BATTLE BETWEEN HEART AND MIND
Ano bang susundin ko?
Ang isip ko? Na gusto lang akong protektahan sa mga posibleng manakit sa puso ko?
O, ang puso ko na gusto lang makahanap ng taong magpapasaya sa'kin at muling bubuohin ang mundo ko?
So... here I am, fighting with my heart and mind.
"Hey." Nabura lahat ng iniisip ko nang may umupo sa tabi ko. Umikot ang mga mata ko sa hangin ng makita kung sino ang nasa tabi ko.
"What?" Nawawalang gana kong sabi habang nakatuon ang paningin sa phone ko. Narinig ko naman siya napabuntong-hininga kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hindi ka ba napapagod magtaray sa'kin?"
Saglit akong napatitig sa kaniya. May bahid ng lungkot at sakit sa mukha niya kaya naman hindi ko maiwasang ma-guilty.
Kahit ako, tinanong ko din sa sarili ko...'Bakit ba ang sungit ko sa kaniya? Wala naman siyang ginagawang masama pero parati ko nalang siyang tinatarayan.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya ngunit nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. "Natatakot ka ba sa'kin?"
Napatanga ako. "Ha?"
"Natatakot ka bang maging malapit sa'kin, dahil iniisip mo na sasaktan din kita katulad ng iba?" Walang emosyon niyang sabi. Napalunok naman ako ng wala sa oras.
Napababa nalang ang tingin ko sa kamay ko at hindi na sinagot pa ang tanong niya. Naramdaman ko nalang ang pag-alis niya dahilan para mas lalo akong ma-guilty sa sarili ko.
Si Janzen ay ang anak ng ninang ko na matagal na akong gustong ligawan pero hindi ako pumapayag. Hindi ako pumapayag... kasi andito pa din eh. Andito pa din yung sakit ng nakaraan ko na mukhang hindi na matatanggal pa sa'kin kaya naturingan akong 'bitter girl'.
Hindi ako pumapayag dahil natatakot akong mahulog sa kaniya, ma-inlove sa kaniya. May hitsura naman si Janzen at napaka-gentleman kaya imposibleng hindi ako ma-inlove sa kaniya. Kaso ang pangamba sa'kin nandito pa din, iniisip ng utak ko na masasaktan lang ako at dapat protektahan ko ang puso ko.
Pero... magkasalungat ang gusto ng utak at puso ko. Gusto ng utak ko na.. 'Wag na. Wag ka susubok dahil masasaktan kalang ulit.' Habang ang isinisigaw naman ng puso ko, 'Bigyan mo ng chance si Janzen pati ang sarili mo. Dahil nasisiguro kong siya na ang tamang tao para sa'yo.'
Napasabunot nalang ako sa sariling buhok dahil sa frustasyong nararamdaman.
Ano bang gagawin ko? Habang nagtatalo ang utak at puso ko sa desisyon na dapat piliin ko, may taong nasasaktan na wala naman ibang ginawa kundi kunin ang atensyon ko.
"GOOD MORNING, Grace." Napabaling ako sa pinto ng bahay nang makitang pumasok si Janzen. Kilalang-kilala naman siya ni Mama dahil close ang Mama ko at Mama niya kaya gano'n nalang ang pagtutulak ng mga magulang namin na maging kami nalang.
Psh.
"Hellooo! Goodmorning sabi ko. Saan goodmorning too ko?" Napakurap-kurap ako ng hindi mamalayang nasa harap ko na siya. Nakangiti siya ng todo sa'kin na para bang hindi siya nasaktan kahapon. Na para bang hindi ko siya nasaktan kaya mas lalo naman akong na-giguilty sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
De TodoEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
