SINGLE IS LAYP

21 3 0
                                        

SINGLE IS LAYP

"Hmm..BABE? Payakap po, pwede? Parang batang paglalambing ng babae sa boyfriend niya.

"Come here BABY." Sagot nito at ibinuka ang dalawang braso para sa yakap na naghihintay. Niyakap naman ito ng babae.

"LOVE, Bili mo ako no'n, please?" Sabi naman ng isa na nakanguso at itinuro ang stuff toy na cute.

"Gusto mo 'yon?" Tanong ng lalaki at tumango ang babae. Hinawakan naman nito ang mga kamay ng babae at tinungo ang itinuro niya kanina.

"Happy 1st Anniversary,  MAHAL!" Masayang bati ng isang babae at agad na hinalikan ang mahal niya. Napangiti nang napakalawak ang lalaki dahil sa effort na binigay sa kaniya ng babae. Agad niya itong niyakap ng mahigpit.

"I Love you baby."

"I Love you too, baby."

"Hindi tayo maghihiwalay."

"Walang kayang magpahiwalay sa'tin. Kung maghiwalay man tayo ay hindi kana pwede ipares sa iba dahil sa'kin ka lang nababagay."

Buti pa sila.

Agad ko namang pinilig ang ulo ko.

'Ano ka ba naman, Ellen! Pati ba naman 'yan pinag-iisipan mo na magka-lovelife!'

Nakatitig kase ako ngayon sa binili kong Kopiko Blanka Twin na inutos sa'kin ni Mama. Kase oh.. tingnan mo sila. May kapareha. Kaya ayun, ginawan ko rin sila ng dialogue sa isip ko, ihihi.

Paano ba naman kase! Nagtambay nga ako dito para manahimik pero wala na akong ibang makita dito kundi puro naglalandian! Naglalampungan! Naghahalikan! Nagyayakapan! Like what the f wala ba kayong balak bigyan ako, ha?!

Nandito ako ngayon sa park kasama si Kopiko Blanka Twin magjowa na magkapareha, Mga Love, Baby, Babe, Mahal一  ta's ako dito?? Ano?! Di ba WALEY?!!!

Napanganga nalang ako sa nakita. Tae! Lahat sila may jowa! May asawa! May boyfriend! at kung sino-sino pang mga malalanding nilalang!

Maganda naman ako pero bakit ba ang tagal ng aking magiging one and only husband? Yung the one ko? Hays. baka naman natraffic lang siya?

Don't worry mah beybeh. Aantayin kita hanggang sa dulo nang ating walang hanggan~ hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman一

ARGHHH! Nasisiraan na ako ng ulo! Putspa!

"Edi kayo na! Kayo na may Jowa mga p*tang*na! Maghihiwalay rin naman kayong lahat! Ikwento niyo pa sa nanay niyong 'di alam na may kalampungan kayo!"

Di ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw ng pagka-LAKAS LAKAS sa buong park. Halos umalingawngaw sa paligid ang boses ko dahil sa pagsigaw ko.

Nakaramdam naman ako nang hiya nang makita kong lahat sila nakatingin sa'kin.

Hanla.. para nila akong kakainin. Huhu.

"Tsk, bitter."

"Pangit kase kaya walang jowa, hahaha!"

ONESHOT TAGALOG STORIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon