FIVE LETTERS, ONE WORD
"Sorry..."
Maluha-luha na akong nakatingin kay Jion. Alam kong nagtatampo parin siya sa nagawa ko.
Huminga siya ng malalim at umiwas ng tingin sa'kin.
Parang hiniwa na naman sa sakit ang puso ko. "Mahal... sorry na.."
Hindi niya parin ako pinansin. Tuluyan nang tumulo ang luha ko.
Alam kong dapat pagpasensyahan ko siya pero hindi ko kinakaya ang ganito. Masyado akong malambot para sa ganito.
Sumama kasi ako sa kaibigan kong lalaki. Kumain lang naman kami saglit pero hindi ko 'yon nasabi sa kaniya. Nagalit siya kaya hindi niya ako pinapansin.
Hindi ko naman inentensyong magloko sa kaniya. Ang mali ko lang, hindi ako napakapagpaalam sa kaniya. Kaya iniisip niya na nakipagdate ako sa iba.
Huminga nalang ako ng malalim para ipagsawalang bahala ang sikip ng dibdib na nararamdaman ko. Nilingon ko siya ulit. "Sorry... hindi ko na uulitin."
Dahan-dahan niya din akong nilingon. Napatingin siya sa pisnge kong may luha. Bumuntong-hininga siya at pinunasan ang luha sa pisnge ko.
Sa huli ay pinatawad niya din ako. Pagkatapos ay bumalik ulit kami sa dati. Kaya sa t'wing may nagagawa akong hindi niya nagugustuhan, todo sorry at iyak ako sa harap niya. Ganoon ko siya kamahal. Kahit lumuhod ako sa harap niya ay gagawin ko, mapatawad niya lang.
***
"Nasa'n ka? Sumama ka na naman ba sa lalaki mo?"
Tumawag siya sa'kin at bumungad agad sa pandinig ko ang nang-aakusa niyang tono. Nangunot ang noo ko.
"Anong pinagsasabi mo? Nandito lang ako sa bahay."
"Naninigurado lang." Saka niya 'yon dinugtungan ng tawa. Hindi ako makasabay dahil hindi ako natutuwa sa sinabi niya.
Binalewala ko nalang ang bigat ng dibdib ko.
***
Jion: "T*nginamo, hinack mo na naman ba account ko?"
Umagang-umaga at ito ang bungad niya sa'kin mula sa messages ko. Kunot-noo akong nagreply. Hindi tinitingnan ang unang salita na binanggit niya at pilit na binalewala 'yon.
Maryn: "Bakit ko naman 'yon i-hahack?
Jion: "Ewan ko."
Jion: "Iba na yung password tapos hindi ko na mabuksan."Uminit na ang ulo ko kaya galit akong nagreply.
Maryn: "Ah, so kapag nahahack ang account mo, ako lagi ang may kasalanan?"
Jion: "Ikaw lang naman may alam ng password ko."
Sa inis ko ay hindi ko na siya nireplayan at sineen nalang. Nakakag*go na minsan ang ugali niya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagkaganyan.
Tumulo ang luha ko. Naalala ko yung sinabi niya. Minura niya ako... sa bagay na wala naman akong kinalaman. Ganyan siya kapag mainit ang ulo o galit.
Noong una ay iniintindi ko pa pero ngayon, hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.
Hindi ko kayang isipin na kung itrato niya lang ako ay parang isang bagay na pwede niyang puntahan sa t'wing nagagalit, nalulungkot o masaya siya. Sa'kin niya nabubuntong lahat. Ako naman 'tong buong araw ay iiyak ng iiyak, pigil na pigil dahil hindi mailabas ang tampo ko.
Umiyak ako buong gabi. Kinabukasan, gumawa siya ng bagong account at nasa new message inbox ko na. Ilang beses ko pang pinag-isipan kung rereplayan ko pa ba o hindi na.
Masama parin ang loob ko. Binasa ko ang chat niya. Akala ko hihingi siya ng tawad pero... hindi.
Jion: "Kumain kana ba mahal?"
Jion: "Ano pong gawa mo?
Jion: "Iloveyou."Nangilid ang luha ko. Madalas siyang ganyan. Napapansin niya kapag galit o nagtatampo ako kaya nagiging malambing at sweet siya. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng saya. Kahit man lang sa huli niyang sinabi, hindi ako kinilig.
Blanko lang ang mukha ko nang magreply.
Maryn: "Tapos na."
Nagpatuloy ang conversation namin na ganoon lang ako. Sobrang ikli ng reply at madalas sini-seen nalang siya.
Alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kaya halos minu-minuto, sinasabihan niya ako kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko na 'yon tinutugon o nirereplayan ng iloveyoutoo dahil mabigat parin ang pakiramdam ko.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit parang hirap na hirap siyang sabihin 'yon? Nakakatapak ba ng ego? Nang pagkalalaki niya?
Yakap ang unan at tahimik na umiiyak, yun lang ang laman ng isip ko.
Bakit ba ayaw mong banggitin? Limang letra, isang salita.. bakit sobrang hirap para sa'yong humingi ng tawad?
Dumating ang araw na napagod nalang ako. Dalawang linggo ang dumaan, hindi nawawala sa isip ko ang pagmumura niya sa'kin. Hindi ko alam na sobrang laki pala nang magiging epekto noon sa'kin.
Dalawang linggo ang dumaan, sinusubukan niyang mag-open ng topic at sabayan siya pero hindi ko magawa. Pansin niya 'yon pero malambing parin siya. Palagi parin sinasabing mahal niya ako.
***
"Maghiwalay na tayo."Nakapagdesisyon na ako. Kung hindi kami titigil, masasaktan at masasaktan lang ako sa kaniya.
Nagulat siya sa sinabi ko at napatayo. Aligaga niyang hinawakan ang kamay ko. "M-Mahal..."
Sabi ko ay magkita kami at may sasabihin akong importante. Mukhang natuwa pa nga siya, iniisip siguro na magde-date kami. Pero hindi 'yon ang balak ko.
"B-Bakit?" Pumiyok ang boses niya, mahigpit ang hawak sa kamay ko na parang ayaw akong bitawan.
Sa itsura niya ay mukhang may ideya na siya kung bakit pero ayaw niya 'yon paniwalaan hangga't hindi niya naririnig sa'kin.
Namasa na naman ang mga mata ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Andami-dami kong gustong sabihin at ibuntong. Gustong-gusto ko siyang awayin at saktan. Gusto ko siyang sampalin ng paulit-ulit.
Kinagat ko ang labi ko sabay nang pagtulo ng luha ko. "Pagod na ako."
Rinig ko ang pagsinghap niya. Mas lalo siyang lumapit sa'kin saka ako niyakap ng mahigpit. Umuuga narin ang balikat niya. "M-Mahal... 'w-wag naman..."
Mas lalo akong napaiyak nang marinig ang mahihina niyang paghagulgol. Alam ko naman na minahal niya rin ako ng sobra katulad nang pagmamahal ko sa kaniya. Sineryoso niya rin ako.
Wala sanang problema pero, hindi ko na kaya ang pagtatrato niya sa'kin lalo na kapag sa chat lang kami nag-uusap.
Isa lang naman ang gusto ko... ang mag-sorry siya sa'kin. Kahit sana hindi na sincere, baka naayos pa namin.
"M-Mahal..." Humigpit ang yakap niya sa'kin. "S-Sorry..."
Doon ay lumabas na lahat ng emosyon na inipon ko. Malakas akong umiyak at galit na pinaghahampas siya sa dibdib. Nanlalabo ang paningin ko. Wala nang pakialam kahit magsugat-sugat siya sa pananakit ko.
Nag-sorry siya, pero huli na.
Dahil ayoko na.
@janesscious | Janess Manunulat
MORAL LESSON? Hindi sapat na mahal mo lang yung tao. Hindi sapat na sabihin o ipakita mo lang sa kaniya kung gaano mo siya kamahal, na para bang dahil doon ay magiging okay ang lahat.
In short, hindi sapat ang 'Mahal Kita' lang. Dapat marunong rin tayong humingi ng tawad sa bawat pagkakamaling nagagawa natin.
Oo, madaling magpatawad kung mahal mo yung tao. Pero yung bakas ng sakit na iniwan mo, yurauma... yun ang hindi madaling kalimutan.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
AléatoireEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...