IT WAS THE SADDEST BIRTHDAY EVER

210 4 0
                                    

𝐈𝐓 𝐖𝐀𝐒 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐃𝐃𝐄𝐒𝐓 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐄𝐕𝐄𝐑

"Sama ka?" Bigla ay napabangon ako sa tanog a 'yon ni Mama. May kung ano kasi sa'king nagsasabi na makikita ko na yung taong ilang araw ko nang hindi nakikita.

"Sama." Nakangusong sagot ko. Saka ay dali-daling bumangon para mag ayos nang sarili.

Bumaba ako para kumain. Napatingin ako do'n sa litrato ng taong lumiliwanag dahil sa nagsisinding kandila na katabi nito. Saka ay maya-maya'y nangilid at tumulo ang luha ko.

Ayaw ko parin talaga maniwala na wala ka na. Nasa isip ko lang kasi ay nagtatrabaho ka kaya wala ka dito sa bahay. Kaya hindi gano'n kalalim ang lungkot ko, pero sa t'wing tititigan ko ang litrato mo doon na bumubuhos ang luha ko sa katotohanang wala ka na talaga...

Napaluha ako sa naisip saka dali-dali iyong pinunas gamit ang likuran kong palad na animo'y batang umaatungal. Umayos ako para walang makapansin sa ganoon kong kilos.

MAKALIPAS ang ilang minuto ay lumabas na kami para umalis. Nakita ko ang mga kasama namin na sasama sa pagdalaw sa taong importante sa buhay namin.

Habang sakay ng taxi ay nakatitig lang ako sa bintana. May kung anong sibol sa puso ko dahil makikita ko na siya ngunit mas nangingibabaw doon ang kaba sa hindi malamang dahilan.

Hindi ko malaman kung saan nanggaling ang kaba na iyon. Kaba, dahil sa pananabik na makita siya o kaba dahil sa maari kong makita?

Binura ko iyon lahat sa isip ko nang namalayang nandito na kami sa lugar na pupuntahan. Sabay-sabay kaming lumabas ng taxi.

Ayun nanaman iyong dumadagundong kong kaba. Naninikip ang dibdib ko. Pati paghinga ko ay hindi ko mahabol dahil sa sobrang bilis at bigat.

Naglalakad na ang iba pero ako ay tila natulos sa kinatatayuan. Pakiramdam ko bawat hakbang na gagawin ko ay bibigat nang bibigat. Hindi ko matuon nang maayos ang atensyon ko dahil lumilipad ang isip ko. Ni hindi ko namamalayang napapatulala na pala ako sa daan. May kung anong pumipigil sa'king wag nalang tumuloy.

Napapapikit akong bumunot ng malalim na hininga saka tumuloy sa paglalakad.

Dumeresto kami papasok ng punerarya. Doon ay bumungad sa'min ang hindi maintindihang amoy. Naro'n pa sa kaliwang bahagi ang mga ataul na may harang na glasses kaya kita ang nasa loob nito.

Hinanap nang mata ko si Mama at ayun siya'y nakikipag-usap sa may-ari siguro ng punerarya. Naagaw ng atensyon ko ang dalawang lalaki na pumasok doon sa pinaglalagyan ng mga kabaong.

Lumapit ako ro'n at doon ko napansin na may itim na malaking bag na nakabalot sa kung ano.

"Antonio Sales?" May bumanggit na lalaki sa pangalang iyon kaya bigla ay kinabahan ako nang sobra. Palalim nang palalim ang hininga ko. Sa labas ay nananatili akong tahimik. Ngunit sa kaloob-looban ay nagwawala na ang puso ko sa kaba.

Nakita kong itinuro ng lalaki ang itim na bag na tinitingnan ko kanina. Nagtatanong ang tingin niya sa kasama. Nagtataka man ay tuluyan siyang pumasok sa loob saka dahan-dahang ibinaba ang zipper ng bag na iyon.

Parang tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko bigla ay huminto ang oras at paligid. At tanging ako lang ang naroon habang nakatitig sa bangkay ng yumao kong ama.

Agad ay nangilid at tuloy-tuloy na bumagsak ang luha ko. Napatutop ako sa bibig ko para mapigilan ang emosyong nagkakawalang lumabas ngunit nabigo ako dahil huli na nang napahagulgol ako habang nakatingin sa mukha ng ama ko.

Papa...

Sa isip ko ay patuloy ko siyang tinatawag na akala mo'y mabubuhay siya sa ganoon. Ganoon kasakit na isiping wala na talaga siya. Na sa ganitong murang edad ay wala na kaming tatay na katulad niya.

