SINAMAHAN KONG UMIHI SI CRUSH
Sa wakas ay natapos narin ang klase. Kaya naman pasimple kong tinagalan ang kilos ko bago lumabas ng room nang makitang nag-aayos pa si Tristan ng mga gamit niya.
Tulala akong pinanood siya maglakad palabas. Natauhan lang ako ng mawala siya sa paningin ko kaya dali-dali akong lumabas para habulin siya.
Balak ko na sanang umamin sa kaniya ngayon, at kung mabasted man ako ay matagal ko na ring pinaghandaan 'yon. Basta ay aamin lang ako.
Nakakainis kasi isipin na wala siyang pakialam. Kahit na kanina, no'ng mapahiya ako ay hindi man lang siya kumibo lalo na no'ng sinabi ni prof na naglalaway ako no'ng papasok siya.
Hays, ang suplado talaga ng crush ko.
Lumingon-lingon ako kung saan-saan dahil hindi ko na nakita si Tristan. Ambilis naman kasi niya maglakad!
Nanlulumo, at walang gana ako na naglakad papuntang CR. Balak ko sana mag ayos pa para kapag umamin ako sa kaniya, mukha pa rin akong diyosa. Kaso baka di ko na siya maabutan.
Kulang nalang umiyak na ako sa lungkot na nararamdaman pero agad na lumiwanag ang mukha ko nang makita si Tristan na pumasok sa CR ng mga lalaki. Nagtago naman ako sa pader para hindi niya makita.
Nang masiguradong nakapasok na siya ay tahimik akong lumakad papasok. Napatakip naman ako sa ilong ko dahil sa sobrang baho ng CR nila.
Gosh!
Kabado at pawisan akong hinanap siya. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumabas siya sa bintana!
Omg baka masaktan siya!
"Trista-"
Napahinto ako nang makitang sobrang baba lang naman pala ng binabaan niya. Napangiwi nalang ako sa sarili dahil napaka OA ko mag-isip.
Sinundan ko rin siya kung saan siya lumabas. Medyo madilim na sa lugar na 'to at kahit nakakatakot, pinilit kong maging matapang at inisip na nandyan lang naman si Tristan.
Ang alam ko ay dito ang tambayan ng mga lalaking nagd-drugs. Kaya takang taka ako kung bakit dito siya pumunta.
Nagd-drugs din kaya siya?
Imposible naman yata 'yon. Ni halos wala nga siyang kaibigan, wala siyang kinakausap maliban sa professor namin. Masyado kasi siyang suplado kaya walang gustong lumapit sa kaniya.
Kaya nga gustong-gusto ko siya e.
Napalingon ako sa kanan ko ng may marinig akong tunog na parang may umiihi. Si crush kaya 'yon?
Walang alinlangan kong sinundan ang tunog na 'yon. At hindi nga ako nagkamali, nandito si Tristan. Nakatalikod siya sa'kin habang nakapikit at nakatingala at hawak ang- basta yung ano niya.
Halos maglaway na naman ako dahil sa nakikita ko. Ang hottttt niyaaaaaaa!!!!!
Pinigilan ko muna ang sariling pagnasaan siya at dahang-dahang lumakad sa likod niya. Di parin siya tapos umihi at mukhang hindi niya ramdam ang presensiya ko sa likod niya.
Tahimik akong huminga ng malalim. Eto na 'yon, Risa! Eto na ang pagkakataon mo kaya umamin ka na!
Dahan-dahan akong lumuhod sa baba niya. At buong tapang na inilagay ang dalawa kong palad na ikinorte kong puso sa gitna ng ihi niya.
Di ko pinansin ang ano niya- basta 'yon nga! Kahit alam kong mahaba 'yon ay hindi ko na ulit tiningnan.
"A-Anong ginagawa m-mo??"
Umangat ako ng tingin kay Tristan. Bakas sa mukha niya ang sobrang pagkagulat sa ginawa ko at presensiya ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan, kaya naman nakita kong nanginig siya, senyales na matatapos na siya.
Nang bigla ay natalsikan ako!
WATDAPAKKKKKKKKKKK!!!!!!
"W-What the heck...."
Natalsikan ako ng ihi niya sa mukha. Sa mukha! NATALSIKAN AKO SA MUKHA!!
Magsisimula na sana akong umatungal sa pag-iyak nang mapahinto ako nang maramdamang pinupunasan ni Tristan ang mukha ko. Halos aligaga niya 'yong ginawa, nahihiya sa nangyari sa'kin.
NANG MAISIP KO NA AAMIN NGA PALA AKO SA KANIYA!
Kaya naman ay tinitigan ko siya at hinawakan ang kamay niyang gamit na pumupunas sa mukha ko. Napahinto siya at gulat na napatingin sa'kin.
"Tristan, gusto kita.."
Mahina at buong puso kong sinabi 'yon. Pakiramdam ko nga puso ko mismo ang nagsabi no'n kaya naman sobrang kaba ang nararamdaman ko sa puso ko.
Gulat lang ang nakikita kong ekspresyon sa kaniya. Pero halos lumundag sa tuwa ang puso ko nang marinig ko ang sinagot niya.
"Gusto rin kita. Matagal na." Sinsero niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Ibinaba niya ang panyo na ipinamunas niya sa'kin kanina saka marahang hinaplos ang pisnge ko.
Hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Sobrang saya ko. Sa wakas, yung taong matagal ko nang gusto ay magiging akin na rin. Buti nalang talaga ay sinamahan ko siyang umihi.
✍: @janessCious | Janess Manunulat
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...