𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏
Habang naglalakad, may nakita akong batang babae na nakasilip mula sa pagkakatago niya sa gilid nang pader. I don't know if she's hiding from someone or what.Then I saw, a students na pumapasok sa kani-kanilang klase. Kumirot ang puso ko sa nakita.
Nilapitan ko ang bata at halos mapalundag naman ito sa gulat nang pagkakakalabit ko sa kaniya. Ngumiti ako para hindi siya matakot sa'kin.
"Hello, little girl. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya. Inosente lang siyang tumingin sa'kin.
"Huwag kang matakot sa'kin. Hindi naman ako bad," Natatawa ko pang sabi kaya naman ngumiti siya.
"Ako po si Princess, Ate." sabi naman niya.
"So, Princess... what are you looking at?" nagtaka naman ang itsura niya kaya nagsalita ulit ako. I forgot. "I mean, anong tinitingnan mo? 'Saka bakit nandiyan ka?" I asked.
"A-Ahh.. kasi po.. " hindi siya agad makapagsalita. Nahihiya.
"Naiinggit po kasi ako sa kanila.. " mahinang sambit niya 'saka tumungo. Napa buntong hininga nalang ako sa lungkot na makikita sa mga mata niya.
"Gusto mong makapag-aral?" tanong ko kaya agad siyang tumango para sabihing 'opo'.
"Andami ko po kasing pangarap.. " mahihimigan kong may kasunod pa ang sasabihin niya kaya nanahimik lang ako. "Gusto ko pong makapagtapoa, para po matulungan ko ang mga kapatid at magulang ko. Para po hindi na kami mahirapan.. " tumulo ang luha mula sa mga mata niya na agad ko namang pinunasan. Kahit ako nangingilid ang luha dala ng emosyon.
"Kaso po wala kaming pera... para makapag-aral. Kulang po ang pera namin sa pagkain para sa araw-araw kaya... wala po akong magagawa kundi tingnan nalang sila..." patuloy niya pa saka lumingon doon sa mga estudyante. Niyakap ko naman siya para gumaan nang konti ang pakiramdam niya.
Naniniwala akong may patutunguhan ang batang ito sa hinaharap.. dahil sa kagustuhan niyang mag-aral. Hindi magiging hadlang ang kahirapan niya para maabot ang mga pangarap, bagkus isa lamang itong pagsubok upang unti-unti niyang makamit ang pangarap na gusto niya.
✍️: Janess Manunulat|@janesscious
—keep fighting for our dreams!
![](https://img.wattpad.com/cover/258036539-288-k452497.jpg)
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...