Nang masulyapan ko si Mama ay tulad ko, umiiyak at humahagulgol narin siya sa nakikita. Tuluyan namin nilapitan lalo si Papa at doon ko nasuri ang kabuuan nang mukha niya.

Medyo manilaw-nilaw at nagiging kulay abo na ang mukha niya. Napakasakit isipin na nasa gano'n siyang sitwasyon. Para lang siyang natutulog katulad sa bahay ngunit ang pinagkaiba ay hindi na siya magigising pa. Hindi na.

Nasa isipin ko pa ang lahat kung paano siyang nahirapan, hanggang sa naging ganito. Na sa sobrang hirap, tuluyan na siyang sumuko.

Dahan-dahang sinara ng lalaking iyon ang bag para matakpan ang mukha ng ama ko. Pakiramdam ko puso ko ang dahang-dahang hinihiwa sa ganoong lagay.

Hindi parin ako mapalagay kakatingin sa kinaroroonan ni Papa. Tuloy tuloy sa pagbuhos ang mga luha ko. Kanina pa nakasara ang salaming iyon ngunit tinititigan ko parin 'yon na akala mo'y tumatagos ang paningin ko at doon ko nakikita ang walang buhay na itsura ni Papa.

Sabi ng lola ko sa'kin... kadalasan ang mga tao namamatay kapag bago o kapag natapos ang kaaarawan. Ngunit kay Papa, namatay siya kung saan malapit na ang kaaarawan ko. Hindi niya man lang naabutan ang ikalabin-limang taon ko. Apat na araw lamang ang pagitan ng araw nang pagkamatay niya at kaaarawan ko. Ang sakit. Kasi sa mismong kaaarawan ko pa.

At napakasakit sa'kin na isiping na huli ko siyang nakitang buhay noong nandito siya sa bahay. Pilit tinatatagan ang loob, pilit tinitiis ang sakit na dinaranas niya. Tandang-tanda ko pa kung paano siya tumingala, at doon ko nakita kung paanong naninilaw na ang kaniyang mga mata. Doon palang sa pagtingin ko sa kaniya ay agad na nangilid ang luha ko. Ni hindi ko alam na hahantong siya sa ganito. Na kung saan umalis siya dito sa bahay nang buhay, at uuwi siya sa'ming tanging abo at litrato na lang niya ang aming makikita.

At ngayon, kasama na namin siya kahit na tanging abo at larawan lang niya ang matitingnan at mahahawakan. Tuloy parin kami sa pagluluksa, sa pagkimkim ng sakit, sa pagluha. Mahirap tanggapin. Ngunit alam kong palilipasin rin ito ng panahon. Alam ko rin na kahit hindi namin siya nakikita ay narito lang siya sa bahay, binabantayan kaming pamilya niya.

Makakalaya lamang siya sa tahanang kinasanayan niya, kung tatanggapin nang buo naming puso ang pagkawala niya.

~
𝚁𝙴𝚂𝚃 𝙸𝙽 𝙿𝙴𝙰𝙲𝙴 𝙿𝙰𝙿𝙰, 𝙿𝙰𝚃𝚄𝙻𝙾𝚈 𝙺𝙰 𝙻𝙰𝙽𝙶 𝙽𝙰𝙼𝙸𝙽𝙶 𝙼𝙰𝙼𝙰𝙷𝙰𝙻𝙸𝙽, 𝙰𝚃 𝙰𝙰𝙻𝙰𝙻𝙰𝙷𝙰𝙽𝙸𝙽. 𝙽𝙰𝚆𝙰'𝚈 𝙶𝙰𝙱𝙰𝚈𝙰𝙽 𝙼𝙾 𝙺𝙰𝙼𝙸𝙽𝙶 𝙸𝙽𝙸𝚆𝙰𝙽 𝙼𝙾𝙽𝙶 𝙿𝙰𝙼𝙸𝙻𝚈𝙰, 𝙿𝙰𝙿𝙰. 𝙼𝙰𝙷𝙰𝙻 𝙽𝙰 𝙼𝙰𝙷𝙰𝙻 𝙺𝙸𝚃𝙰 𝙰𝚃 𝙼𝙰𝙷𝙰𝙻 𝙽𝙰 𝙼𝙰𝙷𝙰𝙻 𝙺𝙰 𝙽𝙰𝙼𝙸𝙽.😓😘💕

This is my true story. Your Author's true story

Janess|@janesscious

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon