LOVING HIM TOO MUCH WILL CAUSE ME TO DEATH

28 2 0
                                    


Love was full of surprises. Love was full of emotions that you can't name. Love can make you happy, inspired and contented. But at the same time, love can hurt you so much.

Have you feel it? The feeling that everything was perfect. Yung pakiramdam na sobrang nakakataba ng puso dahil kuntento ka na sa kung anong meron ka. Kuntento ka na simula noong dumating siya.

At this age, hindi ko inakalang malalaman ko na agad and definition ng 'love'. Nalaman ko dahil naramdaman ko. Naramdaman kong magmahal ng totoo at mahalin ng totoo.

Steve was perfect. Lahat ng bagay sa kaniya, mahal na mahal ko. Mabuti o hindi niya magandang ugali, tanggap ko. Because that's how much I love him.

He's 4 years older than me. Maraming nagsasabing child abuse daw siya sa'kin, but we didn't care. I start believing age doesn't matter ever since I loved him.

Hindi nakakapagtakang hulog na hulog ako kay Steve. Bukod sa may sense of humor, maporma at sobrang bango, sobrang sweet niya rin sa'kin. He always makes me feel special.

Hanggang sa unti-unti, nasasanay na ako sa presensya niya. Palagi kaming magkasama kahit sa school, dahilan para lagi akong ma-excite pumasok. He was always there when I'm happy, sad, crying, and down.

Syempre hindi ko rin pinaramdam na siya lang lagi ang nandyan para sa'kin. I was also with him, facing his challenges. Lalo na kapag may pinagdadaanan siya, I'm always comforting him, saying that I'll never leave him. Kahit iwan siya ng mundo, pipiliin kong manatili sa tabi niya para samahan siyang lumaban.

But that was my promise before. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang panindigan ang mga sinabi ko sa kaniya, na hinding-hindi ko siya iiwan. Hindi ko alam... kung kaya ko pa bang lumaban kasama siya.

Since COVID-19 started, we have no choice but to communicate through online. Hindi na daw kasi pwedeng pumasok sa school dahil ang cases ng virus, parami ng parami.

Hindi rin naman kami legal sa side niya lalo na sa side ko. I have a very strict parents at isa pa, menor de edad pa ako. Pero kahit bawal, tinago namin ang relasyon namin. We want to stay in that way. Stay lowkey.

Akala ko, kahit online nalang kami nag-uusap, walang magbabago sa'ming dalawa. But it looks like God are testing our relationship.

Kapag napapadalas ang pag-aaway namin ay napapadalas rin ang pag-iyak ko. It was very hard because he's not there to comfort me even though he's the reason why I am hurting and crying. I just know that if he's there on my side, he'll comfort me and hug me.

But day passed by, my patience become thin. Palagi na akong umiiyak dahil nakita ko ngayon ang side ng ugali niya na hindi ko nakita noong madalas pa kami magkita at magsama. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

He's a working student and the breadwinner of his family. May obligasyon siya na kapareho ng akin, pareho kaming panganay at may responsibilidad sa pamilya. Pero nauna niya 'yong gampanan kaya palagi ko siyang iniintindi.

Madalas, may mga nasasabi siya sa'king masakit. Lalo na kapag pagod siya at mainitin ang ulo, minsan sa'kin nababaling ang init ng ulo niya. And because I love him so much, I always let it pass even though it hurts me damn much. Kahit kinabukasan, walang 'sorry' ang bubungad sa'kin dahil hindi niya siguro namamalayan ang mga salitang nababanggit niya. Palagi, lagi ko siyang iniintindi.

Pero sabi nga nila, lahat may hangganan. And one of them are my patience for him. Minsan sinusubok narin ng tadhana ang pagmamahal ko sa kaniya. Ayaw kong bumitaw pero.. hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako kakapit.

Ilang buwan pa ang lumipas at gano'n parati ang nangyayari sa'min. Mag-aaway kami, magbabati pero wala akong nababasang 'sorry' sa kaniya. Maybe, he can't give up his pride that's why he can't say sorry?

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon