kundi sa Operation na at halos paper works na lang daw ang hinaharap nito. Noong isang taon lang pala ito napromote bilang Major.

Pangalawang araw na nila sa monasteryo at nag boluntaryo na siyang maglinis ng kusina. Dahil sa pagpunta niya ng regular doon ay namili na siya ng mga gamit sa pag babake. Inaayos na niya ang mga gamit ng pumasok si Corrine sa kusina. Bagong bihis na ito dahil kanina lang ay nasilip niya sa bintana ang paglabas nito at ni Liam para mag jogging. Agad itong ngumiti sa kanya.

''Hi, may maitutulong ba ako sayo?"

''No, no, okey lang ako. Bisita ka namin kaya huwag ka ng mag-abala.''

''Okey lang naman sanay naman ako sa trabaho eh. Makikiinum na muna ako ha. Napagod ako sa pagtakbo namin ni Liam,'' pagkukwento nito sa kanya. Itinuro niya sa dalaga ang lagayan ng baso at nagsalin ito ng tubig mula sa dispenser.

Ang akala niya ay lalabas na ulit ito pero nagulat siya ng maupo ito sa mesa paharap sa kanya.

''Dito na muna ako ha wala kasi akong magawa sa loob eh. Si Gracy tulog pa at si Liam lumabas na muna. Pupunta yata ng kampo dadalaw.''

''Oo naman walang problema. Gusto mo ng lasagna meron pa sa oven?"

Nakangiti itong tumango kaya kumuha siya at nilagay sa harap nito. Sandaling dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Habang kumakain ito ay pinagpatuloy niya ang pagliligpit.

''Okey ka na ba Cassie? I mean, I'm sorry for opening this up pero kasi Homer was my friend noon. Number one supporter namin ni Liam yun eh. Ikaw pala yung naikwento ni Liam sa akin na nililigawan ni Homer which he save.''

Kimi siyang ngumiti rito. Naikwento nito sa dalaga ang tungkol sa kanila ni Homer, naikwento rin kaya nito ang tungkol sa kanila. Duda siyang hindi dahil tiyak hindi magiging ganito ka friendly ang approach ng dalaga sa kanya oras na malaman nitong minsan siyang minahal ni Liam.

''It's okey. Okey na rin naman ako, kahit papaano nakatulong sina Mother Anna at ang mga tao dito sa monasteryo para mapatawad ko ang sarili ko. Sinisi ko kasi talaga ang sarili ko sa pagkamatay ni Homer. Kung hindi niya ako niligtas siguro nandito pa siya ngayon. Pero nakaraan na ang mga iyon. Kailangan kung ipagpatuloy ang pangalawang buhay na binigay ni Homer sa akin.''

''He must really love you para ialay niya ang buhay niya para sayo. Pareho lang kayo ni Liam, ang tagal ko din ulit nakapasok sa buhay niya ng bumalik ako galing Australia. The bond they had was unbreakable. Mabuti na lang kahit alam ko namang hindi pa rin 100% na nakamove on si Liam eh okey na siya. Ngumingiti na siya ngayon.''

''Salamat naman kung ganoon. Bumalik ka na kasi kaya masaya na siya.''

''Do you know our story?" manghang tanong ng dalaga sa kanya.

''Hindi naman masyado a glimpse lang noong nagpunta ako ng Batangas naikwento lang nila Gracy.''

''Ganoon ba. Masaya nga ako eh na kahit matagal kaming naghiwalay mainit pa rin ang pagtanggap ng pamilya niya sa akin. But Liam seems so distant pa rin eh. Parang may nagbago sa kanya. I don't know. Baka nanibago lang siya na magkasama na ulit kami. Para kasing hindi naman buo yung saya niya kung ako ang kasama niya.''

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon