BESTFRIEND

13 4 0
                                    


"Bes..."

"Uhmm.. bes.."

"Oh! Bes.."

Hinimas himas ko pa ang binti ko saka kagat labing pumikit. Tinataas-taas nang bahagya ang damit saka sumandal sa pinto na animo'y isang modelo.

"Bes..."

"Ahh!"

"PAk!" Malandi kong hiyaw saka marahang hinampas ang puwet.

Sinamaan ko ng tingin 'yong likod niyang hindi man lang lumilingon. Nagsisimula naman ako mairita.

Ang cute-cute ko! TApos hindi siya namamansin?? Sa ganda kong 'to??

Patuloy lang sa paghihiwa ng sibuyas ang bes kong hindi naman kagandahan kaya nagsalubong na ang kilay ko.

AHA!

Bahagyang lumiwanag ang mukha ko sa naisip saka agad na napalitan ng nakakatakot at mala-demonyong ngiti ang labi ko. Dahan-dahan lang akong lumakad sa likod niya para 'di niya mapansin.

Ayaw mo mamansin, ha. Lagot ka sa'kin.

Nang tuluyang nasa likuran na niya ako ay ngumisi akong muli saka isinagawa ang plano.

"HULI KA!" Dinakma ng dalawa kong palad ang dalawa niyang bundok. Mahigpit ko 'yong hinawakan kaya napatili siya.

"T*NGINA MO!" Agad ay inis niyang bulyaw sa'kin. Napahalakhak naman ako nang sobra saka nakangising tumakbo palayo sa kaniya.

Infairness, malambot ang dalawang bundok. Mukhang malaman.

Ningisian ko siya uli saka lumayo. Pero bago pa ako makalayo ay nakaramdam na ako nang pagtarak nang kung anong matalim na bagay sa pwetan ko.

"MAMATAY KA NA!" Nanggagalaiti niyang sabi habang nakatingin sa'kin ng masama. Naiyak nalang ako dahil hindi man lang naging maganda ang pagkamatay ko.

Pero atleast, namatay akong sobrang ganda at kahit kailan hindi makakalamang sa'kin ang suplada at pangit kong bestfriend. PAk!

✍️: @janessCious | Janess Manunulat

• Work of Fiction
• NO MORE NEXT! (Patay na nga 'yong bestfriend niya eh.)

Photo is not mine.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon