TROPA MONG LASINGGERO
"Huy! Tama na 'yan!""Naman oh!"
Agad ay kinuha ko sa kaniya ang beer na balak niyang inumin na naman. Sinamaan ko siya ng tingin pero halatang balewala lang sa kaniya 'yon at pinagpilitang kuhanin parin sa'kin ang beer.
"Hindeeeee!! A-Aminaahhh... yaaan! B-Bigay mo shak-ken—" *hik* "—yaaaann!"
Napasapo nalang ako sa noo ko. Lintek naman oh. Nag-iinit ang ulo ko sa tropa kong 'to.
"B-Bigay mo yaaann!" Sigaw niya saka natigilan na para bang may naisip. Bigla siyang napatulala.
Nalasing pa nga.
"Ano? L-Lahat nalang... kailangan agaw... w-win shakenn? Kakaagaw nga lang no'ng j-jowa koH shakenn eehhh.." *hik* "Taposssshhh pati 'yang beer.. aagawin dennn?? Ano??! Lahaaatt nalenggg a-aagawin... ha?? HA??!!" Naliliyo niyang singhal. Tutumba-tumba narin ang katawan niya at ano mang oras ay babagsak na siya.
Marahas akong napahilamos sa mukha ko dahil sa inis.
Nyeta talaga.
"Kingina naman, 'tol! Alam kong heartbroken ka—" Parang gusto kong masamid sa sinabi ko. Tsk.
"Pero— hindi naman ata tama na isamo mo 'ko dito sa kabaliwan mo!" Singhal ko sa kaniya, nagbabakasaling matatauhan siya ngunit ang gago, tinawanan lang ako.
Putik. Ano namag nakakatawa?
"Hahahahhaha!! Kabaliwan?? Kaba—" *hik* "—liwan?! S-Shorry... 'tol...." Ani nito saka parang tangang tinapik-tapik pa ako sa balikat na akala mo ay may ipapayong maganda— na alam kong hindi maganda.
Subukan lang talaga nito maglabas ng walang kwentang bagay diyan sa bunganga niya. Susungalngalan ko talaga siya.
"—S-Shakaniya lang a-akoH nabaliw ehhh..."
Pagkatapos nang narinig kong 'yon ay bigla gusto ko nalang manghina at magpalamon sa lupa.
Pu— sang KINALBO!!
Huminga ako ng malalim para bawasan ang inis na nararamdaman pero ayaw nitong humupa. Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo sa tabi niya at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong sunggaban ang pagmumukha niya.
Kingina! Bakit nga pala ako nandito?? Ano nga bang ginagawa ko dito at kasama ko 'tong baliw at siraulo kong kaibigan??!!
Oo nga pala. Sumama ako sa kaniya dahil halata sa hitsura niya ang pagkamiserable dahil sa paghihiwalay nila ng grilfriend niya. Tsk. Inagaw daw 'yon ng ibA at halos magwala na siya kanina na akala mo makakapatay na siya ng tao. Pero parang mas gusto ko parin yung galit siya kesa sa ganito.
Nakaka— ugh. Yawa.
Sa wakas ay nagpatianod narin siya sa'kin para lumabas at dalhin sa motor ko. Hindi pa nga kami nakakalabas bigla ay natumba na siya.
"A-Ang hina mo naman, 'tol! B-Baket—" *hik* "—hirap na hirap ka shak-ken?" Patungkol niya pa sa pag-aalalay ko sa kaniya. Nakagat ko nalang ang labi ko sa sobrang inis.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...